Rochelle Pangilinan, nagpakatotoo tungkol sa reunion concert nila: "Walang gustong mag-produce"
- Inihayag ni Rochelle Pangilinan na "sumugal" sila nang magdesisyon na magkaroon ng SexBomb reunion concert
- Ibinunyag niya na "walang gustong mag-produce" at puno ito ng kawalan ng kasiguraduhan
- Aniya Rochelle, ang kanilang layunin ay makapagpasalamat at makapagbigay ng regalo sa kanilang fans
- Para kay Rochelle, ang fans nila ang "backbone" at dahilan kung bakit nagbukas ulit ang ilaw
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbigay ng emosyonal at taos-pusong mensahe ang former SexBomb dancer na si Rochelle Pangilinan sa kanyang Instagram post, kung saan ibinahagi niya ang tunay na pinagdaanan ng kanilang grupo bago maganap ang matagumpay na reunion concert nila ngayong taon.

Source: Instagram
Sa kanyang caption, inihayag ni Rochelle na puno pala ng pag-aalinlangan at kawalan ng kasiguraduhan ang pagbabalik-entablado ng SexBomb para sa kanilang reunion concert.
Ayon kay Rochelle, noong unang nagdesisyon silang gawin ang concert, may pag-aalinlangan silang lahat.
"When we decided to do this concert, aminado kami—sumugal kami. Walang gustong mag-produce. Walang kasiguraduhan. Pero tinuloy namin... kasi hindi naman pera ang hangad namin," pag-amin ni Rochelle.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag ni Rochelle, ang gusto lang nila ay makabawi, makapagpasalamat, at makapagbigay ng regalong nararapat sa kanilang mga tagahanga na matagal nang sumusuporta sa kanila sa mahabang panahon.
Ipinunto ni Rochelle na ang kanilang mga tagasuporta ng dahilan kung bakit naging sulit ang kanilang efforts.
"Kayo ang dahilan kung bakit worth it lahat. Kayo ang dahilan kung bakit nagkaroon kami ng lakas ng loob ulit. Kayo ang dahilan kung bakit nagbukas ulit ang ilaw," pahayag ni Rochelle.
Muling nagpasalamat si Rochelle sa mga fans, lalo na sa mga patuloy na naniniwala sa kanilang lahat.
"Maraming salamat for growing with us, staying with us, and believing in us—kahit minsan kami mismo, nagdududa na. We love you. Always. At hindi namin kalilimutan na kayo ang bumuo sa amin," pagtatapos ni Rochelle.
Ang reunion concert ng grupo ay naging patunay na buhay pa rin ang suporta ng fans ng SexBomb, na isa sa mga pinakatanyag na dance group sa kasaysayan ng Philippine show business.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Rochelle Pangilinan ay isang kilalang Filipina dancer at aktres na unang sumikat bilang founding member at dating leader ng SexBomb Dancers, isa sa pinakasikat na dance groups sa bansa noong early 2000s. Dahil sa kanyang husay sa pagsayaw at malakas na stage presence, naging isa siya sa mga pinaka-recognizable na personalidad sa entertainment industry. Lumawak pa ang kanyang karera nang mapasama siya sa SexBomb Girls bilang recording artist, at nagkaroon sila ng mga hit songs at TV shows. Kalaunan, pumasok siya sa pag-arte at napanood sa iba’t ibang teleserye at drama anthologies, kung saan napatunayan niya ang kanyang versatility bilang performer. Sa personal na buhay, mas lalong minahal ng publiko si Rochelle nang ibahagi niya ang kanyang journey bilang asawa at ina. Ikinasal siya sa aktor at dancer na si Arthur Solinap noong 2017, at biniyayaan sila ng isang anak na babae na si Shiloh Jayne.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nasabi ni Rochelle Pangilinan na mas naging makahulugan ang reunion concert dahil sa naging reaksyon ng anak niyang si Shiloh. Ikinuwento ng performer na tuwang-tuwa at talon nang talon ang kanyang anak habang siya'y nagpe-perform sa entablado. Inilarawan niya ang sandali bilang lubos na nakakaangat ng loob, lalo na matapos ang mahabang oras ng paghahanda nila.
Samantalang ay ikinuwento naman ni Jopay Paguia sa Toni Talks ang tungkol sa umano’y rivalry nila ni Rochelle Pangilinan. Aniya, wala talaga silang isyu at tinatrato nila ang isa’t isa na parang magkapatid. Minsan daw ay nag-aaway sila, pero hindi kailanman tungkol sa kasikatan. Idinagdag pa niya na hindi sila binago ng fame at nanatili silang lahat na mapagkumbaba sa buong takbo ng kanilang karera.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


