Pokwang, humingi ng paumanhin matapos kumpirmahin na kapatid niya ang nasa viral video
- Kinumpirma na ni Pokwang na ang lalaking sangkot sa viral na video sa Facebook ay ang kanyang kapatid
- Humingi siya ng tawad sa pamilya, lalo na sa babaeng anak, at nangakong dadalawin niya ito
- Nilinaw niya na ang pagkakamali ng kapatid niya ay hindi niya kinatutuwa at hindi dapat iugnay sa kanya at sa buong pamilya nila
- Nagpaalala siya laban sa cyberbullying at sa mga politikong nakikisakay sa isyu na ito
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naglabas na ng pahayag ang aktres na si Pokwang sa kanyang Instagram tungkol sa nag-viral na insidente kung saan nasangkot ang isang lalaki na kinilala bilang si Carlo Tano Subong, na sinasabing kapatid niya.

Source: Instagram
Ang insidente ay tungkol sa isang alitan umano ng nasabing lalaki at ng isang ama kasama ang kanyang anak na babae.
Sa video niya sa Instagram, kinumpirma ni Pokwang na kapatid niya nga ang lalaking sangkot sa insidente.
"May gusto lang po akong ipahiwatig, or malaman niyong lahat, na totoo po yung sa nag-viral po na video na isa pong lalaki na naka-Hilux na Toyotang puti. Opo, kapatid ko po yun, nag-viral siya, ang galling ano," aniya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad na humingi si Pokwang ng tawad sa pamilya na nakaalitan ng kanyang kapatid, lalo na sa babaeng anak sa video.
"Ako po ay humihingi ng dispensa, dun po sa kanyang nakaalitan at lalo't lalo na po dun sa anak na babae. Pasensya na, iha, dadalawin kita, wait lang. Pupunta ako diyan, pasensya na."
Nilinaw din ni Pokwang na ang pagkakamali ng kapatid ay hindi dapat iugnay sa kanya o sa kanilang buong pamilya.
"Paalala lang po na ang kasalanan po ni Pedro ay hindi po pwedeng maging kasalanan ni Juan. Maaari pong iisa kami ng apelyido pero hindi naman po kami pareho ng pag-iisip at ng mga gawain sa araw-araw," aniya.
Bukod pa rito ay mahigpit din siyang nagpaalala laban sa cyberbullying at pati na rin sa cyberlibel.
"Paalala ko lang din po, dun sa mga nag-post pa ng paulit-ulit ng mukha ng buong pamilya ko, may tinatawag po tayong cyberbullying at cyberlibel," say ng aktres.
Sa kanyang caption, nagpahayag din siya ng pagkadismaya sa "politikong nakisakay" sa isyu na ito.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Pokwang ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Bago pumasok sa showbiz, nagtrabaho siya bilang OFW sa Japan, at naging domestic helper sa Abu Dhabi — mga karanasang humubog sa kanyang matatag na personalidad. Nakilala siya nang sumali sa ABS-CBN reality talent show segment na Clown in a Million noong 2004 at itinanghal na grand champion, na naging tulay sa kanyang pagpasok sa mga sitcom. Sa kasalukuyan, si Pokwang ay isa ng talent ng Kapuso Network, matapos siyang lumipat noong June 2021 sa GMA-7.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay mariing pinabulaanan ni Pokwang ang video na nag-eendorso umano sa kanya ng online gamblíng. Nagbabala ang komedyana na ang kumakalat na video sa Facebook ay peke at may bahid ng AI editing. Hinimok ni Pokwang ang publiko na i-report agad ang Facebook account na nagpakalat ng panloloko. Binibigyang-diin ng insidente ang lumalaking problema ng AI-generated content.
Samantalang ay diretsang binatikos ni Pokwang ang mga "nepo babies" dahil sa kanilang mararangyang OOTD. Ikinumpara niya ang kanyang SHEIN outfit sa mga mamahaling kasuotan ng mga "nepo babies" online. Sa kanyang caption, tinuwiran niyang "sinayang ang pera ng bayan" sa labis na paggastos. Muli, nagpakita si Mamang Pokie ng katapangan sa pagpapahayag ng kanyang pananaw sa social media.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


