Coco Martin, inilahad kung bakit swerte siya kay Julia Montes
- Ibinahagi ni Coco Martin na napakaswerte niya kay Julia Montes
- Inilahad niya ang dynamic ng kanilang relasyon kung saan siya ang planner at si Julia ang tagagawa
- Sa naturang interview, nabanggit din ng aktor ang mga paraan na ginagawa ni Julia upang siya ay alagaan
- Aniya, sino raw ba ang hindi gaganahan magtrabaho kung may kasangga sila sa buhay na tulad ni Julia
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naging bukas ang aktor at direktor na si Coco Martin sa pagbabahagi ng detalye tungkol sa kanyang pribadong buhay at sa kanyang relasyon kay Julia Montes sa 59th episode ng podcast ni Karmina Constantino na 'KC After Hours' sa YouTube.

Source: Instagram
Direktang tinanong si Coco tungkol sa kung paano nagbago ang kanyang buhay ngayong mayroon siyang matatawag na "kasangga at katuwang" sa katauhan ni Julia.
Masayang inamin ni Coco na malaki ang naitulong ni Julia Montes sa kanyang buhay at karera, lalo na sa aspeto ng pagiging best friend at partner.
"Malaki, kasi ang kinaganda kasi sa amin ni Jules, dahil that time hindi niya pa nami-meet [si] father niya, eh. Ako naging tatay niya, kuya niya, best friend niya, manager niya. Kasi ako mag-ga-guide, eh," panimula ni Coco, na tumutukoy sa kanyang pagiging gabay ni Julia noong una.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ngayon, ang dynamic ng kanilang relasyon ay nakatuon sa pagtutulungan at mutual understanding ng kanilang mga tungkulin.
"Ang pinaka ikina-swerte ko kay Jules eh yung pag-aalaga at pagmamahal talaga niya kasi alam na namin yung part namin sa isa't isa. Ako ang planner, siya ang taga-gawa," pagbabahagi niya kay Karmina.
Ikinuwento pa nga ni Coco kung gaano siya pinalad kay Julia, lalo na sa pag-aalaga nito sa kanya na nagbibigay sa kanya ng kapayapaan pagkatapos ng trabaho.
"Pagdating ko sa bahay, wala na akong iisipin. Lahat naka-prepare na yan. Siya magluluto, naka-luto lahat ng alam niya kung ano yung mga paborito kong pagkain. Lahat ng damit ko, siya mag-aayos, siya magpa-plancha, lahat. Talagang sabi ko nga, sino ba namang hindi sisipagin mag-hanapbuhay, magtrabaho?"
Ang pag-aalaga ni Julia ang nagtutulak kay Coco para magpatuloy sa pagtatrabaho nang masigasig, at ito rin ang nagbibigay sa kanya ng pahinga at escape mula sa stress ng showbiz.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Coco Martin ay isang kilalang aktor, direktor, at producer sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagganap sa mga pelikula at teleserye, lalo na sa mga karakter na may lalim at emosyon. Una siyang nakilala sa indie films tulad ng Masahista at Jay, bago tuluyang sumikat sa mainstream sa pamamagitan ng teleseryeng Tayong Dalawa at Minsan Lang Kita Iibigin. Mas lalo pa siyang nakilala bilang si Cardo Dalisay sa hit series na FPJ's Ang Probinsyano, na tumagal ng mahigit pitong taon sa ere at nagpatunay ng kanyang impluwensya sa industriya.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagpaliwanag si Coco Martin kung bakit hindi siya dumalo sa anti-corruption protest noong Setyembre 21. Ayon sa aktor, mas pinipili niyang gamitin ang kaniyang mga palabas upang magmulat at magturo sa mga Pilipino. Inalala rin niya ang emosyonal na panahong nagsalita siya noong ABS-CBN shutdown noong 2020.
Samantalang ibinunyag ni Coco Martin na tinanggihan niya ang mga alok na gumanap sa mga lokal na adaptasyon ng mga Korean drama. Ayon sa aktor, mas gusto niyang lumikha ng mga orihinal na kuwentong Pilipino na nagbibigay-diin sa lokal na talento. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kasaysayan at kultura ng Pilipinas.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

