“A painful reminder”: Anne Curtis, nag-react sa malawakang pagbaha sa Visayas at Mindanao

“A painful reminder”: Anne Curtis, nag-react sa malawakang pagbaha sa Visayas at Mindanao

  • Anne Curtis nagpaabot ng pakikiramay sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha sa Visayas at Mindanao
  • Nagpost siya sa X (dating Twitter) tungkol sa Bagyong Tino at ang epekto nito sa mga mamamayan
  • Pinuri ni Anne ang flood control system ng Iloilo na epektibong nakatutulong laban sa pagbaha
  • Nanawagan siya ng tapat na paggamit ng pondo para sa mga proyektong makapagligtas ng buhay at kabuhayan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nakiramay at nagpaabot ng simpatiya ang Kapamilya host-actress na Anne Curtis sa mga mamamayang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Visayas at Mindanao matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino nitong mga nagdaang araw.

“A painful reminder”: Anne Curtis, nag-react sa malawakang pagbaha sa Visayas at Mindanao
“A painful reminder”: Anne Curtis, nag-react sa malawakang pagbaha sa Visayas at Mindanao (📷@annecurtissmith/IG)
Source: Instagram

Sa kanyang X (dating Twitter) account, ibinahagi ni Anne ang isang artcard na nagsasaad ng datos hinggil sa mga apektado ng kalamidad. Sa post na iyon, binanggit din ang isyu ng umano’y malaking pondo para sa mga flood control projects na hindi napakinabangan ng publiko.

“A painful reminder,” ang simpleng caption ni Anne, na umani ng libo-libong reaksyon mula sa netizens.

Read also

Sarina Hilario, tinuruan ng "Opalite" ang The Streetboys

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa hiwalay niyang post, ibinahagi rin ng aktres ang isang halimbawa ng matagumpay na flood control system mula sa Iloilo City, na may kabuuang budget na P4 bilyon at may kasamang spillway. Ipinahayag ni Anne ang paghanga sa ganitong uri ng proyekto na tunay na may ambag sa pagpigil sa pagbaha.

“Grabe. Imagine if all the corruption money was put towards projects like this one in Iloilo… My heart goes out to all affected… Praying for everyone’s safety,” ang kanyang dagdag na mensahe.

Pinuri ng netizens ang aktres dahil sa kanyang malasakit at pakikidamay, lalo na sa mga taga-Visayas at Mindanao na labis na naapektuhan ng kalamidad. Marami rin ang sumang-ayon sa kanyang pahayag tungkol sa pangangailangan ng transparency at maayos na implementasyon sa mga flood control programs sa bansa.

Batay sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) noong Nobyembre 9, umabot na sa mahigit dalawang daang indibidwal ang naitalang nasawi, habang mahigit isandaang katao pa ang nawawala matapos ang hagupit ng bagyo. Isa sa mga lugar na pinakamatinding tinamaan ay ang Cebu, kung saan maraming komunidad ang nalubog sa tubig.

Read also

Albie Casiño, binanggit si Slater Young sa gitna ng muling pag-init ng isyu tungkol sa Monterrazas

Habang sinusulat ang balitang ito, pumasok na rin sa bansa ang Super Typhoon Uwan, na inaasahang magdudulot ng malalakas na pag-ulan at posibleng magdulot muli ng pagbaha sa ilang rehiyon kabilang ang Metro Manila.

Sa kabila ng sitwasyong ito, nananatiling positibo ang mensahe ni Anne — na kung maayos at tapat ang pagpapatupad ng mga proyekto, posible raw na hindi umabot sa ganitong lawak ang pinsala.

Ilang netizens naman ang nagpasalamat kay Anne sa kanyang malinaw na mensahe na nagbibigay-pansin sa kahalagahan ng integridad sa paggamit ng pondo. Sa halip na mga patutsada, tinawag ng iba ang post ni Anne na isang “timely reminder” sa mga opisyal na may tungkulin sa pagpapatupad ng mga proyekto para sa bayan.

Si Anne Curtis ay isa sa mga pinakatanyag na personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Kilala siya bilang host ng “It’s Showtime” at bilang aktres sa mga pelikulang tulad ng Sid & Aya, Just a Stranger, at BuyBust. Bukod sa pagiging artista, kilala rin siya sa kanyang advocacies para sa edukasyon, kababaihan, at disaster awareness.

Read also

“Walang kulong ‘yan!” Vice Ganda, humirit muli tungkol sa mga isyung panlipunan sa Showtime

Sa mga nakaraang taon, madalas gamitin ni Anne ang kanyang social media platforms upang magbahagi ng mahahalagang isyung panlipunan at mga mensaheng nag-uudyok ng pag-asa sa mga Pilipino.

Anne Curtis meets supermodel Adriana Lima at the 2025 Victoria’s Secret Fashion Show Sa isang glamorous event sa Amerika, nagtagpo sina Anne Curtis at Victoria’s Secret supermodel Adriana Lima. Ibinahagi ni Anne sa Instagram ang kanilang litrato at inilarawan ang naturang karanasan bilang isang surreal moment. Pinuri ng mga fans ang kanyang confidence at elegance sa international event na ito.

Anne Curtis laments report on incomplete classrooms project Ipinahayag ng aktres ang kanyang pagkadismaya matapos mabasa ang ulat tungkol sa hindi natapos na libu-libong silid-aralan sa bansa. Ayon kay Anne, nakakabahala umano na maraming estudyante pa rin ang walang maayos na pasilidad sa kabila ng malaking pondong inilaan para rito.

Ang mga pahayag na ito ni Anne ay patunay ng kanyang patuloy na malasakit sa mga isyung panlipunan, at ng kanyang paniniwala na ang pagbabago ay magsisimula sa tamang pamumuno at paggamit ng pondo ng bayan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate