Kakai Bautista, nakaramdam ng inggit matapos magbakasyon sa Vietnam: "Grabe"

Kakai Bautista, nakaramdam ng inggit matapos magbakasyon sa Vietnam: "Grabe"

  • Si Kakai Bautista ay hindi napigilang maglabas ng saloobin sa social media
  • Kamakailan ay bumiyahe si Kakai papuntang Vietnam kasama si Telay Robles
  • Ngunit may na-realize na 'harsh truth' ang aktres habang sila ay nasa Vietnam
  • Aniya Kakai, nakakainggit daw talaga makita ang Vietnam at ang progress nito

Si Kakai Bautista, isang Filipina actress-comedian, ay hindi napigilang maglabas ng saloobin matapos ang kanyang pinakahuling biyahe sa Vietnam. Sa Instagram, ibinahagi ni Kakai ang mga napansin niya sa naturang bansa na nagdulot ng malaking "inggit" sa kanya bilang Pilipino.

"Borrowing 12 mins of your time cause it's a major realtalk. Travel hits differently now. Kung noon inggit ako sa ibang bansa, MAS INGGIT AKO NGAYON," panimula ni Kakai, kasabay ng kanyang pag-amin na mas malinaw ngayon ang kanyang mga obserbasyon tuwing siya ay naglalakbay.

Kakai Bautista, nakaramdam ng inggit matapos magbakasyon sa Vietnam: "Grabe"
Kakai Bautista, nakaramdam ng inggit matapos magbakasyon sa Vietnam: "Grabe" (@ilovekaye)
Source: Instagram

Ayon kay Kakai, isa sa mga bagay na tumatak sa kanya ay kung paano ginagamit ng Vietnam ang mga buwis ng kanilang mamamayan. "Nakita ko kasi kung saan napupunta yung tax na binabayad nila. ANG SARAP MAG-MOTOR kasi ang GANDA NG DAAN," dagdag pa niya.

Read also

Nilinaw pa ng aktres na nagsasalita siya hindi bilang isang artista, kundi bilang ordinaryong Pilipino at taxpayer. "Speaking not as a celebrity but as a frequent TRAVELLER and a thinking, taxpaying Filipino Citizen," giit niya, na lalong nagpatibay sa kanyang punto sa naturang post.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng kanyang pagkadismaya bilang isang Filipino citizen, hindi rin maitago ni Kakai ang kasiyahan sa kanyang bakasyon sa Vietnam. "VIETNAM was AMAZING. GRABE, di ko ine-expect that I would enjoy this much. I missed this kind of trip. I think they really got that CHILL vibes. Even when the streets were very busy, ramdam mo from the locals yung SIMPLE life energy. Polite and very accommodating," masiglang pagbabahagi ng aktres sa kanyang mga fans.

Sa pagtatapos ng post, nag-iwan si Kakai ng isang simpleng paalala para sa kapwa Pilipino na bumibisita rin sa Vietnam: "Sana kapag pumunta tayong mga Pilipino dun, wag tayong magkalat."

Read also

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Kakai Bautista na lagi niyang dinadaan sa biro ang mga tanong kung kailan siya magpapakasal at magkakaanak. Sinabi niyang palagi niyang sinasagot ng "ikaw nakaisip, ikaw gumawa" ang mga nangungulit tungkol sa buhay pag-ibig niya na kinaaliwan naman ng iba.

Samantalang nagbigay si Kakai Bautista ng payo sa mga breadwinner na unahin ang sarili bago tumulong sa pamilya. Ipinaliwanag niya na mahirap maging breadwinner at mahalaga ang pag-aalaga sa kaligayahan ng sarili. Ibinahagi niya na mas masarap magbigay kapag masaya ka at may limitasyon sa pagbibigay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco