Chie Filomeno, emosyonal na naglabas ng sama ng loob laban sa taong umano’y sinisiraan siya

Chie Filomeno, emosyonal na naglabas ng sama ng loob laban sa taong umano’y sinisiraan siya

  • Naglabas ng sama ng loob si Chie Filomeno laban sa isang tao na umano’y nagsasagawa ng paninira laban sa kanya
  • Ibinahagi ng aktres ang mga screenshot ng mga mensaheng nagsasabing may mga influencer na inutusan upang ipakalat ang negatibong imahe laban sa kanya
  • Sa kanyang mga post, ipinahayag ni Chie ang sakit at pagkabigla sa ginawa ng taong itinuring niyang kaibigan
  • Ipinahayag ng aktres ang pag-asa na hindi mararanasan ng anak ng naturang babae ang parehong sakit na kanyang naramdaman

Emosyonal na naglabas ng saloobin si Chie Filomeno sa kanyang Instagram Stories nitong Sabado, Oktubre 18, matapos ibunyag na may isang tao umanong sadyang sinisira ang kanyang reputasyon sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa ilang influencer upang magpakalat ng negatibong pahayag laban sa kanya.

Chie Filomeno, emosyonal na naglabas ng sama ng loob laban sa taong umano’y sinisiraan siya
Chie Filomeno, emosyonal na naglabas ng sama ng loob laban sa taong umano’y sinisiraan siya (📷@chiefilomeno/IG)
Source: Instagram

Ayon kay Filomeno, matagal na niyang napansin ang kakaibang ugali ng naturang tao, ngunit hindi niya inasahan na hahantong ito sa ganitong uri ng paninira. “Alam ko naman kung gaano ka kasama, pero hindi ko akalaing kaya mong bumaba nang ganito,” aniya. Dagdag pa ni Chie, “I hope and pray that the things you are doing to me now, your daughter will never experience. Because I will never do something like this.”

Read also

Chie Filomeno, ibinunyag ang betrayal mula sa taong itinuring na kaibigan

Nagbahagi rin ang aktres ng mga screenshot mula sa isang impormante na nagsasabing ginagamit umano ng nasabing tao ang “disappearing messages” upang takpan ang ebidensiya ng ginagawang paninira. Ibinahagi rin ni Chie ang mensaheng ipinadala niya sa nasabing indibidwal: “Stop saying you feel betrayed when you are the traitor. Wish you all the best, I truly do.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng lahat, iginiit ni Filomeno na pinipigilan niyang gumanti, bagama’t umamin siyang nasaktan hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa kanyang pamilya. “Masakit, pero tao lang ako. Kapag nadadamay na ang pamilya, doon na ako lumalaban,” aniya. Dagdag pa niya, “As much as I want to do this with grace, sometimes they need a dose of their own medicine. Messaging creators to throw hate on someone—that’s crossing the line.”

Binigyang-diin din ng aktres na hindi niya layuning makasakit o maglantad ng personal na impormasyon, kundi ipagtanggol lamang ang sarili sa gitna ng mga maling paratang.

Si Chie Filomeno ay isang kilalang Kapamilya actress, dancer, at dating miyembro ng “GirlTrends.” Maliban sa kanyang mga proyekto sa telebisyon gaya ng “Can’t Buy Me Love,” aktibo rin siya sa social media bilang influencer at content creator. Kamakailan, naging tampok siya sa mga usapin ng showbiz matapos kumpirmahin ni Jake Cuenca na natapos na ang kanilang relasyon. Mula noon, naiuugnay si Chie kay Matthew Lhuillier, na kilala rin sa showbiz circle. Sa kabila ng mga kontrobersiyang ito, nananatiling matatag ang aktres at patuloy na pinipiling magpakatotoo sa kanyang mga damdamin.

Read also

Torre, sa mungkahing tumakbo bilang VP: “Baka 84 days lang, impeach agad ako”


Sa artikulong ito ng KAMI, ikinuwento ni Chie Filomeno ang matinding sakit na kanyang naramdaman matapos maranasan ang pagtataksil ng isang taong matalik niyang kaibigan. Aniya, hindi siya galit ngunit labis siyang nadismaya sa taong pinili niyang pagkatiwalaan. Ipinahayag ni Chie na natutunan niyang maging mas maingat sa pakikitungo sa mga tao matapos ang karanasang ito.


Sa isa pang viral post, ipinahayag ni Chie ang kanyang emosyon tungkol sa “betrayal” na tila may kaugnayan sa kanyang buhay pag-ibig. Nag-viral ito matapos magkomento si Matthew Lhuillier ng emoji, na agad napansin ng mga tagahanga. Ipinakita ni Chie sa naturang post ang kanyang katatagan at pagiging totoo sa kabila ng mga usapin ng puso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate