Melai Cantiveros, proud sa pagiging 'old school' ng mister: "Wala siyang pakiaalam sa pera ko"

Melai Cantiveros, proud sa pagiging 'old school' ng mister: "Wala siyang pakiaalam sa pera ko"

  • Ipinagmalaki ni Melai Cantiveros ang asawang si Jason Francisco, na aniya ay isang "very secure person"
  • Inamin ni Melai na "very old school" din daw ang kanyang mister pagdating sa kanilang finances
  • Aniya Melai, nakaka-proud daw dahil yun ang pananaw ni Jason pagdating sa kanilang mga pera
  • Say pa nga ng celebrity momshie, "Wala talaga siyang pakiaalam sa pera ko"

Ibinahagi ng host at komedyante na si Melai Cantiveros ang kanyang labis na pagmamalaki sa kanyang asawang si Jason Francisco, na aniya ay isang "very secure person" at may "old school" views sa pera.

Melai Cantiveros, proud sa pagiging 'old school' ng mister: "Wala siyang pakiaalam sa pera ko"
Photos: @ralphmiral, @mrandmrsfrancisco on Instagram
Source: Instagram

Inamin ni Melai na marami ang nagtataka kung nagiging insecure ba si Jason sa kasikatan niya sa showbiz.

"My husband is a very secure person kaya nga dati gusto niyang mag-security guard eh," biro ni Melai, na sinundan ng paliwanag na ito ay totoo. "Oo, gusto niya mag-security guard talaga bago siya pumasok sa PBB. Bago siya sa PBB, nakapasa na siya sa security guard so PBB na lang."

Read also

Maxene Magalona, inaming "almost 4 years" siyang lumayo sa kanyang pamilya noon

Malinaw na ipinahayag ni Melai na si Jason ay laging bukas at generous, at mas lalo pang ipinagmalaki ni Melai si Jason dahil sa kanyang pananaw sa kanilang finances na aniya ay tila 'old school' pa nga raw.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Very secure ang husband ko… You know what my husband ever since pa lang, I am proud to say talaga very old school siya na, 'Ang pera ko ay pera natin. Ang pera mo, pera mo.' Wala talaga siyang pakiaalam sa pera ko pero ang pera niya, pine-present niya sa akin," say ng 'Kuan on One' na host.

Ang pahayag ni Melai ay nagbigay-diin sa pagiging malinis at bukas ni Jason sa kanilang usapin sa pera.

Ang pagiging secure ni Jason at ang kanilang financial transparency ay nagpapatunay na ang success ng isang relasyon ay nakabatutay sa respeto at pagiging tapat sa isa't isa.

Si Melai Cantiveros ay isang sikat na Filipina actress, TV host, at comedian. Sumikat siya noong 2009 matapos manalo sa Pinoy Big Brother: Double Up. Ang kanyang nakakaaliw na personalidad, kakayahang magpatawa, at natural na karisma ang dahilan kung bakit siya naging paborito ng mga manonood habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Pagkatapos niyang manalo, pumasok si Melai sa showbiz kung saan siya naging matagumpay bilang komedyante at TV host. Sa kanyang personal naman na buhay ay pinakasalan niya si Jason Francisco. Kilala silang mag-asawa bilang 'MelaSon' sa mundo ng lokal na showbiz at sila ay may dalawang anak na babae.

Read also

Mariel Padilla sa P500 Noche Buena claim ng DTI: "Na-trigger po ako dun"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay talagang kinabahan si Melai Cantiveros dahil sa tanong ni Kaye Abad sa kanya. Kamakailan ay nag-guest kasi si Kaye sa sikat na show ni Melai na 'Kuan on One.' Dito ay napa-look back si Kaye sa panahong nakasama ni Melai si Paul Jake Castillo. Matatandaang isa si Paul Jake sa ka-batchmate ni Melai sa Pinoy Big Brother.

Samantalang ay muling nagpasaya si Melai Cantiveros ng mga netizens sa social media. Kamakailan ay nag-post kasi Bianca Gonzalez ng picture ng kanilang tradition sa 'PBB.' Ngunit may napansin ang iba sa mga pictures na ipinost ng host sa Instagram niya. Sa nasabing picture, makikita kasi ang interaction nina Melai at Robi Domingo na kinagiliwan ng marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco