Claudine Barretto, binalikan ang hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang Kuya Mito

Claudine Barretto, binalikan ang hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang Kuya Mito

  • Si Claudine Barretto ay nagbalik-tanaw sa kanyang pinakabagong post
  • Dito ay inalala ng aktres ang naging tampuhan nila ni Mito Barretto
  • Aniya, kahit 'alpha male' daw ang kuya niya, ito ay nag-sorry pa rin
  • Sa post, inihayag ni Claudine ang pagka-miss niya sa kanyang kuya

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Claudine Barretto, isang Filipina actress, ay muling nagbalik-tanaw sa nakalipas na alitan nila ng kanyang yumaong kuya na si Mito Barretto. Sa isang reel na kanyang ibinahagi sa opisyal niyang Instagram page, ipinakita ni Claudine ang ilang larawan kasama ang kanyang kuya, kalakip ang caption tungkol sa kanilang huling tampuhan bago ito pumanaw ngayong taon.

Claudine Barretto, binalikan ang hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang Kuya Mito
Claudine Barretto, binalikan ang hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang Kuya Mito (@claubarretto)
Source: Instagram

"Early this June, my brother and I had a fight. He said painful words that hurt me and I retaliated with hurting words and a demand letter. You can judge me later. A day before filing, my nephew Mark intervened," panimula ni Claudine sa kanyang now-viral post sa naturang photo app.

Read also

Claudine Barretto, hindi makapaniwalang wala na ang kanilang Kuya Mito: "I can't"

Ayon sa aktres, bagama't kilala ang kanyang kuya na isang "alpha male" na may matatag at malakas na personalidad, hindi nito ipinagkait ang pagpapakumbaba para lamang magkaayos silang magkapatid. "For an alpha male with such a strong personality, he got on the line and said, 'Dine, I'm so so very sorry.' The Devil is trying to destroy us. All my life, if there was that one person who's approval I so wanted, it was his," pagbabahagi ni Claudine sa kanyang post.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa pagpapatuloy ng kanyang post, inalala rin niya ang emosyonal na sandali nang sila maiyak. "We both cried while Mark, Mito, and I were praying for healing. That wasn't the last. For the next 3 weeks, he would text me, 'Dine, I'm so sorry again and I'm proud of you,'" dagdag pa ng aktres.

Ngayon na pumanaw na ang kanyang kuya, mas lalo umanong naging makabuluhan para kay Claudine ang kanilang huling pag-uusap. Sa dulo ng post, iniwan niya ang isang nakakadurog na mensahe para kay Mito. "It was a privilege to have had you as my kuya. Forgive me again and I love you so much," aniya na malinaw na nagpapakita ng kanyang matinding pangungulila.

Read also

Katrina Halili at Kris Lawrence, nagdiwang ng 13th birthday ng anak na si Katie

Si Claudine Barretto ay isang kilalang Filipina actress. Nagsimula ang career niya sa murang edad at kalaunan ay naging prominenteng personalidad sa telebisyon sa Pilipinas, kung saan gumanap siya sa mga sikat na sitcom tulad ng Home Along Da Riles at Palibhasa Lalake. Nakilala siya nang husto bilang lead actress sa mga malalaking soap opera gaya ng Saan Ka Man Naroroon — kung saan gumanap siya bilang triplets — at Marina. Bukod sa pag-arte, pumasok din siya sa negosyo at nakibahagi sa mga gawaing pangkawanggawa. Sa kanyang personal na buhay, minsan siyang ikinasal kay Raymart Santiago ngunit nagkahiwalay din sila at na-annul ang kanilang kasal.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbigay ng taos-pusing mensahe si Claudine Barretto. Para ito sa mga anak ng yumaong direktor na si Wenn Deramas. Aniya Claudine, kina Gabby at Raffi lamang ang iniwan ng direktor. Para sa inyo at sa inyo lamang at para sa future niyo yan," aniya Claudine. Say pa nga ng aktres, hindi na raw kailangan ng anumang 'DNA test.'

Read also

Vicki Belo, ipinasilip ang bonggang 'Crystal Villa' na binook ni Hayden Kho para sa anniversary nila

Samantalang ay nagdulot naman ng pag-aalala sa kanyang mga tagahanga si Claudine Barretto. Kamakailan ay naospital kasi ang aktres. Sa kanyang post, nakiusap siya sa publiko na huwag basta-bastang humusga online. Hindi na nakapagtataka na umani ng pagmamahal at suporta mula sa marami niyang fans ang kanyang napaka-tapat na pahayag.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco