Bettinna Carlos, ibinunyag ang kanyang pagbubuntis: "And 2 on the way"

Bettinna Carlos, ibinunyag ang kanyang pagbubuntis: "And 2 on the way"

  • Ipinagdiwang ni Bettinna Carlos ang "half a decade" na wedding anniversary nila ni Mikki Eduardo
  • Kasama ng post ay ibinunyag niya na mayroon silang "2 on the way" na ikinagulat ng marami
  • Sa naturang post, pinuri niya si Mikki na "forever last minute but always [100%] effort and thoughtful"
  • Tiniyak naman ni Bettinna na ang kanilang masaya at mapayapang buhay ay dahil sa Diyos

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagbigay ng sorpresa at labis na kagalakan ang aktres at entrepreneur na si Bettinna Carlos sa kanyang Instagram account, kung saan ipinagdiwang niya ang kanilang wedding anniversary kasabay ng announcement na nagdadalang-tao siyang muli.

Bettinna Carlos, ibinunyag ang kanyang pagbubuntis: "And 2 on the way"
Bettinna Carlos, ibinunyag ang kanyang pagbubuntis: "And 2 on the way" (@bettinnacarlos.eduardo)
Source: Instagram

​Nag-upload si Bettinna ng isang photo montage kasama ang kanyang asawang si Mikki Eduardo at ang kanilang mga anak, kung saan ipinakita niya ang highlights ng kanilang limang taong pagsasama.

​Sa caption ng post, inisa-isa ni Bettinna ang mga biyayang natanggap nila sa nakaraang mga taon.

​"Half a decade married today. In a new home, in a new town. With 2 kids. And 2 on the way," aniya Bettinna.

Read also

Alden Richards, naloka sa pag-uusap ng isang ginang at ng anak nito bago magpa-picture

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

​Ang phrase na "and 2 on the way" ay tila isang kumpirmasyon na magiging apat na ang kanilang mga anak, na nagpapahiwatig na kambal pa nga ang kanilang pinakabagong blessing bilang mag-asawa.

​Nagbigay pugay din si Bettinna sa kanyang asawa na si Mikki, na aniya ay laging witty at thoughtful.

​"My asawa: forever last minute but always [100%] effort and thoughtful and witty and funny."

​Tiniyak din niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawa at sa huli ay ipinahayag ni Bettinna ang kanyang pasasalamat sa Diyos, na sentro ng kanilang masayang pagsasama at pagpapamilya.

​"I love you @mikki.e.eduardo. Thank you Lord for my husband, our marriage, our family, this life... We are only really able to enjoy it because You are in it," say ng aktres sa caption.

​Ang video montage ay nagbigay ng candid at joyful na glimpse sa buhay ng pamilya Carlos-Eduardo.

Swipe left para makita ang iba pang photos:

Read also

Bianca Umali, may nakakaaliw na tanong kay Big Brother: "Knock knock po, kuya"

Si Bettinna Carlos ay isang Pilipinang aktres at host. Sinimulan niya ang kanyang karera sa edad na 15 sa GMA Network. Kalaunan ay lumipat siya sa ABS-CBN bago muling bumalik sa GMA noong 2012. Bukod sa pag-arte, naging host din siya ng cooking show na Idol sa Kusina. Sa kanyang personal na buhay, may anak si Bettina na nagngangalang Amanda Lucia. Ikinasal siya kay Mikki Eduardo noong December 2020, at noong 2022 ay isinilang ang una nilang anak na magkasama, si Amina Elizabeth. Bukas ding ibinabahagi ni Bettina ang kanyang karanasan bilang single mother noon at ang buhay ng kanyang pamilya sa La Union, kung saan binibigyang-diin niya ang kanyang pananampalataya at katatagan sa buong paglalakbay ng kanyang buhay.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging emosyonal si Bettinna Carlos dahil sa request ng kanyang panganay na si Gummy. Kamakailan ay nag-crave kasi ito ng dating bine-bake niya na pagkain na 'Nutella Rocks.' Aniya Bettinna, ang huling beses silang nakakain nito ay noong December 2020 pa nga. Dahil dito ay napa-reflect ang dating aktres sa kanilang journey.

Read also

TikTok video nina Anne Curtis at Jericho Rosales, viral: "Kuya, natanggal"

Samantalang ay naimbitihan ni Toni Gonzaga si Bettinna Carlos sa 'Toni Talks.' Dito ay nag-open up si Bettina tungkol sa biological dad ng kanyang anak na si Amanda Lucia o Gummy. Sa naturang episode, binalikan ni Bettina ang panahong iniwan niya ang ama ni Gummy. Aniya Bettina sa interview, "I tried to work things out, pero lahat talaga pinag-aawayan namin"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco