Personal assistant ni Heart Evangelista, pumalag sa pahayag ni Vice Ganda

Personal assistant ni Heart Evangelista, pumalag sa pahayag ni Vice Ganda

  • Bumuwelta ang personal assistant ni Heart Evangelista kay Vice Ganda matapos banggitin ng komedyante ang isang paaralan sa probinsiya ng Kapuso star sa “It’s Showtime”
  • Inakusahan ni Resty Rosell si Vice ng pagmamayabang matapos nitong sabihing “pinagawa” niya ang paaralan
  • Giit ni Rosell, nag-ambag lamang umano si Vice sa proyekto ng PTA ng paaralan at hindi ito siya ang nagpatayo ng gusali
  • Wala pang tugon mula kina Heart Evangelista at Vice Ganda sa naturang isyu

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mainit na naman ang social media matapos bumuwelta ang personal assistant ni Heart Evangelista, na si Resty Rosell, laban kay Vice Ganda kaugnay ng kontrobersiyal na pahayag ng komedyante tungkol sa isang paaralan sa probinsiya ng misis ni dating Senate President Chiz Escudero.

Personal assistant ni Heart Evangelista, pumalag sa pahayag ni Vice Ganda
Personal assistant ni Heart Evangelista, pumalag sa pahayag ni Vice Ganda (📷@praybeytbenjamin/IG)
Source: Instagram

Nagsimula ang lahat sa segment na “Laro Laro Pick” ng It’s Showtime noong Biyernes, Oktubre 24, nang ikuwento ni Vice ang naging karanasan niya sa pagpunta sa probinsya nina Heart.

Read also

Video ni Jinkee habang karga ni Manny ang pamangkin, kinagiliwan ng netizens

Ayon kay Vice, labis siyang nalungkot nang makita ang kalagayan ng isang paaralan doon:

“May pinuntahan akong lugar do’n sa probinsiya nina Heart Evangelista, na isang paaralan na walang reading materials. Pinagawa ko ‘yong eskwelahan.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa niya, “Nagpadala ako ng tulong do’n kasi walang reading materials. Bulok ‘yong paaralan do’n sa lugar nina Heart Evangelista. I cried so much when I saw that school.”

Ipinanawagan din ng Unkabogable Star na ayusin ang mga pampublikong paaralan upang matulungan ang mga magulang at estudyante. Ngunit tila hindi nagustuhan ni Resty Rosell ang pagbanggit ni Vice ng pangalan ni Heart, at doon na nagsimula ang buhos ng matinding pahayag.

Sa sunod-sunod na Instagram Stories, diretsahang sinagot ni Rosell si Vice:

Vice, sa DepEd po kayo manawagan kasi meron budget ang DepEd para sa mga school buildings and reading materials na sinasabi mo. Ano ang intention mo to mention Hearts name? Para ano?? mema? memasabi ka lang? KALOKAAAA!!!”

Read also

TBA Studios, nagsalita matapos ang kontrobersyal na komento ng apo ni Quezon sa pelikulang ‘Quezon’

Hindi pa rito natapos ang kanyang banat. Dinugtungan pa ni Rosell ng mas matapang na pahayag:

Nag-ambag ka lang pero kung makapagyabang ka parang ikawyung nagpatayo ng buong building!”

Ibinahagi rin ni Rosell ang ilang komento ng netizens na sinasabing mali umano ang pagkakaintindi ng publiko sa ginawang tulong ni Vice.

“Hindi ka nagpagawa ng paaralan/classroom. Nag-ambag ka lang sa isang ongoing project ng PTA ng Bagacay Elem. School. 40% ay galing sa PTA at 60% naman ay galing sa’yo @praybeytbenjamin.”

Sa isa pang post, nilinaw ni Rosell na under construction na umano ang paaralan bago pa man dumating si Vice.

“Under construction na ‘yung eskwelahan nung pumunta ka. Kaya kung makikita ng tao sa vlog mong monetized, mukhang hindi pa kumpleto ang hitsura. Ikaw ang nagsabi na gusto mong mag-ambag!”

Ani pa niya, tila inangkin daw ni Vice ang kredito sa proyekto:

Read also

SALN ni Tito Sotto, pinag-usapan matapos ang reaksiyon ni Dennis Padilla online

“Inako mo lahat ng credit, na-echapwera ang PTA na nagbayad rin naman doon sa pagpapagawa ng classroom. Tapos nilagay mo pa sa channel mo, at monetized! Sikat ka na, kumita ka pa!”

Kasabay nito, ipinost din ni Rosell ang mga reaksiyon ng fans ni Heart na nagtanggol sa aktres at nagtanong kung bakit kailangang isali pa ni Vice ang pangalan ng Kapuso star sa kanyang kuwento.

Sa ngayon, parehong tahimik ang kampo nina Heart Evangelista at Vice Ganda tungkol sa isyu. Wala pang opisyal na pahayag mula sa kanilang panig. Gayunpaman, patuloy na trending sa social media ang mga post ni Rosell at ang video clip mula sa “It’s Showtime.”

Si Vice Ganda ay isang multi-awarded comedian, host, at aktor na kilala sa kanyang witty humor at social relevance sa mga isyung panlipunan. Samantala, si Heart Evangelista ay isang fashion icon, actress, at socialite na aktibong tumutulong sa mga proyekto sa edukasyon at kabuhayan sa Sorsogon.

Ang banggaan ng mga kampo ay nagbigay ng panibagong kulay sa entertainment world, na madalas din ay nagiging espasyo ng diskusyon sa mga usaping pampubliko.

Read also

Melissa De Leon, nagpahayag ng pasasalamat kay Vice Ganda sa isyu ng korapsyon

📍 Vice Ganda alerts public over AI-generated video
Nagbabala si Vice Ganda sa publiko tungkol sa mga kumakalat na AI-generated videos na ginagamit umano ang kanyang imahe. Ayon sa kanya, dapat maging maingat ang mga netizens sa panloloko online.

📍 Vice Ganda, nagpakatotoo kung bakit wala munang “Magpasikat” sa Showtime
Ipinaliwanag ni Vice na kailangang magpahinga muna sila sa Magpasikat segment upang makapagbigay-daan sa mga bagong ideya at pagpapalawak ng show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate