Angelica Panganiban nang makatrabaho si Piolo Pascual noon: "Muntik talaga akong ma-in love"
- Inamin ni Angelica Panganiban na muntik siyang ma-in love kay Piolo Pascual noon
- Aniya pa nga ni Angge, si Piolo raw ang pinakakomportable niyang leading man
- Nag-open up pa siya sa isang kaibigan dahil iba na raw ang kanyang nararamdaman
- Ang pumigil sa kanya na ma-fall ay dahil may jowa siya noong mga panahong iyon
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang nakakagulat at nakakakilig na rebelasyon ang ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang panayam kay MJ Felipe sa 'The B Side' ng Cinema One, kung saan inamin niya na muntik siyang ma-in love sa kanyang leading man na si Piolo Pascual noon.

Source: Instagram
Natanong kasi si Angelica tungkol sa mga leading men na nakatrabaho niya sa industriya noon. Nang banggitin ang pangalan ni Piolo, inilarawan ni Angelica si Papa P bilang pinakakumportableng leading man.
"Sa kanya ata ako pinakakomportable. Masaya kasing kasama si Papa P eh, game siya sa lahat ng bagay," aniya Angelica kay MJ.
Idinagdag niya na ang pagiging convincing ni Piolo sa kanyang pag-arte ay talagang nakakagawa ng real life chemistry.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Kaya niyang magpatawa, kaya niya talagang tignan ka na kumpletong with look of love, na para bang sobrang hirap na hindi ma-fall. Alam mo yung ganun? Jusko, muntik ako ma-in love kay Papa P noon, nung ginagawa naming yung Every Breath U Take," pag-amin ni Angelica.
Umabot pa nga sa punto na nag-open up daw si Angelica sa isang kaibigan dahil sa kanyang nararamdaman.
"Sobrang close kami. Nag-open up talaga ako nun sa isa kong kasama sa work, 'Parang iba na yung nararamdaman ko kay Papa P.' Muntik talaga akong ma-in love sa kanya," say ng aktres.
Nang tanungin kung paano niya napigilan ang sarili, nabanggit ni Angelica na may jowa siya noong mga panahong iyon.
"Pano mo napigilan?" aniya MJ na sinagot naman ni Angelica, "Syempre may jowa ako nun! Sinabihan ako nung friend ko nun na, 'Uy bakla! May jowa ka!'"
Ang pelikulang Every Breath U Take, na idinirek ni Mae Czarina Cruz-Alviar ay ipinalabas noong 2012.

Read also
Kiray Celis, nagpasalamat kay Angeline Quinto dahil tinupad nito ang "pangarap" niya sa kasal
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Angelica Panganiban ay isang Filipina actress, komedyante, at television host na kilala sa kanyang husay sa parehong drama at komedya. Nagsimula siya bilang child actress at sumikat sa kanyang mga papel sa iba't ibang teleserye at pelikula. Ipinamalas niya ang kanyang galing sa drama sa mga teleseryeng tulad ng Pangako Sa 'Yo at The Legal Wife, kung saan hinangaan ang kanyang intense na mga roles. Kilala rin siya sa kanyang talento sa komedya, lalo na sa programang Banana Split. Noong 2022, isinilang niya ang kanyang unang anak kasama ang partner niyang si Gregg Homan, bilang bahagi ng kanyang bagong yugto bilang isang ina.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Angelica Panganiban sa Instagram Stories ang binili ng kanyang asawang si Gregg Homan sa Australia. Dahil dito ay nagbiro si Angelica at sinabing "papakasalan kita ulit" sa tuwa niya sa nabili ni Gregg. Aniya, gagamitin nila ito para sa kanilang paparating na Christmas break kasi.

Read also
Angelica Panganiban sa binili ni Gregg Homan sa Australia: "Papakasalan kita ulit pag uwi mo"
Samantalang ay natanong si Angelica Panganiban tungkol kay Derek Ramsay. Kamakailan ay na-interview kasi ang aktres sa media launch ng 'Unmarry' na movie. Bukod sa tanong tungkol kay Derek, natanong din si Angelica ukol sa toxic relationships. Marami naman ang humanga kay Angelica dahil sa pagpapakatotoo nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
