Heart Evangelista, sasampahan ng kaso ang mga naninira sa kanya online
- Ibinunyag ni Heart Evangelista na nakikipag-ugnayan na siya sa abogado para magsampa ng cyber libel laban sa bashers at ilang organisasyon
- Ayon sa aktres, tinatangkang sirain ang kanyang pangalan lalo na sa mga endorsement na kanyang hawak
- Inamin din ni Heart na balak sana niyang sumama sa Trillion Peso March ngunit umatras matapos makatanggap ng pagbabanta
- Hindi muna siya dadalo sa Paris at Milan Fashion Week at iginiit na sariling kita mula sa brand deals ang kanyang ginagamit
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Diretsahang sinabi ni Heart Evangelista na oras na para lumaban sa mga taong patuloy na sumisira sa kanyang pangalan.

Source: Instagram
Sa kanyang Instagram live, inihayag ng aktres at fashion icon na nakikipag-usap na siya sa kanyang abogado para magsampa ng kasong cyber libel. Hindi lang raw mga bashers ang tinutukoy ni Heart kundi pati na rin ang ilang organisasyon na umano’y sinasadyang sirain ang kanyang reputasyon, lalo na pagdating sa mga endorsement na hawak niya.
Ayon kay Heart, sobra na ang epekto ng mga paninira sa kanyang personal na buhay at trabaho. Marami sa mga kritiko ay pilit ding idinadawit ang kanyang mga kinikita sa asawa niyang si Senador Chiz Escudero. Gayunpaman, iginiit ni Heart na matagal na siyang nagtatrabaho sa industriya at sariling pinaghirapan ang kanyang yaman.
Bukod sa usapin ng cyber libel, ibinahagi rin ni Heart na balak sana niyang sumama sa Trillion Peso March. Subalit umatras siya matapos makatanggap ng pagbabanta. Aniya, may nagsabi raw na huhubaran siya sakaling makita siya sa rally. Dahil dito, minabuti niyang huwag nang ituloy ang pagdalo para sa kanyang kaligtasan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Gayunpaman, agad na nagpakita ng suporta ang kanyang mga followers na nagpahayag ng kahandaan nilang protektahan ang aktres. Marami ring sumang-ayon sa kanyang plano na magsampa ng kaso laban sa mga naninira sa kanya.
Sa gitna ng mga kontrobersiya, inanunsyo rin ni Heart na hindi muna siya dadalo sa Paris at Milan Fashion Week ngayong taon. Bagamat malaking bagay ito sa kanyang career bilang fashion influencer, mas pinili niyang manatili at unahin ang mga isyung kinahaharap sa bansa.
Ipinaliwanag pa niya na ang lahat ng brands na kanyang isinususuot ay may bayad at bahagi ng kanyang trabaho. Nilinaw niyang hindi conjugal ang kanilang finances at walang kinalaman si Chiz sa kanyang kita bilang endorser at influencer.
“Bayad ako ng mga brands na ito. Trabaho ko ito, hindi ito galing sa pera ng asawa ko,” diin ni Heart.
Si Heart Evangelista ay nasa showbiz mula pa noong late 1990s at kilala bilang aktres, host, at ngayon ay isa sa pinakamatunog na fashion influencers sa Asia. Mayroon siyang collaborations sa malalaking luxury brands at palaging inaabangan sa international fashion weeks. Sa kabila ng kanyang privileged background, lagi niyang binibigyang-diin na sariling kayod at pagsisikap ang dahilan ng kanyang tinatamasang estado ngayon.
Kamakailan, nagsalita si Heart tungkol sa mga puna sa kanya matapos hindi dumalo sa isang political rally. Paliwanag niya, hindi ibig sabihin ng kanyang kawalan sa rally ay wala siyang malasakit sa bayan. Aniya, may mga personal na dahilan siya para hindi makasama, at hindi dapat ito gawing basehan ng mga tao para husgahan siya.
Sa isang candid na Instagram live, muling ipinaliwanag ni Heart ang tungkol sa prenup agreement nila ng kanyang asawa. Aniya, si yumaong Sen. Miriam Defensor-Santiago mismo ang nagpilit na magkaroon sila ng separation of assets bago ikasal. Ayon kay Heart, malinaw na kanya ang kanyang kinikita at kanya rin ang kay Chiz, kaya’t walang basehan ang paratang na ginagamit niya ang pera ng senador.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh