K Brosas, naglabas ng galit sa korapsyon: “Managot ang dapat managot!”

K Brosas, naglabas ng galit sa korapsyon: “Managot ang dapat managot!”

  • Naglabas ng matinding galit si K Brosas sa isyu ng malawakang korapsyon sa DPWH flood control projects
  • Mariin niyang nanawagan na managot ang mga opisyal at contractor na sangkot sa bilyun-bilyong kickback
  • Naniniwala si K na dapat magkaroon ng tax holiday para sa mga Pilipinong tapat magbayad ng buwis
  • Pinag-usapan din niya ang bagong season ng “Sing-Galing Sing-Lebrity Edition” na kanyang muling pinangungunahan sa TV5

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Paulit-ulit ang pagmumura at hinanakit ni K Brosas habang ibinubuhos ang galit niya sa isyu ng korapsyon sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

K Brosas, naglabas ng galit sa korapsyon: “Managot ang dapat managot!”
K Brosas, naglabas ng galit sa korapsyon: “Managot ang dapat managot!” (📷@kbrosas/IG)
Source: Instagram

Sa panayam ng Bandera matapos ang presscon ng “Sing-Galing Sing-Lebrity Edition” ng TV5, hindi na napigilan ng singer-comedienne ang kanyang emosyon nang pag-usapan ang bilyun-bilyong pisong kickback na nalantad kamakailan.

“Oo, galit na galit! Sino bang hindi? Ang sa akin lang, wala na ‘tong… kung makaano ka ba? Sinong binoto mo? Huy!!! Managot ang dapat managot,” mariing pahayag ni K.

Read also

Vice Ganda, nagbahagi ng saloobin hinggil sa kakulangan ng psychologist sa bansa

Hindi raw niya matanggap na habang patuloy sa hirap ang mga karaniwang Pilipino, may mga opisyal at contractor na nagpapasasa sa pera ng bayan. “Tayo kasing mga Pilipino, let’s face it, mapagpatawad tayo, e. Madali tayong makalimot. Mga te, bilyun-bilyon ang pinag-uusapan dito, te! Alam n’yo ‘yun, gagastos sila ng isang bilyon sa isang araw! Shutanginamesh!”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, “Samantalang tayo, sa showbiz, mga artista, kayo sa media, nagbabayad tayo ng tamang tax. Pagkatapos halos mawalan ka na ng ngala-ngala sa kaka… (kakasalita at kakakanta).”

“Managot ang dapat managot”

Hindi na rin napigilan ni K ang pagkadismaya sa kawalan ng hustisya sa mga isyung tulad nito. “Ako, singkuwenta na ‘ko, pero tuloy-tuloy pa rin ang labada kasi gusto natin ng magandang buhay, tapos sila mga shutanginamesh, ang gaganda ng buhay at pino-flaunt pa. Basta ang sa akin, managot ang dapat managot. Kailangan may makulong at maibalik ang pera ng taumbayan,” mariing sambit ng host-comedienne.

Read also

Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, muling pinakilig ang fans sa viral photoshoot

Bukod sa kanyang galit, nagpahayag din siya ng suporta sa ideyang magkaroon ng tax holiday kahit isa o dalawang buwan lang bilang tulong sa mga Pilipinong patuloy na nagbabayad ng tamang buwis.

Para kay K, hindi dapat sumuko ang mga mamamayan sa laban kontra korapsyon. “Sana hindi sukuan ng sambayanang Pilipino ang laban na ‘to. Kailangan tuloy-tuloy ang pagmamatyag para may makulong at maparusahan talaga,” aniya.

Samantala, tuloy-tuloy ang trabaho ni K Brosas bilang isa sa mga host ng “Sing-Galing: Sing-Lebrity Edition” sa TV5, na nagsimula nang umere nitong Setyembre 27. Kasama niyang muli sina Randy Santiago at Donita Nose, habang hurado naman sina Rey Valera, Nina, at Ariel Rivera.

“Blessed kasi pang-ilan na ito, pangatlo na ‘yung regular edition; pangalawa na itong celebrity edition. Ang saya siyempre, gusto lang natin maglabada pa more. Gusto natin continuous lang ‘yung labada natin,” ani K.

Dagdag pa niya, “Iba ‘yung sa corporate show. Hindi ka dapat nawawala. Sobrang blessed ako, sobrang thankful sa TV5 at sa MediaQuest.”

Read also

Kris Aquino, nagbigay ng health update at ibinahagi ang pag-asang hatid ni Josh at Bimby

Sa bagong season, 48 celebrities mula sa iba’t ibang larangan ang maglalaban-laban. Pero nilinaw ni K na hindi lang ito tungkol sa magandang boses. “Actually, kung papanoorin mo, hindi ganun kasi nga paramihan ng alam na kanta. Minsan hindi nila alam ‘yung kanta. Saka ‘yung mga alam natin na kumakanta, hindi automatic na nananalo,” paliwanag pa niya.

Si K Brosas ay isa sa mga pinakakilalang komedyante, mang-aawit, at TV host sa bansa. Bukod sa pagho-host ng Sing Galing, madalas din siyang mapanood sa mga concert at comedy bar shows. Nakilala siya hindi lamang sa kanyang wit at humor, kundi rin sa pagiging prangka sa mga isyung panlipunan.

Sa tuwing may mga kontrobersiya o isyung pampubliko, kilala si K sa pagsasalita ng kanyang saloobin sa social media — isang bagay na lalo pang hinangaan ng kanyang mga tagasuporta.

Kamakailan ay binisita ni K Brosas si Kris Aquino at ang anak nitong si Bimby sa Amerika. Ibinahagi niya sa social media ang update sa lagay ng Queen of All Media, at ipinahayag ang paghanga sa lakas at determinasyon ni Kris sa kabila ng kanyang karamdaman.

Read also

Kris Bernal, nagsalita sa isyung ginagaya raw si Heart Evangelista

Sa panayam kay K, ibinahagi niyang proud siya sa kanyang anak na si Crystal sa pagiging open at matapang nitong magpahayag ng tunay na pagkatao. Ikinuwento rin ni K kung paano nila pinanatili ang bukas na komunikasyon sa kanilang mag-ina, at kung paano siya naging inspirasyon sa mga magulang na may LGBTQ+ na anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate