Shuvee Etrata sa dinanas na bashing: "Parang pinagtutulungan ako ng lahat"
- Shuvee Etrata naging sentro ng usapan matapos maglabasan ang ilang lumang post niya
- Isa sa mga lumang komento ay patungkol kay ABS-CBN superstar Vice Ganda na nagdulot ng espekulasyon
- Aminado siyang naapektuhan sa mga negatibong komento at inaming umiiyak siya sa gabi dahil dito
- Iginiit ni Shuvee na natuto na siya mula sa nakaraan at mas piniling maging mas mabuting tao
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kapuso rising star Shuvee Etrata muling naging usap-usapan matapos lumabas online ang ilang lumang post niya. Sa kabila ng kanyang magandang simula sa showbiz, lalo na pagkatapos ng stint niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang celebrity housemate, biglang nag-iba ang ihip ng hangin nang sumiklab ang isyu kaugnay ng kanyang mga dating pahayag.

Source: Instagram
Isa sa mga lumang komento na muling lumutang ay tungkol kay ABS-CBN superstar Vice Ganda. Ayon sa mga netizens, ang naturang pahayag ay hindi maganda at nagdulot ng iba’t ibang haka-haka tungkol sa tunay na saloobin ni Shuvee noon.
Read also
Sa isang panayam, nilinaw ng aktres ang kanyang panig. Aniya, nagpadala na siya ng mensahe para linawin ang lumalabas na maling balita. “I sent a message regarding yung mga fake [news], yung mga lumalabas sa [social media]. Kasi gusto ko lang din iclarify yung side ko na, ‘Meme, I was always honest about my feelings to you, I never lied. I’ll wait, I’m here to wait naman,’” paliwanag niya.
Hindi rin itinanggi ni Shuvee na matindi ang epekto sa kanya ng mga negatibong komento na natanggap niya matapos muling mabuhay ang isyu. Inamin niyang may mga gabi na napapaluha siya dahil sa bigat ng mga pangyayari. “Parang pinagtutulungan ako ng lahat. Parang nagtataka ako kung ano ba maling ginawa ko–– may tinapakan ba akong tao? May ninakaw ba ako? May ginawa ba talaga akong kamuhimuhi?” emosyonal niyang pagbabahagi.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bagaman ramdam niya ang sakit ng bashing, bukas naman siya sa mga constructive criticism. Sa kabila ng lahat, tiniyak ng aktres na natuto na siya mula sa kanyang nakaraan at nagsusumikap maging mas mabuting tao.
Read also
Dagdag pa ni Shuvee, mariin niyang sinusuportahan ang ABS-CBN at nanindigan siyang lagi siyang laban sa nangyaring shutdown ng network. Tungkol naman kay Vice Ganda, ipinaliwanag niya na ang naging reaksyon niya noon ay dala lamang ng ideya na pareho silang babae at walang mas malalim pang dahilan.
Sa kabila ng isyu, bukas pa rin si Shuvee sa posibilidad na makabalik sa It’s Showtime kapag pumayag ang kanyang schedule. Ayon sa kanya, mahalaga ang tuloy-tuloy na pagharap sa mga hamon at pagpapakita na mas pinili niyang magbago at tumibay sa kabila ng mga negatibong pangyayari.
Si Shuvee Etrata ay isang Kapuso actress na unang nakilala sa kanyang pagiging celebrity housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Kilala siya sa kanyang masayahin at palakaibigang personalidad na naging dahilan kung bakit mabilis siyang minahal ng publiko. Simula noon, sunod-sunod ang mga proyektong ipinagkatiwala sa kanya at unti-unti niyang binubuo ang pangalan niya sa industriya.
Read also
Una, sa isang ulat ng Kami.com.ph, binunyag ni Ogie Diaz ang totoong dahilan ng pagkawala ni Shuvee Etrata sa It’s Showtime. Ayon kay Ogie, hindi ito dahil sa personal na isyu kundi may kinalaman sa kanyang schedule at mga bagong commitments. Nilinaw din na wala itong kinalaman sa umano’y isyu sa pagitan niya at ni Vice Ganda.
Ikalawa, nagbigay din ng paglilinaw si Shuvee kaugnay sa mga isyu tungkol kay Vice Ganda. Ayon sa kanya, walang personal na galit o masamang intensyon sa kanyang lumang pahayag at gusto niya mismo na makausap si Vice upang linawin ang lahat. Pinatunayan nito na bukas siya sa komunikasyon at nais niyang matapos ang isyu nang maayos.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh