Bianca Umali, may nakakaaliw na tanong kay Big Brother: "Knock knock po, kuya"
- Humirit si Bianca Umali sa Kuya ng PBB House dahil kay Ruru Madrid
- Nag-post si Bianca ng cute selfie ni Ruru habang nasa loob ito ng Bahay ni Kuya bilang houseguest
- Dahil dito ay may nakakaaliw na tanong si Bianca para kay 'Big Brother'
- Ang post ay nag-viral, na nagpapakita ng kakulitan at pagkasabik ni Bianca para kay Ruru
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Humirit ng isang nakakatuwang tanong ang aktres na si Bianca Umali kay 'Kuya' ng Pinoy Big Brother (PBB) matapos niyang magbahagi ng isang larawan ng kanyang partner na si Ruru Madrid.

Source: Instagram
Si Ruru ay kasalukuyang nasa loob kasi ng Bahay ni Kuya bilang isang "houseguest" para sa bagong season ng show, dahilan upang pansamantalang silang magkahiwalay.
Sa kanyang Instagram post noong Wednesday, nag-upload si Bianca ng isang adorable selfie ni Ruru. Sa larawan, makikita si Ruru na naka-berdeng cap at cardigan, nakasuot ng malaking headphones, at umiinom ng kanyang matcha drink habang nakatingin sa camera nang may tila matcha na ekspresyon.
Ang caption ni Bianca ay naglaro sa matcha theme at sa sitwasyon nila ni Ruru:
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Macho man? Pass. Matcha man? Yes, always. P.S. knock knock po, Kuya, miss ko na po si Ruru. Hanggang kailan po ako maghihintay na makasama siya ulit?"
Agad na umani ng libu-libong likes at komento ang post, kabilang na ang mga tawa at relatable na mensahe mula sa kanilang fans na nag-aabang din sa muling paglabas ni Ruru.
Aniya pa nga ng isang netizen kay Bianca, "Sunduin mo na, ma. Miss na rin kita sa PBB!"
Ang cute na paghahanap ni Bianca kay Ruru ay nagpapatunay lamang sa closeness ng dalawa at sa kanyang pagiging supportive sa bagong adventure ng aktor sa loob ng Bahay ni Kuya. Samantala, patuloy na inaabangan ng mga manonood ang magiging experience ni Ruru bilang houseguest sa PBB.
Si Bianca Umali ay isang kilalang aktres, singer, at TV host mula sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera bilang baby model. Sa kanyang paglago bilang artista, hinasa niya ang kanyang kakayahan sa iba't ibang genre — at sa kalaunan ay naging parte ng telefantasya serye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, kung saan ginagammpanan niya ang karakter na si Terra. Bilang isang Kapuso artist, si Bianca ay isang versatile na actress na labis na hinahangaan.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan sina Bianca Umali at Ruru Madrid online. Kamakailan ay kumalat kasi ang video ng dalawa kung saan iniintay ni Bianca si Ruru. Pagkadating ni Ruru ay agad nitong pinuntahan si Bianca para i-kiss siya sa pisngi niya. Ngunit ang naging reaksyon ni Bianca rito ay kinagiliwan talaga ng maraming fans nila sa social media.
Samantalang noong April ay ibinahagi ni Bianca Umali ang mga larawan at video mula sa kanyang retreat. Makikita sa ilan sa mga larawan ang kanyang nobyong si Ruru Madrid na nagbibigay ng suporta. Nagmuni-muni ang Kapuso star sa kasalukuyang yugto ng kanyang buhay na nakatuon sa pagbibitaw, pagiging totoo, personal na pag-unlad, at pagmamahal sa sarili.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

