Kim Atienza, naiyak sa sulat ng kaibigan ng anak: “You’re an incredible father”

Kim Atienza, naiyak sa sulat ng kaibigan ng anak: “You’re an incredible father”

  • Kim Atienza emosyonal na inalala ang kanyang yumaong anak na si Emman matapos makatanggap ng liham mula sa kaibigan nito
  • Ayon sa liham, madalas ikuwento ni Emman sa kaibigan kung paano siya pinatatag ng pagmamahal at pag-aaruga ng kanyang ama
  • Kim aminadong nakaramdam ng ginhawa at pasasalamat matapos mabasa ang sulat, na itinuturing niyang paalala ng Diyos
  • Sa kabila ng pagdadalamhati, nagpahayag ang TV host ng pasasalamat sa 19 taon na ibinigay sa kanya ng Panginoon kasama ang anak

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi napigilang maging emosyonal si Kim Atienza habang inaalala ang kanyang yumaong anak na si Emmanuelle “Emman” Atienza sa panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho nitong Linggo, November 2. Sa gitna ng kanyang pagdadalamhati, isang liham mula sa kaibigan ng anak ang nagbigay sa kanya ng ginhawa at kumpirmasyon na naging mabuti siyang ama.

Kim Atienza, naiyak sa sulat ng kaibigan ng anak: “You’re an incredible father”
Kim Atienza, naiyak sa sulat ng kaibigan ng anak: “You’re an incredible father” (📷Emman Atienza/Facebook)
Source: Instagram

Ikinuwento ni Kim na sa mga unang buwan ng pandemya, sinamahan niya si Emman sa ospital matapos itong magtangkang wakasan ang sariling buhay. “The first few months of the pandemic, nag-lockdown, Emman attempted... I was praying and praying in the room and I was reading the book of Psalms to her constantly. Akala ko naiirita but apparently, I made an impact,” pagbabalik-tanaw niya.

Read also

KMJS, hinangaan sa paghawak ng panayam kay Kim Atienza tungkol sa anak na si Emman

Ilang taon ang lumipas, nakatanggap siya ng liham mula kay Sam Watson, isang American friend ni Emman. Sa naturang sulat, ikinuwento ni Sam kung paano madalas pag-usapan ni Emman ang ama nito. “I want to say with complete sincerity that you’re an incredible father… She talked about how much you meant to her. She spoke about all the experiences you gave her, your kindness to animals, kindness to others… she really, really loved you,” ayon sa bahagi ng liham.

Habang binabasa ang mensahe, napaluha si Kim. Aniya, hindi raw madalas na sinasabi ng mga anak sa kanilang mga magulang kung gaano nila ito kamahal, kaya malaking bagay para sa kanya ang makatanggap ng ganoong patunay. “Assurance ‘to ni Lord na you’re a good father and Emman had purpose,” sabi niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ni Kim, natutunan niyang yakapin ang lungkot bilang bahagi ng paghilom. “Nagsimula ako sa questioning… anger… ngayon nasa acceptance na ako. Tanggap ko na ang nangyari,” wika niya. Ibinahagi rin ng TV host na minsan ay hinahayaan niyang umiyak upang mailabas ang sakit, dahil “it comes in waves.”

Sa kabila ng pagdadalamhati, pinipili ni Kim na ituon ang isip sa magagandang alaala ng kanyang anak. “I want to think of how beautiful she was, how smart she was… itong mga grim details, binibigay ko kay Lord ‘yan,” aniya.

Pinuri niya ang katapangan at kabutihan ni Emman: “She was brave despite the fact na may iniinda siya. Nilaban niya. She did everything with kindness. Ngayong wala na si Emman, just be kind. And when you’re kind today, Emman will live in our hearts.”

Read also

Kuya Kim, nananatiling matatag sa pananampalataya matapos ang pagpanaw ng anak

Sa huli, nagpasalamat si Kim sa Diyos para sa 19 na taon na nakasama niya ang anak. “The Lord gave me 19 beautiful years… God gave Emman to millions of people in those 19 years,” wika niya, sabay banggit ng hiling na balang araw ay muli silang magkikita.

“Emman, mahal na mahal ka ni Papa. Mama loves you so much… I just know I’ll see you soon — not too soon — but we’ll see you when our time comes,” dagdag ni Kim.

Si Kim Atienza, mas kilala bilang Kuya Kim, ay isang television host at weatherman na kilala sa kanyang mga programang pang-edukasyon at inspirasyonal. Anak siya ng dating Manila Mayor Lito Atienza at asawa ni Felicia Hung Atienza. Kamakailan ay nagluksa ang pamilya matapos pumanaw ang kanilang anak na si Emman, na kilala sa kanyang kabaitan at pagmamahal sa mga hayop.

Karen Davila honors Emman Atienza in heartfelt wake tribute Nagbigay ng emosyonal na pagpupugay si Karen Davila kay Emman Atienza sa kanyang pagdalaw sa burol. Sa isang post, ibinahagi ng Kapamilya broadcaster kung paano siya naantig sa kabutihan at inspirasyon ni Emman. Pinuri rin niya si Kim at Felicia sa pagpapalaki ng isang anak na may pusong busilak at may malasakit sa iba.

Read also

Coco Martin, piniling magmulat sa pelikula kaysa makibaka sa lansangan

Kim Molina pays respects to Emman Atienza, shares touching farewell message Dumalo rin si Kim Molina sa burol ni Emman at nag-iwan ng taos-pusong mensahe ng pakikiramay. Ayon sa aktres, labis siyang naantig sa tapang at kabaitan ni Emman. Sa kanyang mensahe, sinabi niyang “her light will continue to shine through her family and everyone she touched.”

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate