Ogie Alcasid, pinabulaanan ang kumakalat na balitang may lung cancer siya

Ogie Alcasid, pinabulaanan ang kumakalat na balitang may lung cancer siya

  • Kumalat sa social media ang mga litrato ni Ogie Alcasid na nakaratay umano sa ospital at sinasabing nagpapagamot siya ng lung cancer, dahilan para mabahala ang kanyang mga tagahanga at followers online
  • Agad itong pinabulaanan ng singer-songwriter sa kanyang Instagram at diretsahang tinawag na “Isa na namang malaking fake news ito!!!” sabay pagbabahagi ng kumakalat na post na nagdadawit sa kanyang pangalan
  • Hindi ito ang unang pagkakataon na nabiktima siya ng maling impormasyon dahil noong Abril ay kumalat din ang balitang mayroon siyang osteoarthritis at gumaling daw gamit ang isang cream na diumano’y kanyang iniendorso
  • Muling nagbigay-babala si Ogie sa publiko na huwag magpaloko sa mga pekeng balita at produkto online, sabay giit na “Hindi ko po iniindorso ito at wag po kayo magpaloko” upang maprotektahan ang kanyang pangalan at kredibilidad

Kumakalat ngayon sa social media ang mga litrato ng Ultimate Singer-Songwriter na si Ogie Alcasid na nagpapakita umano na siya ay nasa ospital at nagpapagamot dahil sa lung cancer. Agad itong ikinabahala ng ilang fans, ngunit mabilis ring nilinaw ng singer-songwriter ang katotohanan sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Read also

Anne Curtis, nanlumo sa sinabi ni Brice Hernandez sa SBRC hearing: "BAKIT PO?!"

Ogie Alcasid, pinabulaanan ang kumakalat na balitang may lung cancer siya
Ogie Alcasid, pinabulaanan ang kumakalat na balitang may lung cancer siya (📷Ogie Alcasid/Facebook)
Source: Instagram

Sa kanyang IG post, diretsong pahayag ang iniwan ni Ogie: “Isa na namang malaking fake news ito!!!” sabay repost ng isa sa mga kumalat na Facebook posts.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagamit ang pangalan at larawan ni Ogie para sa maling impormasyon. Noong Abril 2024, ipinakalat din ng ilang content creators ang pekeng balita na may osteoarthritis siya at gumaling dahil sa isang cream na di-umano’y kanyang ipinahid.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ginamit din noon ang parehong mga litrato na nasa ospital si Ogie, na sinamahan pa ng larawan ng isang doktor at packaging ng naturang produkto. Idinagdag pa sa mga pekeng balita na muling nakabalik sa outdoor activities ang singer matapos gumamit ng naturang cream.

Mariing pinabulaanan ito ni Ogie at nagbigay-babala sa kanyang mga followers: “Hindi ko po iniindorso ito at wag po kayo magpaloko.”

Bukod dito, nabiktima na rin siya ng ilang “death hoax” na ikinalat ng mga taong walang magawa kundi magpa-trending ng maling impormasyon online.

Read also

Shuvee Etrata, nagsalita na tungkol sa lumang post niya bilang DDS

Si Herminio José Lualhati Alcasid Jr., o mas kilala bilang Ogie Alcasid, ay isa sa pinakapopular na singer-songwriters sa bansa. Kilala siya hindi lamang sa kanyang mga hugot at kantang timeless kundi maging bilang TV host at komedyante. Siya rin ang mister ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Sa kabila ng mga fake news na paulit-ulit na kumakalat tungkol sa kanyang kalusugan, nananatili siyang aktibo sa industriya at patuloy na nakikipag-ugnayan sa kanyang mga fans sa social media.

Kamakailan, naging usap-usapan din si Ogie nang matanong tungkol sa intriga sa relasyon nina Ryan Bang at Paola Huyong. Sa ulat ng Kami.com.ph, ipinaliwanag ni Ogie na wala siyang personal na alam sa isyu ngunit ramdam niyang naapektuhan ang kapwa host. Marami namang netizens ang natuwa sa pagiging maingat at respetado ng sagot ni Ogie.

Bukod dito, naging emosyonal din ang mag-asawang Ogie at Regine Velasquez nang dumalo sila sa kasal ng kaibigang si Leila. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, ibinahagi ni Regine na halos hindi siya makapaniwala sa pagmamahalan at emosyon ng bagong kasal kaya’t napaiyak siya habang kinukwento ito kay Ogie. Pinatunayan lamang nito kung gaano kalapit ang mag-asawa sa kanilang mga kaibigan at kung paanong tumatatak ang kanilang presensya sa mahahalagang okasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: