Old vlog clip resurfaces as feng shui warning to Kim Chiu gains attention

Old vlog clip resurfaces as feng shui warning to Kim Chiu gains attention

  • Lumabas muli ang dating video clip ng 2024 Chinese New Year vlog ni Kim Chiu kung saan may babala ang feng shui expert sa kanya
  • Ayon kay Johnson Chua, kailangan maging maingat ang zodiac sign ni Kim dahil may posibilidad daw na mawala ang tiwala o oportunidad
  • Nang marinig ang paliwanag, napa-react si Kim at tumingin pa sa kapatid niyang si Lakam
  • Naugnay ng mga netizens ang dating babala sa kasalukuyang reklamong inihain ni Kim tungkol sa umano’y isyu sa pondo

Muling umingay online ang isang dating video mula sa 2024 Chinese New Year vlog ni Kim Chiu matapos lumabas ang balita na nagsampa siya ng reklamo kaugnay ng umano’y pagkalos ng pondo sa negosyo na pinamahalaan nila ng kapatid niyang si Lakambini Chiu. Sa X post ng user na “chin chaekyong,” makikita ang bahagi ng video kung saan kasama ni Kim ang feng shui expert na si Johnson Chua para pag-usapan ang magiging takbo ng taon batay sa kanyang zodiac sign.

Read also

Buong pahayag ni Kim Chiu ukol sa reklamo laban sa kapatid, inilabas

Old vlog clip resurfaces as feng shui warning to Kim Chiu gains attention
Old vlog clip resurfaces as feng shui warning to Kim Chiu gains attention (📷 @chinitaprincess/IG)
Source: Instagram

Sa clip, ipinaliwanag ni Johnson kung bakit ibinaba niya ang horoscope sign ni Kim na horse. Aniya, may ilang dapat bantayan base sa forecast. “Bakit ko binaba ngayon ‘yong horse? Kasi mayro’n tayong ilang things na kailangang ingatan,” paliwanag niya. Sinundan pa niya ito ng “Ang number one talagang iingatan natin ang horse. Mayro’n kasing roberry star ang horse.”

Dahil sa sinabi ni Johnson, napa-react si Kim at halatang nagulat sa narinig. “My god! Anong tiwala ang mananakaw sa akin?” sagot niya habang nakatingin sa kapatid niyang si Lakam, na kasama rin noon sa vlog. Tila hindi pa doon natapos ang babala dahil nagdagdag pa ang feng shui expert ng mas malawak na paliwanag na tumutukoy sa posibilidad ng pagkawala ng tiwala, koneksyon, o mga taong hindi totoo sa paligid. “Tapos also mga traitors and backfighters. We also need to be careful sa mga user. So medyo maging maingat ka lang,” sabi pa niya.

Read also

Kim Chiu nagsumite ng reklamo matapos matuklasan ang umano’y nawalang pondo

Ang dating segment na ito ay nagbalik muli ngayon dahil nagkataong kasabay ito ng pag-angat ng isyu tungkol sa umano’y financial discrepancies sa negosyo nina Kim at Lakam. Ayon sa naunang ulat, hindi ibinunyag ng legal counsel ni Kim kung aling negosyo ang apektado ngunit kinumpirmang mayroong malaking alalahaning lumabas matapos ang internal review. Sa hiwalay namang tsikahan, nabanggit ni showbiz columnist Cristy Fermin na ayon sa mga lumabas na kuwento, maliit na halaga na lang umano ang natira sa puhunan na ibinigay ni Kim.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi kataka-takang muling pinagtagni-tagni ng netizens ang dating feng shui reading sa kasalukuyang pangyayari. Bagaman malinaw na hindi ito kumpirmasyon ng anumang pangyayari, maraming nakakita ng “coincidence,” lalo na at tila tugma sa mga pariralang nasabi noon sa vlog.

Sa kabila ng ingay, nananatiling pribado ang ibang detalye at piniling hindi pag-usapan pa ng kampo ni Kim ang specific na negosyo. Ang sigurado, patuloy na inaabangan ng publiko ang magiging takbo ng isyu lalo na’t ang updated statement ni Kim ay nagpapatunay na seryoso ang sitwasyon para sa kanya bilang negosyante at bilang kapatid.

Si Kim Chiu ay isa sa pinakakilalang artista ng Kapamilya network. Nakilala siya bilang aktres, host, performer, at businesswoman na aktibong nagtatayo ng sariling ventures. Sa mga nakaraang taon, naging bahagi siya ng iba’t ibang proyekto sa telebisyon, at nakilala rin sa pagiging masayahin sa kabila ng hamon sa personal na buhay. Madalas niyang ibahagi sa kanyang mga vlog ang personal experiences, kabilang ang feng shui readings na bahagi ng kanyang Chinese-Filipino culture.

Read also

Kim Chiu, napangiti sa reaksyon ng fan nang mabanggit ang dati niyang karelasyon

Sa naunang ulat, ibinahagi ang desisyon ni Kim na pumasok sa pormal na proseso matapos umano niyang matuklasan ang malaking kakulangan sa pondo ng negosyo. Inilahad ng ulat na ilang buwan muna silang nagsagawa ng internal review bago siya umakto. Mahalaga ang ulat na ito dahil dito unang nalaman ng publiko ang bigat ng sitwasyon na kinahaharap niya ngayon.

Sa naunang ulat ng Kami, binahagi ang kabuuang statement ni Kim kung saan inilahad niya kung gaano kahirap para sa kanya ang naging desisyon. Binanggit niyang pinili niya ang pagiging responsable at tapat sa proseso upang maprotektahan ang kanyang negosyo at ang mga taong kasama niya sa trabaho. Ang pahayag na ito ay nagbibigay ng mas malinaw na konteksto sa kasalukuyang balita at nagpapakita ng emosyonal na bigat ng sitwasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: