Alex Gonzaga, sinorpresa ang longtime fan niya na PWD artist sa Baguio

Alex Gonzaga, sinorpresa ang longtime fan niya na PWD artist sa Baguio

  • Labis na naantig ang puso ng maraming netizens sa bagong vlog ni Alex Gonzaga
  • Sinorpresa kasi niya ang longtime fan niya na isang PWD Artist sa Baguio City
  • Aniya Alex, ang buong akala nito ay Team Alex lang ang makakasama niya
  • Ngunit laking gulat niya nang biglang dumating si Alex at pati ang mister nito

Isang malaking ngiti at kaligayahan ang hatid ni Alex Gonzaga sa kanyang latest vlog na pinamagatang 'Why We Went To Baguio,' kung saan binisita at sinorpresa niya ang isa sa kanyang matagal nang tagahanga — ang talentadong PWD artist na si Mark Agcaoili.

Alex Gonzaga, sinorpresa ang longtime fan niya na PWD artist sa Baguio
Photos: Alex Gonzaga Official on YouTube
Source: Youtube

Ang vlog ay nagsimula sa paglalahad ni Alex ng kanyang dahilan ng pagbiyahe niya sa Baguio City. Bukod sa nais niyang balikan ang mga paborito niyang pasyalan noong bata pa siya, ang pinakamalaking rason ay upang sorpresahin ang isang fan na matagal nang nagpapadala ng suporta sa kanya sa mga napakagandang drawing nito na kanyang madalas ipakita online.

Read also

Donnalyn Bartolome, ibinunyag ang "plan" ni JM de Guzman: "Now that’s a MAN"

Unang pagbati pa lang niya ay punung-puno na ng excitement si Alex: "Ang gagawin natin ngayon sa Baguio, pupuntahan natin lahat ng mga pinuntahan namin nung bata kami. AND meron din akong sosorpresahin." Ibinahagi ni Alex na nakita niya ang post ni Mark sa Facebook, kung saan nag-share ito ng kanyang obra — isang portrait nina Alex at ng kanyang mister.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ito ay matapos siyang ma-tag ng mga netizens sa post ni Mark tungkol sa pagiging fan niya. Isang nakakakilig na pahayag tuloy ang binitawan ni Alex patungkol sa fan: "At yun talaga yung reason bakit tayo nandito sa Baguio. Kung wala siya sa Baguio, wala tayo dito," aniya Alex.

Ayon sa nakapanayam na kasama ni Mark, si Mark Agcaoili ay nagmula sa Isabela at nagsimula siyang mag-drawing noong bata pa siya. Dati siyang normal, ngunit noong siya ay 11 taong gulang, nagkaroon siya ng sakit na meningitis na nagdulot ng kanyang kalagayan bilang PWD.

Read also

Sen. Ping Lacson, magbibitiw na raw bilang chair ng Senate Blue Ribbon Committee

Sa halip na ma-bored sa bahay, ginamit niya ang kanyang paa at talento upang gumawa ng mga portrait ng iba't ibang mga artista, vlogger, at iba pang sikat na personalidad sa industriya.

Ang sorpresang pagbisita ay ginawa sa isang exhibit sa Baguio. Sa simula, ang alam lang ni Mark ay kukunin ng Team Alex ang kanyang panayam para sa vlog. Ngunit nang pumasok si Alex, tila hindi makapaniwala si Mark sa kanyang nakita. Nakita sa video ang sobrang init at taos-pusong yakap ni Alex kay Mark.

Panoorin ang vlog sa ibaba:

Si Alex Gonzaga, na ipinanganak bilang Catherine Mae Cruz Gonzaga, ay isang sikat na Filipina actress, TV host, vlogger, at singer. Bukod sa kanyang trabaho sa showbiz, isa rin si Alex sa mga top YouTubers sa Pilipinas. Kadalasang tampok sa mga video niya ang kanyang pamilya, kabilang na ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga at ang kanyang asawa na si Mikee Morada.

Read also

Tuesday Vargas sa kwentong nang-irap, nagtaray siya sa HK: "Bakit po may mga ganitong tao sa mundo?"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling nagpatawa at nagpakilig si Alex Gonzaga sa social media. Sa Instagram, nag-post si Alex ng isang 'skit' na talagang relatable. Aniya Alex, ito raw ang "power couple" kasi sa buhay-high school noon. Ngunit may pa-fun fact naman si Alex sa kanyang mister sa viral post niya na ito.

Samantalang ay labis na inaliw ni Alex Gonzaga ang mga netizens. Nakumbinsi kasi nito ang kanyang buong pamilya na kumasa sa viral na 'Barbie' trend. Sapul sa video ang pagiging wacky ng mga "haligi ng tahanan" na kinaaliwan ng marami. Aniya tuloy ng ilan, pano raw kaya nakumbinsi ni Alex ang kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco