Karla Estrada, naki-jam at nag-perform sa isang kalsada sa South Korea
- Nag-perform kamakailan si Karla Estrada sa South Korea
- Ibinahagi niya ang kanyang impromptu performance sa Myeongdong
- Sa video, makikita ang aktres na nagpe-perform sa kalye
- Aniya Karla, isa raw ito sa best moments ng kanyang bakasyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi lang pala pang-entablado ang talento sa pag-awit ni Karla Estrada, dahil naging viral ang isang video na ibinahagi niya sa Instagram kung saan makikitang nakipag-jamming at umaawit siya sa Myeongdong, South Korea.

Source: Instagram
Ibinahagi ni Karla ang video ng kanyang impromptu performance sa sikat na shopping district ng South Korea, na ikinatuwa ng kanyang mga followers sa naturang app. Sa video, makikitang kasama niya ang isa pang lalaki na nag-gitara habang siya naman ay buong-pusong umaawit at nakikisaya sa mga manonood.
Ang sikat na OPM icon ay nakita ring nagbigay-pugay sa international superstar na si Adele matapos niyang i-cover ang isa sa mga hit song nito. Kitang-kita ang husay at passion ni Karla sa pag-awit habang inaabot niya ang mataas na nota, na umani ng palakpakan mula sa mga taong huminto para manood at makinig.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kanyang caption, ibinahagi ni Karla ang kanyang kagalakan sa hindi malilimutang karanasan. Aniya Karla: "Jamming on the vibrant streets of Myeongdong in Korea was one of the best moments of our vacation – the energy, the music, and the crowd made it an unforgettable experience filled with joy and rhythm."
Agad namang umulan ng positive comments ang post ni Karla. Maraming netizen ang nagsabi na nakakatuwa siyang panoorin at pinatunayan daw niya na bukod sa pag-arte at pagho-host, hindi pa rin nawawala ang kanyang galing sa pagkanta.
Ang pag-jamming na ito ni Karla sa Myeongdong ay tiyak na isa sa mga highlight ng kanyang bakasyon at nagpakita lamang na handa siyang makipag-ugnayan sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang talento, saan man siya magpunta.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Karla Estrada ay isang Filipina actress, singer, at television host na kilala sa kanyang mga papel sa pelikula at teleserye. Naging bahagi siya ng iba't ibang TV shows at pelikula mula sa ABS-CBN. Bukod sa pag-arte, sumabak din siya sa pagkanta. Mas lalo pa siyang nakilala sa telebisyon bilang isa sa mga co-host ng morning talk show na Magandang Buhay, kung saan nakilala siya sa kanyang pagiging prangka at makuwelang personalidad. Sa personal na buhay, si Karla ay ina ng aktor at dating Teen King na si Daniel Padilla, pati na ng kanyang iba pang mga anak na sina JC, Magui, at Carmella. Bukas siya sa pagbabahagi ng kanyang karanasan bilang single mom at inspirasyon sa maraming ina na nagsusumikap para sa kanilang pamilya.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ikinatuwa ni Karla Estrada ang pagtatapos ng kanyang anak na si Magui Ford Planas mula sa University of Melbourne. Sumulat siya ng isang taos-pusong mensahe na pumuri sa talino, malasakit, at determinasyon ni Magui. Ibinahagi rin ni Karla nang buong pagmamalaki ang mga nagawa ni Magui sa unibersidad, kabilang ang kanyang BA Double Major sa Economics at International Politics, pati na ang pagiging research associate nito.
Samantalang noong May, sa one-on-one interview nila, inamin ni Karla Estrada na minsan siyang nainis sa entertainment columnist na si Ogie Diaz. Nilinaw ni Karla na mas pinipili niyang unahin ang kanilang pagkakaibigan kaysa sa tampo o sama ng loob. Ibinahagi rin ni Karla ang pananaw niya sa naging breakup nina Daniel at Kathryn Bernardo noong November 2023.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh