Chavit Singson, nagsalita na sa pagli-link sa kanila ni Jillian Ward: "Naririnig ko nga yan"

Chavit Singson, nagsalita na sa pagli-link sa kanila ni Jillian Ward: "Naririnig ko nga yan"

  • Pormal nang sinagot ni Chavit Singson ang kumakalat na tsismis tungkol sa kanya at kay Jillian Ward
  • Ito raw ay pawang "marites lang" at wala umanong katotohanan ang mga blind item na nagli-link sa kanila
  • Ang paglilinaw na ito ay ginawa niya matapos kumalat ang espekulasyon tungkol sa kanilang dalawa
  • Nanawagan din siya sa media na wag na siyang tanungin tungkol sa mga babaeng nali-link sa kanya pati

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Pormal nang sinagot ng dating gobernador ng Ilocos Sur na si Luis "Chavit" Singson ang mga kumakalat na tsismis tungkol sa umano'y relasyon nila ng Kapuso actress na si Jillian Ward.

Sa isang panayam sa local media, mariing pinabulaanan ni Chavit ang mga ulat na nag-ugat sa mga blind item online. Ayon sa ulat ng Inquirer, diretsahan niyang sinabi na walang katotohanan ang pagli-link sa kanila ng Kapuso star, na aniya ay gawa-gawa lamang ng mga chismosa sa paligid.

Read also

Gov. Sol Aragones, dinipensahan ang desisyong no face-to-face classes sa probinsya ng Laguna

Chavit Singson, nagsalita na sa pagli-link sa kanila ni Jillian Ward: "Naririnig ko nga yan"
Photos: Luis Chavit Singson on Facebook | @jillian on Instagram
Source: Instagram

"Marites lang yan, Marites lang. Naririnig ko nga yan. Marami ngang nali-link sa akin, pero puro marites yan," ang naging pahayag ni Chavit, na nagpapahiwatig na pawang usap-usapan lamang ang lahat, pati na rin ang mga dating na-link din sa kanya noon.

Ang isyu ay nagsimulang kumalat matapos lumabas ang mga blind item na nagtuturo umano kina Chavit at Jillian, na sinasabing nagkakamabutihan na raw at labis na naging malapit na sa isa't isa. Nilinaw ng dating politiko na dapat ay hindi agad paniwalaan ng publiko ang mga tsismis online.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nang matanong naman siya tungkol kay Yen Santos, sinabi na lamang ni Chavit na "next question" na sabay tawa, aniya rin Chavit sa media ay wag na siyang tanungin ukol sa mga babaeng nali-link sa kanya.

Samantalang noong August lamang, ayon sa ulat ng ABS-CBN, ay nag-guest pa nga siya sa channel ni Yen mismo kung saan pinabulaanan nila parehas ang mga tsismis na may anak na umano sila ng kilalang aktres.

Read also

Carla Abellana, inaming hindi alam saan kukunin ang pambayad sa P364,000 tax

Noong 2024 din ay naging laman ng balita si Chavit nang sabihin niyang siya ay single, ayon sa opisyal na ulat ng Politiko.

Si Chavit Singson ay isang kilalang politiko at negosyante sa Pilipinas. Nagsilbi siya bilang gobernador ng Ilocos Sur nang ilang termino at naging kongresista rin. Nakilala rin siya sa kanyang papel sa kaso ni dating Pangulong Joseph Estrada, kung saan siya ang isa sa mga pangunahing testigo na naglantad umano ng jueteng payola noong 2000. Dahil dito, naging sentro siya ng pambansang balita at usaping pampulitika. Bukod sa politika, malawak din ang kanyang negosyo sa iba’t ibang industriya. Isa rin siya sa mga naging pangunahing personalidad sa Miss Universe 2016 pageant nang dalhin ito sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang suporta at pakikipag-ugnayan.

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong January ay binawi ni Chavit Singson ang kanyang candidacy sa Senado ng Pilipinas. Bilang dating Deputy National Security Adviser at gobernador ng Ilocos Sur, sinabi niyang dahilan ng kanyang pag-urong ang kanyang kalusugan. Hindi na niya ito pinalawak pa o tinukoy kung mayroon ba siyang partikular na karamdaman. Kilala ng marami bilang “Manong Chavit,” sinabi niyang maaaring umatras siya sa senatorial race ngunit mananatili pa rin siyang aktibo sa paglilingkod sa publiko.

Read also

Kris Aquino, may matapang na pahayag laban sa mga nagpapakalat ng “death hoax” tungkol sa kanya

Samantalang noong 2024 naman ay kinaaliwan ng netizens si Chavit Singson matapos mag-trending dahil sa kanyang biro tungkol sa pagbili ng Miss Universe noong araw. Marami ang nagsabing dapat bilhin na lang ni Chavit ang Miss Universe Organization matapos niyang magbiro ukol dito. Ibinida niya na bibilhin niya ang pageant kung si Senyora ang magiging representative ng Pilipinas sa susunod na taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco