Fyang Smith, laging pinapatawag sa 12th floor: "Everyday po akong pinapagalitan"

Fyang Smith, laging pinapatawag sa 12th floor: "Everyday po akong pinapagalitan"

  • Sa guesting niya kay Ogie Diaz ay may ibinunyag si Fyang Smith
  • Aniya, lagi daw siyang pinapatawag noon sa 12th Floor upang kausapin
  • Inamin ng aktres na madalas siya ay kinakabahan tuwing paakyat ng 12th Floor
  • Gayunpaman, nilinaw ni Fyang na hindi siya pinapabayaan ng management

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa kanyang pag-guest kay Ogie Diaz ay nagbigay si Fyang Smith ng pasilip o tila pag-amin tungkol sa matitinding pagsubok na dinadala niya noon dahil sa kanyang mga kontrobersiya.

Fyang Smith, laging pinapatawag sa 12th floor: "Everyday po akong pinapagalitan"
Photos: Ogie Diaz on YouTube
Source: Youtube

Ibinunyag ni Fyang na salungat sa iniisip ng marami, hindi siya pinababayaan ng kanyang management. Sa katunayan, halos araw-araw siyang pinapatawag sa 12th floor ng opisina.

"Lagi po akong pinapagalitan ni Direk Lauren," panimulang banat ni Fyang. Aniya pa nga ng aktres, "Every time na may lalabas, ang laking issue na, sobra, parang pumatay ako ganun."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kalaunan ay inamin na nga ni Fyang na lagi rin siyang pinapatawag, "Sa buong issue ko na yun, everyday nasa 12th floor talaga ako, Tito Ogs, [ng] office." Agad namang tinanong ni Ogie kung ano ang nararamdaman ni Fyang tuwing siya ay pinapatawag. "Syempre kinakabahan ako," say ni Fyang, lalo na kapag ang isyu ay tungkol sa kanyang nakaraan na binabalikan pa ng iba.

Read also

Patay at bubog-sarado na katawan ng isang aktres-influencer, natagpuan sa loob ng maleta

Gayunpaman, nilinaw din ni Fyang ang reyalidad sa likod ng pagpapatawag. Hindi raw ito paggalit kundi pagsasabi at pag-co-correct ng kanyang mga maling nagawa. "Hindi naman po pagalit, pagsabihan para i-correct yung mga wrongdoings ko, Tito Ogs," paliwanag niya.

Sa ganitong paraan, sinasagot ni Fyang ang mga nagko-comment sa online na nag-aakala na walang ginagawa ang management sa mga isyu niya. Ani Fyang, may malalim na respeto siya kay Direk Lauren Dyogi, na tinuturing niya na raw na "family" at tumatayong "tatay" niya.

Panoorin ang video dito:

Fyang Smith, laging pinapatawag sa 12th floor: "Everyday po akong pinapagalitan"
Screenshot mula sa YouTube channel ni Ogie Diaz
Source: Youtube

Si Fyang Smith ay isang Filipino na content creator at aktres, na nakilala matapos siyang maging Big Winner sa Pinoy Big Brother: Gen 11 noong 2024. Bukod sa kanyang PBB title, inilunsad din ni Fyang ang kanyang unang EP na Forever Fyang noong 2025 na naglalaman ng mga kanta tulad ng Mishu (Nasaan Si Fyang?) at Tayo Hanggang Dulo, na agad namayagpag sa mga music charts.

Read also

Korina Sanchez-Roxas, may malupit na wish ngayong kaarawan niya

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay isa si Ogie Diaz sa mga nagbigay ng payo kay Fyang Smith. Ito ay matapos mag-viral ang ilan sa mga pahayag nito at maging nagagawa nito sa harap ng camera at maging ng live audience. Ilan sa mga ito ay ang naging pahayag niya na walang tatalo sa batch nila sa Pinoy Big Brother at mga hindi umano kaaya-ayang nagawa sa mga kapwa PBB housemate habang sila ay nasa entablado.

Samantalang noong March naman ay naging panauhin ni Ivana Alawi si Fyang Smith sa kanyang vlog. Doon nasabi nilang nais nilang magkasama sa isang proyekto. Nabanggit din nilang nais nilang maging kontrabida lalo na si Ivana. Kasalukuyang house guest si Ivana sa programang Pinoy Big Brother na siyang pinagmulan ni Fyang kung saan siya naging Big Winner ng sikat na Gen 11 Edition ng programa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco