Pokwang, muling binanatan ang mga kurakot: "Karamihan pa sa inyo mga maka-Diyos"

Pokwang, muling binanatan ang mga kurakot: "Karamihan pa sa inyo mga maka-Diyos"

  • Muling binanatan ni Pokwang ang mga kurakot sa social media
  • Sa Instagram, may ni-repost si Mamang Pokie na viral video ng isang pari
  • Aniya kasi ng pari sa clip, grabe raw ang sistema ng korapsyon sa bansa
  • Dahil dito ay talagang muling napa-comment si Pokwang sa isyu

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling umingay ang social media matapos mag-post ang komedyante at aktres na si Pokwang ng isang video sa Instagram. Ipinakita sa video ang isang pari na nagbibigay ng matatapang na pahayag tungkol sa malawakang korapsyon sa sistema at gobyerno ng Pilipinas.

Pokwang, muling binanatan ang mga kurakot: "Karamihan pa sa inyo mga maka-Diyos"
Pokwang, muling binanatan ang mga kurakot: "Karamihan pa sa inyo mga maka-Diyos" (@itspokwang27)
Source: Instagram

Sa video, maririnig ang paring nagsasabing, "The system in the Philippines is very corrupt. The government is súcking the blood of the poor just to make wealth." Bukod pa rito ay may note din na nakasulat sa video, "Diba kayo nahihiya niyan, pati pari sa ibang bansa, pinupuna kayo."

Hindi nagpigil si Pokwang sa kanyang damdamin at nag-iwan ng isang nag-aapoy na caption kasabay ng repost na ito. Direkta at walang takot niyang binatikos ang mga opisyal na sangkot umano sa korapsyon sa bansa. In all-caps ay sinabi ni Pokwang, "NAKAKAHIYA NA KAYO MGA KURAKOT!!!! TAPOS ANG KARAMIHAN PA SA INYO MGA MAKA-DIYOS KUNO, T*NG*NA!!!!"

Read also

Patay at bubog-sarado na katawan ng isang aktres-influencer, natagpuan sa loob ng maleta

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang paggamit niya ng matitinding salita at pagbanggit sa "maka-Diyos kuno" ay nagpapakita ng kanyang matinding pagkadismaya at galit sa tila pagpapaimbabaw ng ilang opisyal na nagpapakita ng kabanalan habang sangkot naman sa korapsyon at katiwalian sa bansa.

Mabilis na kumalat at nagdulot ng iba't ibang reaksyon ang post ni Pokwang. Marami sa kanyang mga tagasubaybay ang sumuporta at nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa gobyerno.

Hindi rin ito ang unang beses na ginamit ni Pokwang ang kanyang plataporma upang maging boses laban sa mga isyung panlipunan at pampulitika. Naging laman din siya ng balita noon nang banatan niya ang mga taong aniya'y "mas pinahirapan pa ang mahihirap" sa bansa.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Pokwang ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Bago pumasok sa showbiz, nagtrabaho siya bilang OFW sa Japan, at naging domestic helper sa Abu Dhabi — mga karanasang humubog sa kanyang matatag na personalidad. Nakilala siya nang sumali sa ABS-CBN reality talent show segment na Clown in a Million noong 2004 at itinanghal na grand champion, na naging tulay sa kanyang pagpasok sa mga sitcom. Sa kasalukuyan, si Pokwang ay isa ng talent ng Kapuso Network, matapos siyang lumipat noong June 2021 sa GMA-7.

Read also

Saab Magalona, naiyak sa ginawa ng kanyang ina noong February: "That's just how my mom is"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling nagpahayag ng matapang na sentimyento si Pokwang online. Kamakailan ay ni-repost ni Pokwang ang isang balita mula sa China. Ito ay tungkol sa agri minister na na-sentence to death dahil sa korapsyon. Bukod pa rito ay napaisip pa nga ang aktres tungkol sa araw ng eleksyon na tila dapat daw ata ay ilipat.

Samantalang ay talagang nainis si Pokwang sa kumalat na fake news tungkol sa kanya. Bukod kay Mamang ay nadamay din nga sina Pauleen Luna at pati ang asawa nito na si Vic Sotto. Agad naman itong nilinaw ni Pokwang sa kanyang opisyal na page sa Threads. Sey pa nga ni Mamang, makakarma rin daw ang mga nagpapakalat ng mga fake news.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco