John Estrada, nagpakatotoo sa emosyon para kay Priscilla Meirelles

John Estrada, nagpakatotoo sa emosyon para kay Priscilla Meirelles

  • John Estrada ay naglabas ng emosyonal na pahayag tungkol sa dating asawang si Priscilla Meirelles
  • Inamin niyang si Priscilla ang “love of his life” at umaasa siyang maayos pa nilang mapag-uusapan ang lahat
  • Sinabi rin ni John na handa siyang muling pakasalan si Priscilla kung gugustuhin nito
  • Nagbigay din siya ng papuri kay Daniel Padilla na inuugnay sa kanyang anak na si Kaila Estrada

Sa gitna ng mga pinagdaanang pagsubok sa buhay mag-asawa, inamin ng aktor na si John Estrada na si Priscilla Meirelles pa rin ang “love of his life.”

John Estrada, nagpakatotoo sa emosyon para kay Priscilla Meirelles
John Estrada, nagpakatotoo sa emosyon para kay Priscilla Meirelles (📷Priscilla Meirelles/Facebook)
Source: Instagram

Sa isang panayam ni Dolly Anne Carvajal para sa The Philippine Star, nagbigay ng matapat at emosyonal na pahayag si John tungkol sa kanyang dating asawa. Bagama’t ayaw sana niyang pag-usapan ang kanyang personal na buhay, hindi niya kayang tanggihan ang panayam dahil matagal na silang magkaibigan ni Dolly.

Pri is the love of my life. I hope she will still be around when I’m done fighting my own demons,” ani John na halatang puno ng emosyon habang inaalala ang kanilang pinagsamahan. Dagdag pa niya, “If and when Pri and I fix what needs to be fixed, I would be willing to remarry her if she wants to.”

Read also

Vico Sotto, sinermunan ang ilang opisyal ng barangay sa Pasig: “Enough is enough!”

Sa kabila ng mga nakaraang isyu — kabilang na ang mga alegasyon ng pagtataksil na kumalat sa social media noong nakaraang taon — ipinahayag ni John na umaasa pa rin siya sa pag-aayos at kapatawaran. “I’m still hoping for the best for both of us,” aniya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, nang tanungin tungkol sa isyung kinasasangkutan ng kanyang anak na si Kaila Estrada at Daniel Padilla, mahinahong sagot ni John, “I cannot speak on behalf of my daughter.” Ngunit hindi niya itinago ang paghanga sa aktor. “Daniel is respectful and humble despite his superstar status.

Sa kabilang banda, si Priscilla Meirelles ay matagal nang nagsabing “closed book” na ang kanilang pagsasama, bagama’t umamin din siyang minsang nagtangkang makipag-ayos si John. Sa isa pang panayam, sinabi niyang bukas siyang makatrabaho ang aktor sa hinaharap — ngunit pabirong idinagdag, “Gusto ko, sampalan scene!”

Nagkakilala sina John Estrada at Priscilla Meirelles noong 2006, at ikinasal sila noong 2011. Biniyayaan sila ng isang anak na babae. Sa loob ng kanilang pagsasama, parehong nagtatrabaho sa showbiz ang mag-asawa, ngunit hindi rin nakaligtas sa mga intriga.

Noong nakaraang taon, naging laman ng social media ang mga post ni Priscilla tungkol sa umano’y paglabag sa kanilang tiwala, na sinundan ng mga pahayag ni John na nagsasabing ayaw na niyang palakihin ang isyu para sa kapakanan ng kanilang anak. Sa kabila ng lahat, patuloy pa ring ipinapakita ni John na may respeto at pag-asa siya sa muling pagkakaayos nila.

Read also

Driver ng modernized jeep na inatake sa stroke at nakabundol ng biker, pumanaw din sa ospital

Kamakailan, naglabas ng matapang na social media post si John Estrada laban sa mga tiwaling opisyal. Tinawag niya silang “mga baboy na dapat managot”, kasunod ng kanyang pagkadismaya sa mga isyung kinahaharap ng bansa. Ipinakita nito ang tapang ng aktor hindi lang sa pag-arte kundi sa paninindigan sa mga usaping panlipunan.

Sa isa pang ulat, pinuri ni John ang anak niyang si Kaila Estrada matapos ma-link kay Daniel Padilla. Ayon sa aktor, may tiwala siya sa judgment at maturity ng kanyang anak, at ayaw niyang pangunahan ang mga bagay na ito. Ipinakita ni John na bilang ama, kaya niyang maging protektibo pero hindi kontrolado sa mga desisyon ng anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: