Pokwang, napaisip sa araw ng eleksyon: "Mas maganda ilipat sa tag-ulan"
- Si Pokwang ay muling nagpahayag ng matapang na sentimyento online
- Kamakailan ay ni-repost ni Pokwang ang isang balita mula sa China
- Ito ay tungkol sa agri minister na na-sentence to death dahil sa korapsyon
- Bukod pa rito ay napaisip pa nga ang aktres tungkol sa araw ng eleksyon
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Kilalang matapang at walang takot sa pagsasalita, ay muling nagpahayag ng matinding sentimyento ang komedyante at aktres na si Pokwang sa Instagram tungkol sa mga isyu ng korapsiyon at pamumuno sa Pilipinas. Nag-viral at umani ng reaksiyon ang dalawang magkasunod na post niya na parehong tila "patama" sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Sa una niyang Instagram story, ibinahagi ni Pokwang ang isang balita mula sa Inquirer tungkol sa China na may headline na: "China sentences former agri minister to death on corruption charges."

Source: Instagram
Nakasaad sa ulat na ang dating agricultural minister ng China ay hinatulan ng kamatayan dahil sa kasong korapsiyon, bagama't mayroon itong two-year reprieve o dalawang taong pagpapaliban.
Read also
Dahil dito, hindi napigilan ni Pokwang ang magkomento, "Ang Pinas, kailan kaya? Hmp! Asa pa?"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Malinaw na ipinapahiwatig ng aktres ang kanyang pagkadismaya na tila matagal pa ata bago magkaroon ng parusa para sa mga tiwaling opisyal sa Pilipinas. Ang kanyang tanong ay tila boses ng marami na naghahangad ng mas seryosong aksyon laban sa korapsiyon sa bansa.
Hindi pa nakuntento rito si Pokwang, dahil naglabas pa siya ng isa pang Instagram story na mas lalong nagpainit sa usapan. Nag-post siya ng video ng isang binahang lugar sa Pilipinas, kasabay ng isang matapang na mungkahi na mayroong malalim na mensahe tungkol sa eleksyon.
Aniya dapat daw ata i-consider na ilipat ang araw ng eleksiyon sa mga buwan na madalas ang pag-ulan at pagbaha sa bansa, "Siguro mas maganda ilipat sa tag-ulan yung araw ng eleksyon para kapag bumaha, maalala niyo mga kawatan sa kaban ng bayan at wag iboto mga yan!"
Read also
Sa pamamagitan ng dalawang posts na ito, muling ipinakita ni Pokwang na siya ay nananatiling isang tinig na nagpapakita ng kritisismo at pag-asa para sa mas tapat at epektibong pamamahala.

Source: Instagram
Si Pokwang ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Bago pumasok sa showbiz, nagtrabaho siya bilang OFW sa Japan, at naging domestic helper sa Abu Dhabi — mga karanasang humubog sa kanyang matatag na personalidad. Nakilala siya nang sumali sa ABS-CBN reality talent show segment na Clown in a Million noong 2004 at itinanghal na grand champion, na naging tulay sa kanyang pagpasok sa mga sitcom. Sa kasalukuyan, si Pokwang ay isa ng talent ng Kapuso Network, matapos siyang lumipat noong June 2021 sa GMA-7.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling nagbigay ng matapang na mensahe sa social media si Pokwang ukol sa gobyerno. Noong Wednesday, September 17, nag-post si Pokwang sa Instagram page niya. Tungkol ito sa mga taong "mas pinahirapan ang mahihirap" sa Pilipinas. Aniya nga ng Kapuso star, nakakagalit daw talaga ang mga taong ito.
Read also
Samantalang ay talagang nainis si Pokwang sa kumalat na fake news tungkol sa kanya. Bukod kay Mamang ay nadamay din nga sina Pauleen Luna at pati ang asawa nito na si Vic Sotto. Agad naman itong nilinaw ni Pokwang sa kanyang opisyal na page sa Threads. Sey pa nga ni Mamang, makakarma rin daw ang mga nagpapakalat ng mga fake news.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh