Diwata, humagulgol nang malaman ang totoong salarin sa kaso ng identity theft

Diwata, humagulgol nang malaman ang totoong salarin sa kaso ng identity theft

  • Natukoy na ni Deo Jarito Balbuena o mas kilala bilang “Diwata” ang lalaking nagnakaw ng kanyang pagkakakilanlan
  • Ayon kay Diwata, ginamit ng suspek ang kanyang TIN ID na ipinasa niya dati para sa franchise processing ng kanyang negosyo
  • Kinilala ang suspek bilang si Angelito Carmona Y Clarito o “Angel,” tauhan ng dating business partner ni Diwata
  • Magsasampa ng kasong kriminal si Diwata laban kay Angel matapos itong ireklamo rin ni Patrolman Johary Bogagong sa pamemeke ng ID

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi napigilang maiyak ng online personality at negosyanteng si Deo Jarito Balbuena, mas kilala bilang Diwata, nang tuluyan niyang makilala ang lalaking nagnakaw ng kanyang pagkakakilanlan matapos ang ilang linggo ng pag-aalala at kahihiyan.

Diwata, humagulgol nang malaman ang totoong salarin sa kaso ng identity theft
Diwata, humagulgol nang malaman ang totoong salarin sa kaso ng identity theft (📷Raffy Tulfo in Action/Facebook)
Source: Facebook

Matatandaan na noong Oktubre 10, lumapit si Diwata sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) upang humingi ng tulong matapos siyang maaresto dahil sa pagkakamali. Ayon sa kanya, naging biktima siya ng identity theft, na nagresulta sa pagkakalabas ng warrant of arrest laban sa kanya sa Mandaluyong.

Read also

Gov. Sol Aragones, dinipensahan ang desisyong no face-to-face classes sa probinsya ng Laguna

Kwento ng arresting officer na si Patrolman Johary Bogagong, nahuli niya noong Marso ang limang kalalakihan na nag-iinuman sa kalye ng Mandaluyong — labag sa ordinansa ng lungsod. Isa sa mga lalaki ang nagpakita ng malabong TIN ID na nakapangalan kay Deo Jarito Balbuena. Nang hindi na sumipot ang mga ito para magbayad ng multa, iniakyat ng PNP ang kaso sa korte, dahilan upang ma-issue-an ng warrant of arrest si Diwata.

Ngunit nitong Oktubre 14, sa muling pagharap ni Diwata sa RTIA, hindi niya napigilang mapahagulgol nang ibinalita kay Sen. Raffy Tulfo na natukoy na ang taong ginamit ang kanyang pangalan. Sa tulong ng masusing imbestigasyon ni Patrolman Bogagong, natunton nila ang tunay na salarin — si Angelito Carmona Y Clarito o mas kilala bilang “Angel,” dating tauhan ng business partner ni Diwata.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Masama ang loob ko kasi may utang pa siya sa akin, tapos nagawa pa niyang gamitin ang pangalan ko sa krimen,” umiiyak na pahayag ni Diwata sa harap ng camera.

Ayon kay Diwata, nakilala niya si Angel noong panahon ng kasikatan ng kanyang kainan na “Diwata Pares” sa Pasay. Lumapit daw ito dahil gusto umanong mag-franchise ng kanyang paresan ang boss ni Angel. Pumayag naman si Diwata at ibinigay ang kanyang TIN ID dahil si Angel umano ang nag-asikaso ng business permit para sa Quezon City branch.

Read also

Fetus natagpuan sa loob ng kahon ng sapatos sa tambak ng basura sa Quezon City

Ngunit matapos ang transaksyon, hindi lamang hindi nabayaran ng boss ni Angel ang royalty at franchise fees, kundi pati ₱350,000 na utang ni Angel ay hindi pa rin nababayaran. “Hiniram niya ‘yon pandagdag daw sa construction ng QC branch, pero hindi na ibinalik,” kuwento ni Diwata.

Sa tulong ng imbestigasyon ni Bogagong at ng mga barangay officials, natukoy ang pagkakakilanlan ni Angel. “Salamat po kay Patrolman Bogagong, dahil kung hindi sa kanya, hindi ko malalaman kung sino talaga ang gumawa nito,” pasasalamat ni Diwata.

Ayon kay Bogagong, nagsampa na siya ng kaso laban kay Angel dahil sa pamemeke ng ID, habang nakatakda ring magsampa ng hiwalay na kaso si Diwata para sa identity theft. Pinuri rin ni Sen. Raffy Tulfo ang pulis sa kanyang mabilis at maayos na aksyon.

Si Deo Jarito Balbuena, o mas kilala sa pangalang “Diwata”, ay unang sumikat sa social media noong 2023 dahil sa kanyang viral na paresan sa Pasay — ang Diwata Pares Overload. Kilala siya sa kanyang masayahing personalidad, pagiging palabiro, at pagtulong sa mga kababayan niyang naghihirap. Mula noon ay nakapagtayo siya ng iba’t ibang negosyo at nakilala bilang inspirasyon ng mga small business owners.

Read also

Carla Abellana, inaming hindi alam saan kukunin ang pambayad sa P364,000 tax

Gayunpaman, nitong 2025 ay hinarap ni Diwata ang mga pagsubok matapos madawit sa kaso ng maling pagkakakilanlan. Sa kabila nito, patuloy siyang lumalaban at nagpapakita ng determinasyong ipaglaban ang kanyang karapatan.


Kamakailan ay ibinahagi ni Diwata na may bagong pinagkakakitaan siya bukod sa kanyang kilalang paresan. Sa panayam, sinabi niyang gusto niyang subukan ang iba pang business ventures para mas mapalago ang kanyang kita. Maraming netizens ang humanga sa kanyang diskarte at positibong pananaw sa buhay.

Noong unang bahagi ng Oktubre, naging laman ng balita si Diwata matapos siyang maaresto sa kasong hindi niya ginawa. Lumapit siya kay Raffy Tulfo upang humingi ng tulong, kung saan natuklasang biktima pala siya ng identity theft. Naging daan ito para sa mas malalim na imbestigasyon na kalaunan ay nagresulta sa pagkakakilanlan ng tunay na salarin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: