Dina Bonnevie sa meeting nila ni Ivana Alawi: "Meeting her is a blessing!"
- Nagpahayag si Dina Bonnevie ng labis na paghanga kay Ivana Alawi
- Sa Instagram, tinawag ni Dina na "blessing" ang meeting nila ng aktres
- Aniya Dina, si Ivana ang nagpa- block screening para suportahan si Joshua Garcia
- Bukod pa rito ay nilibre rin ni Ivana sina Dina ng dinner, bagay na nagpa-touch sa aktres
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagpahayag ang veteran star na si Dina Bonnevie ng kanyang labis na paghanga at pasasalamat kay Ivana Alawi matapos ang kanilang pagkikita. Ibinahagi ni Dina sa kanyang Instagram na ang encounter ay isang "blessing" at nagbigay ito ng malaking sorpresa sa kanya.

Source: Instagram
Nag-post si Dina ng carousel ng mga larawan kasama si Ivana at si Joshua Garcia. Nagkita sila sa isang block screening na pinondohan mismo ni Ivana upang suportahan ang movie ng aktor.
"Meeting @ivanaalawi was a wonderful surprise to me. I didn't expect her to be so down-to-earth and kind, being so up there and blessed financially. However, I can say that meeting her is a blessing!" pag-amin ni Dina sa naturang post.
Tunay na nagulat si Dina kay Ivana, lalo na at napakalaki daw umano ng financial blessing at kasikatan nito. Pinuri niya si Ivana sa pagiging mabuti at sa pagsuporta sa kapwa artista sa industriya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"She sponsored a block screening of MEET, GREET & GOODBYE to support Joshua Garcia's movie and even paid for our dinner after the screening," aniya Dina.
Dahil sa kanilang pagkikita at sa kindness ni Ivana, naging big fan din si Dina ni Ivana at pati na rin ni Joshua.
"I became an instant fan of @garciajoshuae after seeing how good he is at his craft... I also became a big fan of Ivana because of her kind heartedness and being supportive of others. She is also a good actress I must say," say ni Dina.
Sa huli, nagbigay si Dina ng nakaka-excite na announcement para sa mga netizens:
"I am so blessed to be working on a new project with both of them. Our TV series will be out next year! ABANGAN!!! @ivanaalawi @garciajoshuae."
Swipe left para makita ang iba pang photos:
Si Dina Bonnevie ay isang beteranong Filipina actress na kilala dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikula at telebisyon. Ipinamalas niya ang husay sa larangan ng pag-arte sa mga iconic films tulad ng Katorse, Magdusa Ka, Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, at Gumapang Ka sa Lusak. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, kinilala rin si Dina sa kabilib-bilib niyang pagganap na nagdala sa kanya ng maraming parangal. Sa kasalukuyan, bumabalik siya sa hosting bilang host ng bagong family talk show na House of D, kasama ang kanyang mga anak na sina Oyo at Danica Sotto, at ang mga asawa nila, na nagpapakita ng kanilang tunay na buhay bilang pamilya.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging tapat sa panayam sa kanya ni Boy Abunda si Dina Bonnevie. Naitanong kasi si Dina tungkol kina Kristine Hermosa at Marc Pingris. Nagpakatotoo naman ang beteranang aktres na hinangaan ng marami. Gayunpaman, binigyang-diin pa rin ni Dina na iisa silang pamilya.
Samantalang ay hindi napigilan ni Dina Bonnevie na maging emosyonal sa latest episode ng FTWBA. Nag-open up kasi ang beteranang aktres tungkol sa kanyang yumaong asawa. Aniya ng aktres pa nga sa 'King of Talk' sa interview, noon pa man ay sinasabi na niya na gusto niyang mauna kay DV Savellano.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

