Jessy Mendiola, labis ang saya sa pagbabalik ni Luis Manzano sa 'PBB' bilang host
- Nag-post si Jessy Mendiola ng pasasalamat para sa opisyal na pagbabalik ng kanyang asawang si Luis Manzano bilang host ng Pinoy Big Brother
- Labis na pinasalamatan ni Jessy ang management ng ABS-CBN at GMA Network para sa opportunity na ibinigay kay Luis
- Tinawag ni Jessy si Luis na "nag-iisang pambansang host" at ipinahayag ang kanyang kagalakan para sa kanyang asawa
- Ang pagbabalik ni Luis ay sinalubong ng mainit na pagtanggap mula sa buong PBB family at live audience
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagpahayag ng labis na kagalakan at pasasalamat ang aktres na si Jessy Mendiola sa Instagram matapos ang opisyal na pagbabalik ng kanyang asawang si Luis Manzano bilang host ng Pinoy Big Brother.

Source: Instagram
Ibinahagi ni Jessy ang isang video clip mula sa naturang programa, kung saan masayang ipinakilala si Luis kasama ang hosting team. Aniya Jessy, isa na naman daw itong "blessing" para sa kanyang mister.
Sa video, kinausap muna ni 'Kuya' si Luis bago siya masayang sinalubong ng PBB family at ng live audience. Sa kanyang speech, nagbigay si Luis ng nakakaantig na mensahe tungkol sa pagbabalik niya sa show.
"Kinakabahan ka man, Luis, nakasisiguro ako sa iyong magiging natatanging kontribusyon sa edisyong ito. Muli, binabati kita bilang opisyal na bahagi muli ng aking pamilya. Welcome back, Luis," ang emosyonal na mensahe ni 'Kuya' kay Luis.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Tugon naman ni Luis kay Kuya: "Maraming maraming salamat, Kuya. Thank you very much po."
Sa Instagram caption naman ni Jessy, labis niyang pinasalamatan ang dalawang network:
"Thank you for this opportunity po @abscbn and @gmanetwork management, Tita Cory, sir @clk117, sir Mark and Tay @direklauren @alan_m_real @pbbcollab @pbbabscbntv. Maraming salamat po sa buong PBB family sa mainit na pag-tanggap kay @luckymanzano. I'm so happy for you, my love! Ang pagbabalik ng nag-iisang pambansang host!"
Ang pagiging host ni Luis Manzano sa PBB: Celebrity Collab Edition 2.0 ay isa na namang patunay sa kanyang hindi matatawarang talento at ang titulo niya bilang "nag-iisang pambansang host."
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Jessy Mendiola ay isang sikat na Filipina aktres. Noong 2007, opisyal siyang inilunsad bilang bahagi ng Star Magic Batch 15 ng ABS-CBN. Sa sumunod na mga taon, gumanap siya sa ilang mga supporting role sa serye at kalaunan ay bumida na rin sa ilang hit series tulad ng Budoy, Paraiso, at Maria Mercedes. Bukod sa kanyang mga tungkulin sa telebisyon, nagkaroon din siya ng ilang pagganap sa pelikula. Sa kanyang personal na buhay naman ay kasal siya kay Luis Manzano at sila ay may isang anak na nagngangalang Isabella Rose, na tinatawag din nilang Rosie o Peanut.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Jessy Mendiola ang matinding pagsubok sa pag-aalaga kay Isabella Rose nang magkasakit ito. Inilarawan niya ang hirap sa pagpapainom ng gamot at sinabi pa niyang "kulang na lang mag-wrestling kami". Gayunpaman, nagpasalamat si Jessy sa isang gamot.
Samantalang ay muling nagpamalas ng kanyang pagiging praktikal si Jessy Mendiola. Kamakailan ay ibinahagi ni Jessy ang kanyang "rule" bago bumili ng luxury item. Sa Instagram, ipinakita ni Jessy na ibinebenta na niya ang kanyang Chanel bag. Kasama ng post ay ang "rule" na fina-follow ni Jessy.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

