Nawat Itsaragrisil, humingi ng paumanhin matapos sa gulo sa Miss Universe 2025
- Humingi ng paumanhin si Nawat Itsaragrisil matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan sa Miss Universe 2025 pageant sa Thailand
- Sinabi niyang nakausap na niya at nag-sorry sa mga kandidatang nasa loob ng hall matapos ang insidente
- Inamin ni Nawat na posibleng nalito ang ilan sa mga anunsyo ng Miss Universe Organization at sa kanya
- Nagpadala ng high-level team ang MUO sa Thailand upang ayusin ang tensiyon at itaguyod ang kooperasyon sa host country
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Matapos ang mainit na kontrobersiya sa Miss Universe 2025 pageant, humingi ng paumanhin si Miss Universe Thailand National Director Nawat Itsaragrisil sa mga kandidata at tagahanga ng patimpalak.

Source: Instagram
Sa kanyang Instagram Stories, nirepost ni Nawat ang video mula sa pageant page na Bunda Latinas at sinabi, “If anyone feeling not good, if anyone not comfortable, if anyone [affected], I do apologize for everyone.” Dagdag pa niya, “But I did talk, apologize to the rest of the girls in the room. Around 75 girls in the room already.”
Ayon kay Nawat, palagi niyang sinisikap na maibigay ang “five-star service” para sa lahat ng kalahok. Binanggit rin niya na handa siyang makipagpulong sa Miss Universe Organization (MUO) sa Thailand upang tuluyang maresolba ang gusot. “Because no one has authority in Miss Universe in Thailand now,” aniya, at maghihiling siya na magtalaga ng isang CEO na tututok sa operasyon ng MUO sa bansa.
Sa kanyang follow-up post, ipinaliwanag ng Thai pageant head na ginawa niya ang lahat upang maging patas sa lahat ng kandidata ngunit inamin niyang mahirap kontrolin ang mga pang-araw-araw na aktibidad ng pageant. “My patience has limits. I apologize again if I made anyone uncomfortable while watching Universe this time,” saad pa ni Nawat.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang kanyang paghingi ng paumanhin ay kaugnay ng kontrobersyal na pangyayari noong Martes, Nobyembre 4, kung saan nakita sa video na nakipagsagutan si Nawat sa pambato ng Mexico na si Fatima Bosch. Matapos sigawan, umalis si Bosch sa hall at sinundan ng ilang kandidata mula sa Latin America, na nagdulot ng tensiyon sa pagitan ng mga delegado.
Sa gitna ng gulo, naglabas ng opisyal na pahayag ang Miss Universe Mexico at tinawag na “unacceptable” ang nangyari. Ayon sa kanilang pahayag, “No woman, under any circumstance, deserves to be insulted or humiliated.” Samantala, nagpakita rin ng suporta si reigning Miss Universe Victoria Kjær Theilvig kay Bosch, na nagsabing ipinagmamalaki niya ang kandidata sa pagpapakita ng lakas at respeto sa sarili.
Kasunod ng paghingi ng tawad ni Nawat, naglabas din ng pahayag ang Miss Universe Organization na naglalayong ayusin ang sitwasyon. Ayon sa kanila, magpapadala sila ng “high-level delegation” na pinamumunuan ni MUO CEO Mario Búcaro upang “strengthen collaboration with the host country, MGI, and relevant authorities.”
Ang paghingi ng tawad ni Nawat ay isang hakbang upang maibalik ang tiwala ng publiko at ng mga kandidata sa kompetisyon. Gayunman, patuloy pa rin ang usapan online hinggil sa pamamalakad ng Thai director, lalo na’t hindi ito ang unang pagkakataong nasangkot siya sa kontrobersiya.
Si Nawat Itsaragrisil ay founder at president ng Miss Grand International (MGI) at kasalukuyang National Director ng Miss Universe Thailand. Kilala siya bilang isang matapang at prangkang pageant executive na hindi natatakot magsalita sa publiko. Ang kanyang kompanya ay may bahagi ng shares sa dating pagmamay-ari ni Anne Jakrajutatip sa Miss Universe Organization, dahilan upang siya’y maging Vice President for Asia and Oceania.
Maanghang na pahayag ni MGI founder Nawat Itsaragrisil, viral: “Filipinos, stop blaming” Noong nakaraang taon, umani ng kritisismo si Nawat matapos maglabas ng pahayag laban sa mga Filipino fans na umano’y laging sinisisi ang resulta ng mga pageant. Sa viral video, ipinaliwanag niyang dapat tanggapin ng mga manonood ang desisyon ng hurado at itigil ang pagbatikos sa MGI.
Nawat Itsaragrisil nagsalita na kaugnay sa kontrobersyal na kaganapan sa MGI coronation Kamakailan, muling napag-usapan si Nawat matapos niyang depensahan ang kanyang team sa gitna ng mga paratang ng iregularidad sa MGI coronation night. Aniya, maayos ang naging proseso ng kompetisyon at walang pandaraya ang naganap.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


