Sheree Bautista, all smiles sa wedding ng ex na si Gian Magdangal at Lara Maigue

Sheree Bautista, all smiles sa wedding ng ex na si Gian Magdangal at Lara Maigue

  • Dumalo si Sheree Bautista sa kasal ng dating karelasyon na si Gian Magdangal kay Lara Maigue sa Muntinlupa City
  • Sa Facebook, ibinahagi ni Sheree ang mga larawan mula sa kasal at nagpaabot ng pagbati sa mag-asawa
  • Pinuri siya ng mga netizen sa kanyang pagiging mature at maayos na relasyon sa dating partner para sa kanilang anak
  • Nilinaw ni Sheree na hindi sila ikinasal ni Gian noon at nanatili silang magkaibigan

Ipinakita ni Sheree Bautista na posible ang respeto at pagkakaibigan sa pagitan ng mga dating magkasintahan matapos siyang dumalo sa kasal ng kanyang ex-partner na si Gian Magdangal kay Lara Maigue. Ginunitan ang kasal sa Sacred Heart of Jesus Parish sa Alabang Hills, Muntinlupa City, nitong Oktubre 8, 2025 (Miyerkules).

Sheree Bautista, all smiles sa wedding ng ex na si Gian Magdangal at Lara Maigue
Sheree Bautista, all smiles sa wedding ng ex na si Gian Magdangal at Lara Maigue (📷Sheree Vidal Bautista II/Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook post, nagbahagi si Sheree ng mga larawan mula sa pagdiriwang at nagbigay ng mainit na pagbati sa bagong kasal. “Congratulations Gi and Larabells Giancarlo Magdangal Lara Marie Moscardon Maigue Thanks for joining me beshie Myron Del Moral my baby is now binata Gian Haley Magdangal,” caption ni Sheree sa kanyang post.

Read also

Manunulat at makata na si Pablo Tariman, pumanaw na sa edad na 76

Hindi rin napigilang magpasalamat ni Gian sa kanyang ex-partner sa comment section. “Thank you Sheree!!!!!😊🤍🤍🤍✨ meant the world to us that you were there to celebrate our wedding with us🤍😊 We love you!!!” sagot ni Gian. Sinundan ito ng komento ni Lara, na nagsabing, “We love you so much, Sheree Vidal Bautista II🥹🥹🥹💕💕💕🤍🤍🤍🤍 You being there last night was everything to us!!!”

Sa kanyang reply kay Lara, ramdam ang pagiging genuine ni Sheree: “Lara Marie Moscardon Maigue of course ❤️ love you guys so much too! beautiful bride! I can’t wait for Mario to be born! congratulations my larabells and gi!!! Giancarlo Magdangal.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Maraming netizen ang napahanga sa pagiging mature ni Sheree. Isa sa mga komento ay nagsabing, “Bihira yum ganito ah sa panahon ngayon... Ex husband na tatay ng anak ikakasal sa ibang babae, tapos friendship mopa, bihira talaga!” Tugon ni Sheree: “Now you know po na meron. Nagkataon pareho kami ng ❤️ kaming tatlo. Gusto lang namin peace and love ❤️ for our son. So he knows meron pang genuine na love. ❤️”

Read also

Imee Marcos may tanong kay PBBM sa appointment ni Remulla

May isa pang netizen na nagtanong kung okay lang ba kay Sheree na pumunta siya sa kasal ng kanyang “ex-husband,” na agad niyang nilinaw. “We were never married po 🙂 and we are friends 🙂” sagot ng aktres.

Sa kanyang mga post, malinaw na masaya si Sheree sa bagong yugto ng buhay ng dating karelasyon. Ayon sa ilang netizen, magandang halimbawa siya ng emotional maturity at respeto — isang patunay na maaaring manatiling maayos ang relasyon ng mga dating magkasintahan lalo na kung may anak na kailangang ipakita ang pagkakaisa at kabutihan.

Si Gian Magdangal, na dating miyembro ng “Star in a Million” batch at kilala rin bilang isang stage performer, ay ikinasal kay Lara Maigue, isang soprano singer at songwriter. Ibinunyag ng dalawa sa parehong okasyon na sila ay magiging magulang na, na ikinatuwa ng kanilang mga tagasuporta.

Si Sheree Bautista ay dating miyembro ng all-female group na Viva Hot Babes at nakilala rin bilang singer at aktres. Kilala siya sa kanyang prangkang personalidad at pagiging hands-on mom sa anak nila ni Gian. Sa kabila ng mga pinagdaanan niya sa showbiz, nanatili siyang positibo at patuloy na aktibo sa social media.

Read also

Tax evasion, ikinaso ng BIR sa mag-asawang Discaya; hindi binayarang buwis, umabot sa mahigit ₱7B

Sa isang naunang ulat ng KAMI, inamin ni Sheree na mismong anak niya ang nagsabing huwag na siyang gumawa ng mga daring roles. Ayon sa kanya, nirerespeto niya ang pakiusap ng anak at mas pinili niyang mag-focus sa ibang proyekto at negosyo. Nagpapasalamat siya sa pagkakataong makapagbago at makapagsimula muli sa mas positibong direksyon.

Sa isa pang ulat ng KAMI, masayang ibinahagi nina Gian Magdangal at Lara Maigue ang kanilang kasal sa Muntinlupa City, kung saan ibinunyag din nila na inaasahan na nila ang kanilang unang anak. Umani ng pagbati mula sa mga kaibigan at fans ang couple, kabilang na si Sheree Bautista na buong pusong dumalo sa kanilang espesyal na araw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate