Inday Barretto may matinding mensahe kay Jodi Sta. Maria: “Proceed at your own risk”

Inday Barretto may matinding mensahe kay Jodi Sta. Maria: “Proceed at your own risk”

  • Inday Barretto nagbigay-babala kay Jodi Sta. Maria kaugnay sa relasyon nito kay Raymart Santiago
  • Pahayag ito sa eksklusibong panayam ni Ogie Diaz matapos niyang ibunyag umano’y mga karanasan ng anak na si Claudine Barretto sa dating asawa
  • Sinabi ni Inday na bahala si Jodi sa kanyang desisyon ngunit nagpaabot siya ng mensaheng “proceed at your own risk”
  • Hanggang ngayon, nananatiling tahimik ang kampo ni Jodi sa mga pahayag ni Inday

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling naging laman ng showbiz headlines ang pamilya Barretto matapos maglabas ng matapang na pahayag si Inday Barretto, ina ng aktres na si Claudine Barretto, tungkol sa kasalukuyang relasyon ng aktor na si Raymart Santiago at Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria.

Inday Barretto may matinding mensahe kay Jodi Sta. Maria: “Proceed at your own risk”
Inday Barretto may matinding mensahe kay Jodi Sta. Maria: “Proceed at your own risk” (📷Ogie Diaz/YouTube)
Source: Youtube

Sa eksklusibong panayam ni showbiz insider Ogie Diaz, diretsahan ang naging mensahe ni Inday kay Jodi matapos niyang isiwalat umano ang mga karanasang pinagdaanan ng anak sa piling ni Raymart. Ayon kay Inday, wala naman daw pakialam si Claudine sa relasyon ng dating asawa ngunit hindi niya mapigilang magbigay ng babala sa kasalukuyang karelasyon nito.

Read also

Kris Aquino, binati si Bea Alonzo kahit may pinagdadaanan sa kalusugan

“Yung dumating si Jodi, wala namang pakialam si Claudine kay Jodi Sta. Maria, that’s her look out. I’m not gonna say good luck to her, I’m just gonna pray for her. But proceed at your own risk,” ani Inday.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa niya, bahala raw si Jodi sa magiging desisyon nito sa relasyon, lalo na matapos ang kanyang mga sinabing karanasan sa pagitan ni Claudine at Raymart.

“Kung hindi mo pa alam, bahala ka. Bahala na ang Diyos, 'yon lang sasabihin ko,” dagdag pa ni Inday.

Hindi rin napigilan ni Inday ang magpahayag ng kanyang pagkadismaya nang mabanggit na plano umano ni Raymart na magpatayo ng bahay kasama ang aktres.

“Itong gag*ng 'to, magpapatayo pa raw ng bahay with Jodi. When Jodi stops being Jodi Sta. Maria, she loses not only Raymart, she’ll lose everything. Bahala siya, I’m speaking from experience,” ani pa ng Barretto matriarch.

Pinabulaanan naman ng kampo ni Raymart Santiago ang mga naging pahayag na ito ng ina ng dating asawa.

Matatandaang noong 2020, kinumpirma ni Raymart Santiago na may relasyon sila ni Jodi Sta. Maria matapos kumalat ang kanilang mga larawan sa social media. Sa kabila ng mga pahayag ni Inday, nananatiling tahimik pa rin ang kampo ng aktres hinggil sa isyung ito.

Read also

Sen. Jinggoy Estrada nagsampa ng kaso laban kay Robby Tarroza

Si Inday Barretto ay kilala bilang matapang na tagapagtanggol ng kanyang mga anak, lalo na ni Claudine Barretto. Ang kanyang mga pahayag ay madalas nagiging sentro ng diskusyon sa showbiz world, lalo na kapag may kinalaman sa dating manugang na si Raymart Santiago. Si Raymart naman ay beteranong aktor at dating asawa ni Claudine, at ngayon ay nasa relasyon kay Jodi Sta. Maria, isa sa mga pinakatanyag na aktres ng ABS-CBN.


Kamakailan, nagsalita si Inday Barretto hinggil sa umano’y pananakit ni Raymart Santiago kay Claudine. Sa panayam kay Ogie Diaz, idinetalye niya ang ilang pangyayaring umano’y naranasan ng anak sa kamay ng dating asawa. Ayon sa kanya, matagal niyang piniling manahimik ngunit napilitan siyang magsalita upang ipagtanggol ang anak sa mga lumalabas na isyu.


Samantala, agad namang tumugon ang kampo ni Raymart sa mga akusasyon. Ayon sa mga abogado ng aktor, walang katotohanan ang mga alegasyon ni Inday at binigyang-diin nilang nilalabag nito ang umiiral na gag order sa pagitan ng dalawang panig. Dagdag pa nila, handa si Raymart na patunayan ang kanyang panig sa legal na paraan upang mapanatili ang kanyang pangalan at reputasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate