Angeline Quinto, pinuri dahil sa ginawa niya sa isang lola habang siya ay nagpe-perform

Angeline Quinto, pinuri dahil sa ginawa niya sa isang lola habang siya ay nagpe-perform

  • Umani ng papuri si Angeline Quinto matapos niyang pansinin ang isang matandang fan o lola sa gitna ng kanyang performance
  • Tahimik na kumakaway ang lola sa stage, at tila umaasa lamang na makawayan din ni Angeline
  • Sa halip na kumaway, iniwan ni Angeline ang stage para lapitan at yakapin ang lola na fan
  • Ang gesture ay nagpakita ng pagpapahalaga at humility ni Angeline sa kanyang mga tagasuporta

Umani ng papuri at labis na pagmamahal sa social media ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto matapos niyang magpakita ng genuine na pagmamahal sa isang matandang tagahanga na tahimik na kumakaway sa kanya sa gitna ng kanyang performance sa isang mall event.

Angeline Quinto, pinuri dahil sa ginawa niya sa isang lola habang siya ay nagpe-perform
Photos: @loveangelinequinto, @almatheexplorer on Instagram
Source: Instagram

​Sa video na ibinahagi sa Instagram account ng netizen na si @almathexplorer, makikita si Angeline na abala sa pag-awit habang marami ang nanonood sa kanya sa ibaba. Sa background, makikita ang isang lola na tahimik at patuloy na kumakaway sa direksyon ng naturang Kapamilya artist.

Read also

Nag-viral na “kasal” ni Kiray, music video shoot lang pala

​Ayon sa narrator ng video: "I noticed nanay quietly waving at Angge several times whenever she looks at our direction." Ang narrator ay umamin na umaasa siyang mapansin ni Angeline ang nanay at kawayan din ito: "Me softly hoping Angge would notice nanay and wishing she would wave back."

​Ngunit ang ginawa ni Angeline ay higit pa sa inaasahan. ​Sa gitna ng kanyang performance, iniwan ni Angeline ang stage at naglakad siya patungo sa lugar kung nasaan ang lola. Nang magkaharap na sila, agad na yumakap at inawitan pa ni Angeline ang lola, na labis na ikinatuwa ng fan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

​Ang narrator ay nagkomento sa candid at sweet na sandali: ​"Then this happened. So happy for you, nay!"

​Ang paglapit ni Angeline sa lola ay nagpapakita ng kanyang humility at pagpapahalaga sa kanyang mga tagahanga, anuman ang kanilang edad.

​Pinuri ng netizen na nag-upload ang ginawa ni Angeline: "So happy for you, nay! Salamat @loveangelinequinto for making nanay's day."

​Ang gesture na ito ni Angeline ay nagbigay inspirasyon at nagpakita na sa kabila ng kasikatan, hindi niya nakakalimutan ang mga taong sumusuporta sa kanya anuman ang edad.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Angeline Quinto ay isang sikat na singer, actress, at personalidad sa telebisyon sa Pilipinas. Nakilala siya matapos manalo sa talent search na Star Power: Sharon's Search for the Next Female Pop Superstar noong 2011, kung saan ipinamalas niya ang kanyang makapangyarihan na boses. Mula noon, naging tanyag siya sa pagbirit ng mga ballad at theme song para sa mga pelikula at teleserye. Bukod sa pagkanta, pumasok din si Angeline sa pag-arte, at gumanap sa iba't ibang pelikula at teleserye. Kilala rin siya sa kanyang pagiging palabiro at masayahin sa mga palabas at panayam, dahilan upang maging paborito siya ng mga tao, lalo na nga ng kanyang mga fans.

Read also

Ai-Ai Delas Alas, nag-react sa "grooms seeing their brides" na video: "Kaya pala"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagkuwento si Angeline Quinto na inampon siya kapalit ng P10,000. Inilahad niya ang mga nalaman niya tungkol sa kanyang biological mother na si Nanay Susan. Ibinahagi niya ang pagkadurog ng loob ngunit pinili niyang ipagpasalamat ang pag-aaruga ni Mama Bob. Sinabi niyang maayos na ngayon ang ugnayan nila ng kanyang tunay na ina, bagay na ikinatuwa naman ng kanyang mga fans.

Samantalang ay nagbahagi naman si Angeline Quinto ng madamdaming pagbati online. Para ito sa ina ni Vice Ganda na kilala ng fans niya bilang Nanay Rosario. Sa post, nagpasalamat si Angeline kay Nanay Rosario sa pagiging lola niya. Binanggit pa nga ng singer ang kanyang mga anak na sina Sylvio at Sylvia.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco