John Prats, may makuwelang pagbati kay Isabel Oli sa kaarawan nito: "My favorite noise maker"

John Prats, may makuwelang pagbati kay Isabel Oli sa kaarawan nito: "My favorite noise maker"

  • Binati ni John Prats ng "happy birthday" ang asawang si Isabel Oli, at tinawag niya itong "favorite noise maker"
  • Ayon kay John, kung wala si Isabel, ang buhay niya ay magiging sobrang boring umano
  • Ipinahayag niya ang pasasalamat sa Diyos dahil si Isabel ang kanyang asawa at "nanay ng mga anak natin"
  • Dahil dito, marami ang kinilig sa sweet ngunit na playful birthday greeting ni John kay Isabel

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ipinagdiwang ng aktor-direktor na si John Prats ang kaarawan ng kanyang asawang si Isabel Oli sa isang napaka-sweet ngunit playful na post sa Instagram, kung saan binansagan niya ang aktres bilang kanyang "favorite noise maker."

John Prats, may makuwelang pagbati kay Isabel Oli sa kaarawan nito: "My favorite noise maker"
John Prats, may makuwelang pagbati kay Isabel Oli sa kaarawan nito: "My favorite noise maker" (@johnprats)
Source: Instagram

Ibinahagi ni John ang serye ng mga larawan ni Isabel habang nagsha-shopping at nagre-relax, at sinamahan niya ito ng isang mensahe na nagpapakita ng kanilang masayang pagsasama.

Sa kanyang caption sa Instagram, inamin ni John na ang pagiging 'maingay' ng kanyang misis ang isa sa mga dahilan kung bakit masaya at puno ng buhay ang kanilang munting tahanan.

Read also

Ai-Ai Delas Alas, may na-realize ukol sa sakit na naidudulot ng "heartbreak"

Aniya John kay Isabel sa post, "Happy birthday to my favorite noise maker! Imagine kung tahimik ang buhay ko nang wala ka, boring sobra! Thank God ikaw ang asawa ko at nanay ng mga anak natin. Thanking God always for giving you to me. Love you, Wifey @isabeloliprats!"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Higit pa sa pagbibiro, binigyang diin ni John ang kanyang pasasalamat sa Panginoon dahil ibinigay sa kanya si Isabel. Tinawag din niya itong "asawa ko at nanay ng mga anak natin," na nagpapakita ng kanyang pagpapahalaga sa ginagampanan nitong papel sa kanilang pamilya.

Sina John at Isabel ay ikinasal noong May 2015 at biniyayaan ng tatlong anak. Patuloy silang hinahangaan ng publiko dahil sa pagiging isa sa mga pinakamasaya at pinakamatatag na mag-asawa sa mundo ng show business.

Swipe left para makita ang iba pang photos:

Si John Prats ay isang Filipino actor, dancer, host, at direktor na unang nakilala bilang child star. Naging bahagi siya ng youth-oriented show na Gimik at ng sikat na dance group na J5, kaya't mas nakilala siya bilang mahusay na performer. Lumabas siya sa maraming teleserye at pelikula sa ABS-CBN tulad ng Berks, Kung Fu Kids, at My Girl. Bukod sa pag-arte, naging regular din siyang host at dancer sa variety show na ASAP, kung saan lalo pang tumatak ang kanyang talento sa entertainment industry. Sa mga nagdaang taon, si John Prats ay mas nakilala rin bilang direktor ng mga live shows, concerts, at TV programs. Siya ang naging direktor ng ilang segments ng ASAP at iba pang Kapamilya shows, at kilala sa pagiging masigla at malikhain sa produksyon.

Read also

5 miyembro ng pamilya, patay nang mabagsakan ng puno ang kanilang bahay

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay isang nakakaantig na ganap ang nangyari sa show na dinirek ni John Prats. Kamakailan ay ibinahagi ni John ang kwento sa kanyang opisyal na Instagram. Aniya, ito raw ang "pinakamagandang" nangyari sa world tour ni TJ Monterde. Marami ang talagang namangha sa bayanihan na spirit ng mga Pinoy sa Auckland.

Samantalang ay binalikan ni John Prats ang unang pagkakatalaga sa love team niya kasama si Heart Evangelista. Inamin niyang hindi niya agad nagustuhan si Heart dahil sa pagiging maarte nito. Naging matagumpay pa rin ang kanilang tambalan dahil sa suporta ng fans. Nanatili ang pagkakaibigan ng dalawa at sinuportahan pa nga ni Heart ang panliligaw ni John kay Isabel Oli, bagay na pumukaw sa atensyon ng maraming fans online.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco