Ellen Adarna, nakasama si John Lloyd Cruz at ang GF nito para sa piano recital ni Elias

Ellen Adarna, nakasama si John Lloyd Cruz at ang GF nito para sa piano recital ni Elias

  • Nag-reunite sina kamakailan sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz para sa piano recital ng kanilang anak na si Elias Modesto
  • Ipinakita ni Ellen sa kanyang Instagram Stories ang mga larawan ng kanilang pagsuporta kay Elias sa espesyal na araw na ito
  • Sa isa sa mga larawan, makikita si Elias na hawak ang kanyang certificate habang kasama ang kanyang mga magulang sa stage
  • Nakita rin sa okasyon si Isabel Santos, ang kasalukuyang partner ni John Lloyd sa event

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagdulot ng tuwa sa kanilang mga tagasuporta ang muling pagsasama nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz para sa mahalagang okasyon ng kanilang anak na si Elias Modesto—ang kanyang piano recital nitong buwan.

Ellen Adarna, nakasama si John Lloyd Cruz at ang GF nito para sa piano recital ni Elias
Ellen Adarna, nakasama si John Lloyd Cruz at ang GF nito para sa piano recital ni Elias (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram Stories ang ilang larawan na shinare ng isang user na si @msvansoyosa, na nag-dokumento ng tagumpay ni Elias sa kanyang especial na araw..

Makikita sa mga larawan ang pagsuporta ng parehong magulang at kanilang pamilya't mga kaibigan kay Elias.

Read also

Kaye Abad, nagluluksa sa pagpanaw ng kalaro ng anak na si Joaquin: "Sakita uy"

Sa isang larawan, masayang nakangiti si Elias habang hawak ang kanyang certificate, kasama sina Ellen at John Lloyd sa entablado. Naka-bow tie si Elias, habang si Ellen naman ay nakasuot ng terno na OOTD.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ellen Adarna, nakasama si John Lloyd Cruz at ang GF nito para sa piano recital ni Elias
Screenshot mula sa Instagram ni @maria.elena.adarna
Source: Instagram

Sa isa pang post, makikita si Ellen na buhat ang kanyang bunsong anak na si Baby Liana habang katabi naman nila si Elias.

Spotted din sa isa pang post si Isabel Santos, ang kasalukuyang partner ni John Lloyd, kasama ang kanilang buong grupo, kabilang sina Ellen at John Lloyd, na nagpapakita ng magandang blended family dynamic.

Ang mga larawan ay nagpapatunay sa commitment ng parehong magulang na suportahan si Elias sa kanyang mga milestone, sa kabila ng kanilang healthy na co-parenting setup.

Ellen Adarna, nakasama si John Lloyd Cruz at ang GF nito para sa piano recital ni Elias
Screenshot mula sa Instagram ni @maria.elena.adarna
Source: Instagram

Ellen Adarna, nakasama si John Lloyd Cruz at ang GF nito para sa piano recital ni Elias
Screenshot mula sa Instagram ni @maria.elena.adarna
Source: Instagram

Si Ellen Adarna ay isang Filipina actress, model, at personality sa social media na kilala sa kanyang candid personality at kapansin-pansing ganda. Unang nakilala si Ellen sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga papel sa iba't ibang palabas sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa entertainment, kilala rin siya sa pagiging tapat at walang filter sa social media. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Derek Ramsay. Bago nito, naging bahagi siya ng isang high-profile na relationship kay John Lloyd Cruz, kung saan nagkaroon sila ng anak.

Read also

Lian Paz, naiyak sa liham at mga regalo ng kanyang bunsong anak na si Niña

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-react si Ellen Adarna sa Instagram sa panayam ni Angelica Panganiban kay Karen Davila. Ibinahagi ni Ellen ang ilang clips mula sa viral na interview kay Angelica sa YouTube. Nagbiro pa nga kasi si Angelica tungkol sa "group chat" at sinabing hindi pa siya na-invite. Tugon tuloy ni Ellen sa kilalang aktres, "promise" niya raw at masaya ang naturang "group chat."

Samantalang ay ipinakita ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram ang bonding ng kanyang mga anak kasama si Austin. Si Austin Ramsay ay anak ni Derek Ramsay sa kanyang dating asawa na si Mary Christine Jolly. Makikita sa larawan si Elias Modesto at Baby Liana, na tinawag niyang "sibs" kasama si Austin. Ang mga post ay nagpapakita ng magandang pagsasama ng mga bata sa kanilang blended family.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco