Donny Pangilinan, nagbigay ng P300k para sa mga kariton vendors na sumali sa 'Showtime'

Donny Pangilinan, nagbigay ng P300k para sa mga kariton vendors na sumali sa 'Showtime'

  • Si Donny Pangilinan ay umani ng papuri mula sa netizens dahil sa rebelasyon ni Vice Ganda
  • Sa Showtime, ibinahagi ni Vice na marami ang naantig sa kwento ng mga kariton vendors
  • Isa na raw rito ang Kapamilya actor na agad siyang tinawagan dahil sa naturang episode
  • Aniya Vice, sa labis na pagkaantig ng puso ni Donny, nagbigay ito ng Php 300,000

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Donny Pangilinan, isang Kapamilya actor, ay umani ng papuri mula sa netizens matapos ibunyag ni Vice Ganda ang kanyang kabutihang-loob sa It's Showtime. Viral ang naging rebelasyon ng Unkabogable Star tungkol sa aksyon ni Donny matapos mapanood ang kwento ng mga kariton vendors na lumahok sa segment na Laro Laro Pick sa kanilang programa.

Donny Pangilinan, nagbigay ng P300k para sa mga kariton vendors na sumali sa 'Showtime'
Photos: @donny, @abscbn on Instagram
Source: Instagram

Ayon kay Vice, maraming manonood ang labis na naantig sa kwento ng mga vendors, at kabilang dito ang aktor, "Ang daming nakapanood ng kwento ng ating mga manlalaro kahapon at ang daming naantig ang mga kalooban, diba? Isa diyan ang kaibigan nating si Donny Pangilinan."

Read also

Anne Curtis, nanlumo sa sinabi ni Brice Hernandez sa SBRC hearing: "BAKIT PO?!"

Ibinunyag pa ng komedyante na personal siyang tinawagan ni Donny matapos ang episode.

"Tumawag talaga siya sa akin kahapon, sabi niya, 'Vicey, nadurog ako.' Nasa taping siya kahapon ng bago niyang teleserye, sa malayo, tas sabi niya, 'Nadurog ako, hindi ko kinaya yung episode kahapon.' Tapos sabi niya, 'May chance pa ba na makita mo sila ulit?' so sabi ko, 'Bakit? Pwede ko naman sila ipatawag' hanggang sa sinabi niya na, 'Hindi kaya ng kalooban ko so gusto kong magregalo,'" pag-alala ni Vice, bagay na talagang nagpaantig sa puso ng mga netizens online.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi nagtagal, inihayag ni Vice na nagpadala si Donny ng P300,000 upang ipamahagi sa mga kalahok. "Si Donny Pangilinan ay nagpadala sa akin ng P300,000 para bigyan ng tag-P15,000 kada player kahapon na kariton vendor," aniya na labis na pinuri ng maraming netizens sa comments.

Dahil dito, marami ang humanga sa kabaitan at pagiging mapagbigay ng aktor. Sa comments, bumuhos ang papuri mula sa mga netizens. "Amazing use of celebrity money. Dapat talaga hindi lang puro 'influence.' God bless you @donny!" ani ng isang netizen, samantalang marami rin ang nagpasalamat dahil ginamit ni Donny ang kanyang kinita upang magbigay ng tulong sa mga tao.

Read also

Alexa Miro, pinangalanan ang aktres na umano'y 3rd party sa breakup nila ng ex

Sa kabila ng kanyang abalang schedule at taping para sa bagong teleserye, pinatunayan ni Donny na hindi lang siya basta artista kundi isa ring inspirasyon, na handang makiramay at mag-abot ng tulong sa mga taong nangangailangan. Ang kanyang kabutihang-loob ay nagsilbing paalala na sa gitna ng kasikatan, pinakamahalaga pa rin ang malasakit at pagmamahal sa kapwa.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Donny Pangilinan ay isang kilalang Filipino actor, model, host, at video jockey. Anak siya nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan, na kapatid ni Senator Francis Pangilinan. Pumasok siya sa showbiz noong 2016 bilang VJ ng MYX at ngayon ay bahagi na ng ABS-CBN. Simula 2018, umusbong ang kanyang career sa pelikula at telebisyon. Nakilala siya sa 'DonBelle' na love team kasama si Belle Mariano, na kapwa bida niya sa hit series na He's Into Her at sa primetime serye Can't Buy Me Love, na naging malaking breakthrough para sa career ng dalawang artista.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan si Donny Pangilinan sa social media kamakailan lang. Binisita kasi ni Donny ang kanyang dating paaralan bago sila lumipat sa Laguna. Aniya pa niya, "This school is very close to my heart because I basically grew up here." Ngunit, ang viral moment sa vlog ay ang sorpresang inihanda niya para sa school.

Read also

Daniel Padilla, nagsalita laban sa katiwalian sa gitna ng “Trillion Peso March” sa Pilipinas

Samantalang noong June ay sumulat si Donny Pangilinan ng isang nakakaantig na pagbati para kay Belle Mariano. Sinelebrate kasi ni Belle ang kanyang ika-23 kaarawan noong June 10. Dinaan ni Donny sa kanyang Instagram Stories ang birthday wish niya para sa kanyang on-screen partner. Kalaunan, nagbigay rin ng sagot ang birthday celebrant sa kanyang page.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco