Ellen Adarna, naaliw; napa-react sa interview ni Angelica Panganiban: "Taragis"

Ellen Adarna, naaliw; napa-react sa interview ni Angelica Panganiban: "Taragis"

  • Nag-react si Ellen Adarna sa Instagram sa panayam ni Angelica Panganiban kay Karen Davila
  • Ibinahagi ni Ellen ang ilang clips mula sa viral na interview kay Angelica sa YouTube
  • Nagbiro pa nga kasi si Angelica tungkol sa "group chat" at sinabing hindi pa siya na-invite
  • Tugon tuloy ni Ellen kay Angelica, "promise" daw at masaya ang naturang "group chat"

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay ng lighthearted at nakakaaliw na reaksyon si Ellen Adarna sa kanyang Instagram Stories patungkol sa pinakabagong interview ng aktres na si Angelica Panganiban kay Karen Davila sa YouTube.

Ellen Adarna, naaliw; napa-react sa interview ni Angelica Panganiban: "Taragis"
Photos: @iamangelicap, @maria.elena.adarna on Instagram
Source: Instagram

Ibinahagi ni Ellen ang ilang clips mula sa panayam ni Angelica, na nagpapakita ng magandang sense of humor ng aktres at pati na rin ng host na si Karen na todo-enjoy sa naturang panayam.

Sa unang clip, makikita ang pag-amin ni Angelica na kung hindi siya masaya ngayon, baka nagbitaw siya ng salitang, "Eh ito naman hindi pa natuto sa akin."

Read also

Claudine Barretto, nag-react sa 2017 comment ni Aga sa kanya: "Once upon a time, he was my rock"

Nagpahayag din si Angelica ng paghanga sa tapang ni Ellen, lalo na sa mga ipinost nito ngayong taon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Nakakabilib nga siya eh, ang tapang niya like woah. Ano eh parang, pano niya nagawa yung mga hindi ko kayang gawin noon? Ako parang ano eh, hanep! Galing! Napa-ganun talaga ako eh [kasi] ako natagalan eh," aniya Angelica.

Dito na humirit si Karen Davila at sinabing "nuts" daw talaga si Angelica na nagpatawa sa huli.

Agad na nag-react si Ellen sa clip na ito at sabay tag kina Angelica at Karen: "Taragis hahahah @iamangelicap @iamkarendavila."

Sa ikalawang clip, nagbiro naman si Angelica na hindi pa siya na-invite sa isang "group chat" umano.

"Hindi pa nga ako na-invite dun sa group chat eh," aniya Angelica na agad namang tinanong ni Karen, "Okay, but you are not saying any of these in bad faith, diba? You're being light-hearted." Say naman ni Angelica, "Oo, alam mo I wish her well."

Dito na nga tila nag-imbita si Ellen kay Angelica at ibinunyag na masaya ang naturang "group chat."

Read also

RR Enriquez, nahirapang sumawsaw sa Kim-Lakam isyu: "We have no right to judge Kim"

"Promise masaya and nakakatawa yung group chat, @iamangelicap," aniya Ellen.

Ang mga Instagram Stories ni Ellen ay nagpapakita ng kanyang pagiging bukas at pagiging good sport.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Ellen Adarna ay isang Filipina actress, model, at personality sa social media na kilala sa kanyang candid personality at kapansin-pansing ganda. Unang nakilala si Ellen sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga papel sa iba't ibang palabas sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa entertainment, kilala rin siya sa pagiging tapat at walang filter sa social media. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Derek Ramsay. Bago nito, naging bahagi siya ng isang high-profile na relationship kay John Lloyd Cruz, kung saan nagkaroon sila ng anak.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ipinakita ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram ang bonding ng kanyang mga anak kasama si Austin. Si Austin Ramsay ay anak ni Derek Ramsay sa kanyang dating asawa na si Mary Christine Jolly. Makikita sa larawan si Elias Modesto at Baby Liana, na tinawag niyang "sibs" kasama si Austin. Ang mga post ay nagpapakita ng magandang pagsasama ng mga bata sa kanilang blended family.

Read also

Jennica Garcia, emosyonal nang makita ang sub count niya sa Twitch: "Pinapaiyak niyo ko ha"

Samantalang ay ibinahagi kamakailan ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram ang isang mensahe mula sa isang nagpakilalang "Alexa." Nanawagan si Ellen sa mga "marites" sa social media na itigil ang pag-blame kay Alexa. Nilinaw ni Ellen na ang issue ay tungkol sa "side chick" na hindi naman daw naging girlfriend talaga. Sa chat ni Alexa, inamin niya na naging biktima siya ng emosyonal at psychological manipulations.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco