Dating PBB housemate Shuvee Etrata, ibinahagi ang hirap ng buhay bilang 4Ps beneficiary
- Dating PBB housemate Shuvee Etrata inamin na isa siyang benepisyaryo ng 4Ps bago pumasok sa showbiz
- Ibinahagi niya ang hirap ng buhay ng pamilya noon dahil parehong walang trabaho ang kanyang mga magulang
- Kwento ni Shuvee, ramdam niya ang responsibilidad bilang panganay sa siyam na magkakapatid
- Ayon sa kanya, ang 4Ps ang isa sa mga dahilan kung bakit nakatawid sila sa matinding kahirapan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Inamin ng dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata na isa siya sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ang pambansang programa ng gobyerno na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

Source: Instagram
Sa panayam ni Shuvee sa vlog ng Kapamilya broadcast journalist na si Karen Davila, ibinahagi ng dating PBB housemate ang kalagayan ng kanilang pamilya noon bago siya makapasok sa mundo ng showbiz.
“Isa ako sa mga pinapakain ng gobyerno. 4Ps. As in talagang isa ako sa mga binabayaran ng gobyerno. Kasi nga, walang trabaho ‘yong parents ko. Tapos marami na po kaming magkakapatid,” pahayag ni Shuvee.
Ayon kay Shuvee, malaking tulong ang nasabing programa upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. “Naranasan ko ‘yong pagbigayan na, bili na kami ng de lata. Mag-grocery na agad kami,” dagdag pa niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ngunit sa kabila ng tulong ng 4Ps, inamin niyang isa sa mga pinakamahirap na karanasang pinagdaanan nila ay ang pangungutang. “Hindi makautang ‘yong parents ko. Ako ang pinapapunta nila,” kwento niya.
Bilang panganay sa siyam na magkakapatid, ramdam ni Shuvee ang bigat ng responsibilidad at sakripisyong nakaatang sa kanya. Gayunman, pinatunayan niyang posible ang umasenso sa buhay sa tulong ng determinasyon, pananampalataya, at pag-asa sa Diyos.
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay nakapaloob sa Republic Act No. 11310, na layuning masugpo ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng conditional cash grants sa mga pamilyang nasa laylayan ng lipunan sa loob ng pitong taon. Ang programang ito ay nagsusulong ng edukasyon, kalusugan, at kabuhayan bilang pundasyon ng pag-unlad.
Si Shuvee Etrata ay nakilala bilang isa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition. Kilala siya sa kanyang bubbly personality at real-life stories of resilience, dahilan para mas makarelate sa kanya ang mga manonood. Mula sa pagiging simpleng probinsiyana, unti-unti niyang binuo ang kanyang pangalan sa showbiz matapos makalabas sa PBB house.
Shuvee Etrata, nagbigay-pugay kay Mika Salamanca sa heartfelt birthday message Sa isang heartfelt post na ibinahagi ni Shuvee, pinasalamatan niya ang content creator na si Mika Salamanca sa pagiging mabuting kaibigan at inspirasyon sa kanya. Sa naturang mensahe, ipinahayag ni Shuvee ang labis na pasasalamat kay Mika sa patuloy na suporta at pagkakaibigan sa gitna ng mga pagsubok.
Mika Salamanca, nagbigay ng matapang na payo kay Shuvee Etrata matapos ang online backlash Matapos makatanggap ng online criticism, tumayong sandigan ni Shuvee si Mika Salamanca sa pamamagitan ng pagbigay ng mensaheng puno ng tapang at pagmamahal. Sa nasabing ulat, hinikayat ni Mika si Shuvee na huwag panghinaan ng loob at magpakatotoo sa kabila ng mga bashers.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

