Vice Ganda, sinagot ang pumuna sa "juliet juliet" tweet niya sa MU2025: "Ha? Anong disrespect?"

Vice Ganda, sinagot ang pumuna sa "juliet juliet" tweet niya sa MU2025: "Ha? Anong disrespect?"

  • Sinagot ni Vice Ganda ang isang netizen na nag-akusa sa kanya ng disrespect sa Thai artist na si Jeff Satur
  • Ipinaliwanag ni Vice na ang slang na "juliet juliet" ay nangangahulugang "inulit" lamang, at hindi patama sa performer
  • Mariin niyang itinanggi ang akusasyon, at sinabing huwag gawing "big deal lahat ng joke" at tigilan ang over-analyzing
  • Ginamit ni Vice ang pagkakataon para magbigay-diin na ang "ka-OA-yan" ng netizen ang mas unacceptable kaysa sa kanyang biro

Naging sentro ng atensyon sa social media si Vice Ganda matapos niyang sagutin ang isang netizen na nag-akusa sa kanya ng pagiging disrespectful sa Thai artist na si Jeff Satur, na nag-perform ilang beses sa Miss Universe 2025 coronation day.

Vice Ganda, sinagot ang pumuna sa "juliet juliet" tweet niya sa MU2025: "Ha? Anong disrespect?"
Photos: @praybeytbenjamin on Instagram | Miss Universe
Source: Instagram

Ang kontrobersiya ay nagsimula sa isang tweet ni Vice Ganda na tila nagbiro tungkol sa pag-uulit ng performer sa iba't ibang bahagi ng naturang pageant.

​Kasunod ng Miss Universe 2025 coronation day noong Friday, Nobyembre 21, nag-tweet si Vice Ganda, na tila nagbibiro tungkol sa pagtatanghal ni Jeff Satur.

Read also

Karla Estrada, napa-comment sa video ni Lella at Joaquin sa loob ng 'PBB' house

​"Ay juliet juliet ang performer ha! Sana nagsabi kayo para pinapunta ko jan si Stell! #MissUniverse2025," ang orihinal na tweet ni Vice.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

​Ang paggamit ni Vice ng salitang "juliet juliet" na isang slang term na ipinaliwanag niyang nangangahulugang "inulit" o "repeated" ay tumutukoy sa desisyon ng pageant na isang performer lamang ang magtanghal sa iba't ibang segments.

​Ngunit ang biro ay hindi magandang tinanggap ng isang netizen sa naturang site.

"Ngayon lang me nakakita nito, not to hate lang ha, pero medyo nakaka-offend po ah? We're a fan of Jeff Satur, proud nga kami na nandun si Jeff tas i-disrespect niyo lang po? Yes po, you're famous and I don't hate you for that po, I love your jokes nga po eh pero the way diyan na pilit yung high note... Soon, kung di niyo bet na mga Thai kakanta, KAYO KUMANTA NAPAKADALI DIBA?" komento ng netizen.

Vice Ganda, sinagot ang pumuna sa "juliet juliet" tweet niya sa MU2025: "Ha? Anong disrespect?"
Screenshot mula kay @vicegandako sa X via ABS-CBN News
Source: Instagram

​Direktang sinagot ni Vice Ganda ang akusasyon, at mariin niyang itinanggi ang intensyon na magpakita ng kawalang-galang.

​"Ha? Anong disrespect? I never said anything ill about the performer. It was you who chose to give it an ill meaning that's why you're pissed. So kung na-badtrip ka, eh desisyon mo yun. Di 'to gaslighting. Sa true lang tayo. Wag namang gawing big deal lahat ng joke!"

Read also

Lars Pacheco nagsalita matapos maugnay sa hiwalayan nina Clyde at Airha

Vice Ganda, sinagot ang pumuna sa "juliet juliet" tweet niya sa MU2025: "Ha? Anong disrespect?"
Screenshot mula kay @vicegandako sa X via ABS-CBN News
Source: Instagram

​Tinalakay din ni Vice, sa mga reposts na kalaunan ay dinelete ang pagiging "juliet juliet" at ang pagiging masama nito, na tinutukoy ang sobrang reaksyon ng netizen.

​"Did i say anything bad about him? Juliet juliet means inulit. Masama yun? Yung ka OA-yan mo ang unacceptable!"

​Ang sagot ni Vice Ganda ay nagbigay-diin sa kanyang panawagan na huwag gawing seryoso ang lahat ng biro sa social media at iwasan ang over-analyzing ng mga salita. Gayunpaman, pumanig ang maraming netizens sa Unkabogable Star.

Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng local showbiz.

Read also

Olympic boxer Hergie Bacyadan at asawang si Lady Digo, magkaka-baby na

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inamin ni Vice Ganda na inusog muna nila ang inaabangang Magpasikat. Sa It's Showtime, nagpakatotoo si Vice tungkol sa desisyon nilang ito. Aniya kasi ng 'Unkabogable Star' sa show, "realistically, we can't afford that anymore." Gayunpaman, may inihahanda pa rin silang selebrasyon para sa viewers.

Samantalang ay nabanggit ni Vice Ganda na ang usapin tungkol sa "pagnanakaw" ay hindi na dapat pagtawanan sa kasalukuyan. Mariin niyang pinuna ang katiwalian at korapsyon na may kinalaman sa pondo ng bayan, at iginiit na ito ay seryosong isyu. Binigyang-diin niya na lalong hindi dapat pagtawanan ang sitwasyon ng mahihirap.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco