Angel Aquino inamin na nagkakagusto rin siya sa mga babae

Angel Aquino inamin na nagkakagusto rin siya sa mga babae

  • Angel Aquino inamin sa “The Daily Dish” na nagkakagusto siya sa mga babae
  • Ang rebelasyon ng aktres ay umani ng halo-halong reaksyon mula sa netizens
  • Sa parehong panayam, ibinahagi rin niya ang laban sa de3pfake video at sakit na vitiligo
  • Angel kasalukuyang may proyekto sa ilalim ng direksyon ni Brillante Mendoza para sa MMFF 2025

Nagulat at natuwa ang maraming netizens nang umamin si Angel Aquino sa isang panayam na “I like girls.” Sa episode ng The Daily Dish ng Bilyonaryo News Channel, naging bukas ang aktres tungkol sa isang bahagi ng kanyang buhay na, ayon sa kanya, “a lot of people did not know” o kaya’y “in denial” pa raw tungkol dito.

Angel Aquino inamin na nagkakagusto rin siya sa mga babae
Angel Aquino inamin na nagkakagusto rin siya sa mga babae (📷@imangelaquino/IG)
Source: Instagram

Sa segment ng mabilisang tanungan, tinanong si Angel ng mga host kung ano ang isang bagay na hindi alam ng publiko tungkol sa kanya. Sagot ng aktres, “I don’t know, kasi parang open book naman ako.” Pagkatapos ay pabirong sinabi niya, “I like girls,” na agad nagdulot ng reaksiyon mula sa mga host. Isa sa kanila ang nagsabing baka hindi pa alam ng iba ang tungkol dito, at sinagot naman ni Angel, “Or are in denial,” sabay tawa at dagdag pa, “Sila talaga yung in denial.”

Read also

Joj Agpangan, engaged na sa kanyang foreign fiancé

Ayon kay Angel, ang kanyang sinabi ay hindi lamang tungkol sa paghanga, kundi sa posibilidad na ma-in love din siya sa babae. “I like girls,” aniya, “meaning I also fall in love with girls.”

Sa parehong panayam, binalikan din ni Angel ang kanyang mahabang karera sa industriya. Nagsimula siya bilang modelo bago siya napasok sa pag-arte at pagho-host. “Hindi ko talaga in-expect na magiging model ako, tapos ayun, naging actress pa,” kuwento ng aktres.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isa sa mga pinaka-tumatak na proyekto ni Angel ay ang pelikulang Glorious kasama si Tony Labrusca, kung saan gumanap sila bilang magkasintahang may malaking agwat sa edad. Ang pelikula ay nagpasimula ng mga diskusyon tungkol sa May-December love affair at tumatak bilang isa sa mga pinaka-memorable na love stories sa lokal na pelikula.

Sa The Daily Dish, ibinahagi rin ni Angel ang kanyang pinagdaanang laban matapos siyang maging biktima ng isang de3pfake adult video. Ayon sa aktres, ang kanyang mga anak ang nagtulak sa kanya na magsalita at ipaglaban ang kanyang karapatan, dahilan para humarap siya sa Senado. “It was my daughters who encouraged me to fight,” aniya.

Read also

Vice Ganda, nanawagan ng salary increase para sa mga teachers sa Pilipinas

Bukod dito, ibinahagi rin ni Angel ang kanyang karanasan sa pagkakaroon ng vitiligo, isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng puti o maputing batik sa balat. Nagsimula raw ito noong pandemya nang mapansin niyang may kakaibang marka sa kanyang kamay. “Nashock talaga ako kasi katawan ko at balat ko ‘yung puhunan ko bilang model,” sabi ni Angel.

Sa kasalukuyan, abala ang aktres sa kanyang bagong pelikula na dinidirek ni Brillante Mendoza, na layong makapasok sa Metro Manila Film Festival 2025. Hindi pa ibinubunyag ang detalye ng proyekto, ngunit inaasahan itong isa na namang matapang at makabuluhang pelikula na tatak-Angel Aquino.

Kilala si Angel bilang isa sa mga respetadong aktres ng bansa na kilala sa kanyang husay at sa tahimik na pamumuhay. Isa rin siyang mapagmahal na ina sa kanyang dalawang anak, kabilang na si Iana Bernardez na sumusunod sa kanyang yapak sa pag-arte. Sa kabila ng pagiging low-profile, patuloy pa rin siyang nagiging inspirasyon sa marami dahil sa kanyang katapangan at pagiging totoo sa sarili.

Read also

Geneva Cruz, nagbahagi ng emosyonal na mensahe sa engagement ng anak na si Heaven

Sa isang panayam, inamin ni Tony Labrusca na umabot ng mahigit sampung oras ang pag-shoot ng kanilang kissing scene ni Angel Aquino sa pelikulang Glorious. Ibinahagi ni Tony na kahit nakakapagod, naging komportable raw siya sa aktres dahil propesyonal ito sa trabaho. Ang eksenang iyon ang isa sa mga naging pinakausapan sa pelikula.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan din si Angel Aquino matapos siyang maging biktima ng de3pfake technology kung saan ginamit ang kanyang mukha sa isang malaswang video. Ipinaglaban ng aktres ang kanyang karapatan at nanindigan laban sa maling paggamit ng artificial intelligence. Sa isang panayam, sinabi niyang ang kanyang mga anak ang nagbigay sa kanya ng lakas para harapin ang isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate