Ogie Diaz, binuking ang umano'y dahilan ng pagkawala ni Shuvee Etrata sa 'It's Showtime'
- Ogie Diaz, ibinunyag na nagpapahinga muna si Shuvee Etrata kaya hindi nakikita sa 'It’s Showtime'
- Hindi malinaw kung sino ang nagdesisyon sa kanyang pahinga—siya ba, ang programa, o GMA
- Ang mga netizens, muling binuhay ang lumang posts ni Shuvee tungkol sa suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
- Samantala, si GMA exec Annette Gozon-Valdes naman ay ipinagtanggol si Shuvee at sinabing hindi siya “die hard” sa kahit sinong politiko
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Facebook
Inispluk ni Ogie Diaz ang dahilan kung bakit hindi napapanood si Kapuso Sparkle artist Shuvee Etrata sa It’s Showtime.
Sa episode ng Showbiz Updates noong Sabado, Setyembre 27, sinabi niyang nagpapahinga raw muna ang aktres.
Ayon kay Ogie, ang nakarating sa kanya ay pahinga raw si Shuvee.
Hindi lang malinaw kung siya mismo ang nagpasya, kung ang It’s Showtime ang nag-utos, o mismong GMA.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kamakailan, muling pinag-usapan online ang dating posts at videos ni Shuvee kung saan makikita ang suporta niya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Bagama’t humingi na siya ng sorry sa mga taong nasaktan at nadismaya, patuloy pa rin siyang nakakatanggap ng batikos.
Dahil dito, dumipensa si GMA Network Senior Vice President Annette Gozon-Valdes sa isang Facebook post noong Biyernes, Setyembre 26. Ayon sa kanya, hindi “die hard” si Shuvee sa sinumang politiko.
May ilang posts lang siya noon na may halong political color, at mga personal na obserbasyon lang ito tungkol sa mabuti at hindi magandang gawa ng gobyerno.
Naging usapin tuloy kung pansamantalang pahinga lang ba talaga ang sitwasyon ni Shuvee o may mas malalim na dahilan sa likod ng kanyang pagkawala sa noontime show.
Basahin ang artikulo na nilathala ng BALITA dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Si Ogie Diaz ay isang aktor, komedyante, entertainment reporter, at talent manager. Nakilala siya bilang “Pekto” sa sikat na sitcom sa TV na “Palibhasa Lalaki.” Siya rin ang content creator sa likod ng YouTube channel na “Ogie Diaz Showbiz Update,” na isa sa mga inaabangan linggu-linggo bilang mapagkukunan ng maiinit na balitang showbiz. Kilala rin siya bilang isa sa mga pinaka-prangka na personalidad dahil hindi siya nag-aatubiling magsabi ng opinyon, maging tungkol sa showbiz o sa politika.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan online si Ogie Diaz tungkol kina Julia Barretto at Gerald Anderson. Nagtaka siya kung muling nagbalikan ang dating magkasintahan matapos umanong magkasama sa burol ni Mito Barretto. Ayon sa kanya, kung totoo, patunay ito na may pagmamahalan pa rin; kung hindi naman, nanatili silang magkaibigan. Sa ngayon, wala pang tugon sina Julia at Gerald sa naturang tsismis.
Bukod dito, ipinagtanggol ni Ogie Diaz sina Kathryn Bernardo, Piolo Pascual, at Alden Richards sa hindi pagdalo sa rally kontra korapsyon noong Setyembre 21. Iginiit ni Ogie na boluntaryo at hindi sapilitan ang pagdalo sa mga rally para sa mga artista. Ipinaliwanag niya na maraming celebrities ang may mga kontrata sa endorsements na nagbabawal sa kanila na sumali sa mga gawaing pampulitika. Tiniyak din ni Diaz na laban sa korapsyon ang mga artistang ito, kahit hindi nila ito maipakita nang hayagan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh