Mariel Padilla sa P500 Noche Buena claim ng DTI: "Na-trigger po ako dun"

Mariel Padilla sa P500 Noche Buena claim ng DTI: "Na-trigger po ako dun"

  • Nag-react si Mariel Padilla sa pahayag ng DTI na posibleng makapaghanda ng Noche Buena sa halagang ₱500 lamang
  • Ibinahagi ni Mariel na "na-trigger" siya sa naging pahayag na ito ng DTI
  • Sinubukan pa niya mismo pagkasyahin ang P500 matapos siyang ma-challenge
  • Gayunpaman, iginiit niya na naniniwala siyang "the Filipinos deserve more" kaysa sa P500 na budget

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi napigilan ng host at vlogger na si Mariel Padilla ang mag-react sa kontrobersyal na pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na posibleng makapaghanda ng matinong Noche Buena ang isang pamilya sa halagang ₱500 lamang.

Mariel Padilla sa P500 Noche Buena claim ng DTI: "Na-trigger po ako dun"
Photos: @egarivera, @marieltpadilla on Instagram
Source: Instagram

Ibinahagi ni Mariel sa Instagram ang isang video kung saan candid niyang sinubok ang challenge na ito at nagpahayag ng pagkadismaya niya.

Sa video, sinimulan ni Mariel ang kanyang vlog sa pagtukoy sa pahayag ng DTI na nagdulot ng outrage sa maraming Pilipino sa social media.

"Sa 500 pesos eh makakagawa na ng Noche Buena ang isang pamilya. Na-trigger po ako doon nang matindi! Impossible!" pahayag ni Mariel.

Read also

IG Story ni Ellen Adarna tungkol sa “YYSS”, usap-usapan online

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ginamit ni Mariel ang kanyang platform para subukan kung realistic ba talaga ang budget na P500. Sa clip, makikita siyang sa grocery at sinusubukang maghanap ng mga produkto na aabot lamang sa halagang iyon.

"Pumunta ako sa grocery para hanapin kung anu-ano ang kakasya sa ₱500 budget," aniya sa caption.

Sa dulo ng kanyang video, ipinahayag ni Mariel ang kanyang paniniwala na higit pa sa P500 ang nararapat para sa mga Pilipino, lalo na sa panahon ng Pasko na grabeng abangan at paghandaan ng Pilipino.

"I do believe that the Filipinos deserve more," aniya Mariel sa dulo ng kanyang viral clip.

Ang video ni Mariel Padilla ay naging boses ng mga Pilipino na nag-e-express ng kanilang frustration sa kawalang-sensibilidad ng statement ng DTI, lalo na sa panahon kung kailan mataas ang presyo ng bilihin.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Mariel Padilla ay isang kilalang TV host sa Pilipinas. Nakilala siya bilang isa sa mga host ng noontime show na Wowowee at kalaunan ay naging bahagi rin ng It's Showtime. Maliban dito, naging visible siya sa iba't ibang programa ng ABS-CBN at TV5. Kilala siya sa kanyang husay sa pakikipag-ugnayan sa mga manonood at pagiging natural sa harap ng kamera. Sa personal na buhay, si Mariel ay ikinasal kay Robin Padilla noong 2010. Sila ay biniyayaan ng dalawang anak na babae. Kilala rin siya sa pagiging hands-on na ina at madalas niyang ibinabahagi sa social media ang kanyang motherhood journey. Bukod sa showbiz, naging abala rin siya sa ilang business ventures at online content creation, na lalo pang nagpalapit sa kanya sa mga fans.

Read also

Baron Geisler, inilahad kung gaano ka-instrumental ang kanyang misis sa pagiging grounded niya

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay dinepensahan ni Mariel Padilla ang kanyang asawa na si Robin Padilla. Sa Facebook, nag-post si Mariel ng statement ukol sa pang-aakusa sa senador. Aniya ng celebrity figure, unfair daw na i-claim na dinisrespect ni Sen. Robin ang watawat ng Pilipinas. Bukod pa rito ay nag-post din si Mariel ng malinaw na kuha ng viral na photo upang i-debunk ang pang-aakusa.

Samantalang ay nakasama nina Mariel Padilla, Sen. Robin Padilla, at ng kanilang mga anak na sina Isabella at Gabriela ang pamilya ni Sen. Tito Sotto. Tampok sa masayang pagtitipon ang isang homemade hotpot dinner na nagpakita ng pagiging malapit ng pamilya Padilla at Sotto. Parehong nagbahagi sina Mariel at Ciara ng mga larawan mula sa hapunan sa kanilang opisyal na Instagram.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco