Ellen Adarna, may panibagong video: "Pina-barangay ko siya twice"

Ellen Adarna, may panibagong video: "Pina-barangay ko siya twice"

  • Ibinunyag ni Ellen Adarna na dalawang beses siyang tumawag ng "barangay" upang paalisin ang isang hindi pinangalanang tao
  • Bukod pa rito ay ibinunyag din ni Ellen ang naging "agreement" nila tungkol sa pagtira niya sa bahay ng tao na ito
  • Bagama't ay wala siyang pinangalanang tao, marami ang napaisip kung si Derek Ramsay ang subject ng topic
  • Talaga namang naging usap-usapan tuloy ang dating aktres dahil sa video niya na ito

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagdulot ng malaking usap-usapan sa social media si Ellen Adarna matapos siyang magbigay ng kontrobersyal na detalye sa kanyang Instagram Q&A session, kung saan inamin niya na dalawang beses siyang may "pina-barangay."

Ellen Adarna, may panibagong video: "Pina-barangay ko siya twice"
Ellen Adarna, may panibagong video: "Pina-barangay ko siya twice" (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Bagama't walang binanggit si Ellen na pangalan, marami sa mga netizens ang napaisip kung ang tinutukoy niya ay ang kanyang asawang si Derek Ramsay.

​Nagsimula ang usapan nang tanungin si Ellen ng isang netizen kung paano niya napalayas ang isang tao sa kanilang lugar kung hindi naman niya ito kinausap.

Read also

Kris Aquino, nagpaliwanag tungkol sa naging ugnayan nila ni Anjo Yllana

​"Pina-barangay ko siya, day, twice. Not once, but twice. Um yeah, but we had an agreement that, this was like months ago, that he won't come back until I move into my new place. Tutal I'm going to be gone forever. So, just give me until my place is done and there."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

​Ang rebelasyon na ito ni Ellen ay nagbigay-hinuha sa netizens na ang kailangan niyang tawagan ay ang "barangay" o local authorities para mapaalis ang tao.

​Tiniyak din ni Ellen na mayroon silang "agreement" na hindi na babalik ang taong ito hanggang hindi pa siya lumilipat sa kanyang bagong bahay. Ang kasunduan na ito ay tila nagpapakita na mayroong tensyon at komplikasyon sa sitwasyon.

​Ang post naman ni Ellen ay nagbigay-diin sa kanyang pagiging vocal at unfiltered sa social media, na laging nagiging viral dahil sa kanyang mga candid na sagot.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Ellen Adarna ay isang Filipina actress, model, at personality sa social media na kilala sa kanyang candid personality at kapansin-pansing ganda. Unang nakilala si Ellen sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga papel sa iba't ibang palabas sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa entertainment, kilala rin siya sa pagiging tapat at walang filter sa social media. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Derek Ramsay. Bago nito, naging bahagi siya ng isang high-profile na relationship kay John Lloyd Cruz, kung saan nagkaroon sila ng anak.

Read also

Jessica Soho, nag-react sa viral na post ukol sa kanya: "Uy, sobra naman kayo"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan ang post ni Ellen Adarna sa Instagram. May pasilip siya sa Amanpulo getaway nila ng mga kaibigan niya. Aniya Ellen, sana raw ay maging "yearly ritual" ang kanilang getaway. Bukod sa bakasyon, marami rin ang namangha sa ganda ni Ellen.

Samantalang ay nag-react kamakailan lang si Ellen Adarna sa isang "nepo baby" na satirical video. Nag-post kasi nito lamang si Ansis Sy ng video na para raw sa mga "nepo baby" ng bansa. Dahil dito, agad talagang napa-comment ang aktres at ni-repost pa nga ang video sa page niya. Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-comment si Ellen sa politics sa page niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco