Nancy Castiglione, inamin kung bakit bigla siyang nawala sa showbiz

Nancy Castiglione, inamin kung bakit bigla siyang nawala sa showbiz

  • Nancy Castiglione, inamin na pagbubuntis ang dahilan ng kanyang pag-alis sa showbiz noon
  • Mas pinili ng aktres na magpokus sa pagiging ina ng kanyang kambal
  • Masaya siya ngayon sa corporate career at muli nang nasa Pilipinas
  • Bukas si Nancy sa posibilidad ng pagbabalik-showbiz kung may magandang oportunidad

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling nagbalik sa spotlight ang dating aktres at TV host na si Nancy Castiglione matapos ang ilang taong pananatili sa Canada. Sa kanyang pag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda,” diretsahan niyang inamin ang tunay na dahilan ng kanyang biglaang pag-alis sa mundo ng showbiz sa kabila ng kasikatan noon.

Nancy Castiglione, inamin kung bakit bigla siyang nawala sa showbiz
Nancy Castiglione, inamin kung bakit bigla siyang nawala sa showbiz (📷GMA Network/YouTube)
Source: Youtube

Ayon kay Nancy, dumating sa punto na kinailangan niyang iwan pansamantala ang showbiz dahil sa isang napakahalagang bahagi ng kanyang buhay. “Nabuntis po ako. Ha-hahahaha! Ganun kasimple. It was hard tapos kambal pa. So, it really took over my life and put me in a new direction,” tapat niyang pahayag.

Read also

“Walang kulong ‘yan!” Vice Ganda, humirit muli tungkol sa mga isyung panlipunan sa Showtime

Dagdag pa ng aktres, wala siyang pinagsisisihan sa desisyon niyang magpokus muna sa pagiging ina. And I think when theres a challenge like that, lahat ng energy mo dapat focus sa bagay nayan,” ani Nancy.

Sa parehong panayam, ibinahagi rin ng aktres na masaya siya ngayon sa kanyang buhay at career. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa isang pribadong kumpanya at masaya sa kanyang corporate role. “I mean masaya ako ngayon, happy ako sa work ko ngayon. I’m in corporate, I get to collaborate with teams in multinational companies,” kuwento ni Nancy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matapos manirahan ng ilang taon sa Canada, bumalik na siya ngayon sa Pilipinas at masaya sa pagbabalik. Akoyung reverse immigrant, born ako sa Canada pero lagi akong bumabalik dito sa Philippines dahil I really love the Philippines. I love everything about it,” dagdag pa niya.

Read also

Kris Aquino: “The bone pain is awful because of the weather—but it hasn’t broken my spirit yet”

Nang tanungin siya ni Boy Abunda kung may posibilidad pa bang magbalik-showbiz, diretsahan niyang sinabi: If theres an opportunity hindi ako mag-no-no agad. Open ako. Never ako mag-no-no or closeyung doors ko.”

Nakilala si Nancy Castiglione bilang isa sa mga fresh faces ng GMA Network noong early 2000s. Isa sa mga iconic roles niya ay si Muyak sa hit fantasy series na Mulawin,” na kalauna’y lumabas din sa “Encantadia.” Bukod sa pagiging aktres, nakilala rin siya bilang TV host at model bago pansamantalang iniwan ang spotlight upang tutukan ang kanyang pamilya.

Sa panayam, aminado rin si Nancy na may mga pagkakaibigang nawala dahil sa bigla niyang pag-alis noon. “That’s one of my weaknesses when I became a mom, I really focused on being a mom and pinabayaan ko siguro yung mga friendships ko,” aniya. “Being a mom was new to me, kambal pa, so nakatutok talaga ako sa pagiging ina. So, I didn’t keep those relationships strong.”

Gayunman, malaki ang pasasalamat niya sa social media dahil dito niya muling nakikita ang kanyang mga kaibigan. “A blessing of social media is I get to watch them from afar and I get to celebrate their wins as a fan or watching yung mga wins nila on social media,” dagdag pa ni Nancy.

Read also

Bea Borres, ibinahagi ang karanasang high-risk pregnancy at ang kanyang panata na magbago

Ngayon, tila handa na si Nancy na muling harapin ang mga bagong oportunidad sa Pilipinas — maaaring hindi man agad sa showbiz, pero bukas ang pinto niya sa mga proyekto na magbibigay daan para makita siyang muli ng kanyang mga tagahanga.

Si Nancy Castiglione ay isang Filipina-Canadian actress, model, at TV host na unang nakilala sa mga proyekto ng GMA Network noong early 2000s. Kilala siya sa kanyang magandang tindig, charming personality, at versatility bilang artista. Ilan sa mga kilala niyang proyekto ay “Mulawin,” “Encantadia,” at ilang lifestyle shows sa GMA.

Pagkatapos ng kanyang pag-alis sa showbiz, naging hands-on mom siya sa kanyang kambal at kalaunan ay nagtungo sa Canada para manirahan doon kasama ang kanyang pamilya bago muling bumalik sa Pilipinas kamakailan.

Nancy Castiglione, enjoying life after showbiz Matapos lisanin ang showbiz, ibinahagi ni Nancy na masaya siya sa kanyang bagong buhay sa ibang bansa. Ayon sa kanya, natagpuan niya ang balanse at kapanatagan sa pagiging full-time mom habang may oras pa rin para sa sarili. Nagpatuloy din siya sa pagtatrabaho sa corporate world na nagbigay sa kanya ng bagong sense of purpose.

Nancy Castiglione, ibinahaging naging mas masaya sa pagbabalik sa Pilipinas Sa isa pang ulat ng Kami.com.ph, sinabi ni Nancy na mas nararamdaman niya ang saya at koneksyon tuwing nasa Pilipinas siya. Ibinahagi rin niyang muling nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama ang mga kaibigan at pamilya matapos ang ilang taong paninirahan sa Canada.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: