John Prats, ikinuwento ang "pinakamagandang" nangyari sa show ni TJ Monterde
- Isang nakakaantig na ganap ang nangyari sa show na dinirek ni John Prats
- Kamakailan ay ibinahagi ni John ang kwento sa kanyang opisyal na Instagram
- Aniya, ito raw ang "pinakamagandang" nangyari sa world tour ni TJ Monterde
- Marami ang talagang namangha sa bayanihan na spirit ng mga Pinoy sa Auckland
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang nakakaantig na kaganapan ang ibinahagi ng direktor na si John Prats mula sa "Sarili Nating Mundo" (SNM) World Tour ni TJ Monterde sa Auckland, New Zealand. Sa isang post ni John, ikinuwento niya ang isang simpleng biro na nauwi sa isang napakalaking gawaing pagtulong para sa mga kababayang naapektuhan ng lindol sa Pilipinas.

Source: Instagram
Ayon kay John, nagsimula ang lahat nang magbiro ang crowd na mag-budots si KZ Tandingan, ang asawa ni TJ Monterde at isa sa mga guest performer. Sumagot si KZ na gagawin niya ito, ngunit sa kondisyon na kapag naglabas sila ng QR code, ay dapat may "ambag" ang mga tao para sa "budots" na ido-donate sa mga biktima ng lindol sa Cebu at Davao.
Ang simpleng hamon ay hindi lang tinanggap ng mga manonood, kundi labis pang sinuportahan. Nang maglabas sila ng QR, dumagsa ang mga nagpadala ng pera. Aniya, "Biglang dumagsa ang mga tao sa harap ng stage para mag abot ng pera sa buong SNM team."
Ang resulta: isang kahanga-hangang P100,544.26 ang nakalap sa isang gabi. Makikita rin ito sa isang screen na may nakasaad na "100,544.26 PESOS as of today's conversion. THANK YOU SO MUCH!" na labis na hinangaan ng mga netizens sa social media app.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Lubos ang pasasalamat at paghanga ni John Prats sa ipinakitang malasakit ng mga OFW.
"Grabe lang, kung sino pa ang mga kababayan natin na nagpapakahirap magtrabaho para kumita ng pera, sila pa ang may malasakit para sa mga kababayan natin na naapektuhan ng lindol," pagtatapos ni John sa kanyang now-viral online post sa Instagram.
Hindi rin nakalimutan ni John na mag-iwan ng isang makabuluhang panawagan hinggil sa mga isyu ng katiwalian sa bansa: "Samatalang yung mga nagnakaw ng bilyon bilyon ay walang ambag at nakalaya pa rin! Hay. Nakakalungkot at nakakagalit! Pero maraming salamat sa mga kababayan natin dito sa Auckland! Napakabuti ng puso niyo."
Tiniyak naman ni John na ang buong halaga ay makakarating sa mga nangangailangan.
Ang pangyayaring ito ay nagpapatunay lamang na sa kabila ng layo at paghihirap sa pagtatrabaho, nananatiling buhay at malakas ang diwa ng bayanihan sa mga Pilipino.
Swipe left para makita ang iba pang photos:
Si John Prats ay isang Filipino actor, dancer, host, at direktor na unang nakilala bilang child star. Naging bahagi siya ng youth-oriented show na Gimik at ng sikat na dance group na J5, kaya't mas nakilala siya bilang mahusay na performer. Lumabas siya sa maraming teleserye at pelikula sa ABS-CBN tulad ng Berks, Kung Fu Kids, at My Girl. Bukod sa pag-arte, naging regular din siyang host at dancer sa variety show na ASAP, kung saan lalo pang tumatak ang kanyang talento sa entertainment industry. Sa mga nagdaang taon, si John Prats ay mas nakilala rin bilang direktor ng mga live shows, concerts, at TV programs. Siya ang naging direktor ng ilang segments ng ASAP at iba pang Kapamilya shows, at kilala sa pagiging masigla at malikhain sa produksyon.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay binalikan ni John Prats ang unang pagkakatalaga sa love team niya kasama si Heart Evangelista. Inamin niyang hindi niya agad nagustuhan si Heart dahil sa pagiging maarte nito. Naging matagumpay pa rin ang kanilang tambalan dahil sa suporta ng fans. Nanatili ang pagkakaibigan ng dalawa at sinuportahan pa nga ni Heart ang panliligaw ni John kay Isabel Oli, bagay na pumukaw sa atensyon ng marami online.
Samantalang nagpasiklab ng usapan sa social media si John Prats sa Instagram matapos siyang mag-post ng ilang larawan mula sa vow renewal nila ni Isabel Oli. Muling nagpanata sina John at Isabel ng kanilang sumpaan para sa kanilang ika-10 anibersaryo ng kasal. Kasunod ng balitang ito, naging viral sa social media ang taos-pusong mensahe ni John para kay Isabel. Sa kanyang post, sinabi niya, "Salamat sa sampung taon, at sa mga taon pang darating."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh