JM de Guzman, pinagtanggol si Donnalyn Bartolome laban sa isyung “sugar mommy”

JM de Guzman, pinagtanggol si Donnalyn Bartolome laban sa isyung “sugar mommy”

  • Isang luxury watch ang niregalo ni Donnalyn Bartolome kay JM de Guzman sa kaarawan nito, matapos lamang niyang bigyan ng coffee business bilang tanda ng kanyang pagmamahal at suporta sa aktor
  • Bagamat maraming netizens ang natuwa sa pagiging thoughtful at generous na girlfriend ni Donnalyn, may ilan namang nagbigay ng puna at nagsabing nagmumukha siyang “sugar mommy” dahil sa sunod-sunod na mamahaling regalo sa aktor
  • Pinagtanggol ni JM ang kanyang girlfriend at iginiit na likas na generous si Donnalyn, na kahit kaninong malapit sa puso niya ay kaya niyang regaluhan o bigyan ng suporta kahit hindi ito humihingi
  • Sa presscon ng pelikulang “Selda Tres,” inamin ni JM na si Donnalyn na ang huling babae sa kanyang buhay, ngunit nang tanungin kung kailan niya ito planong pakasalan ay natatawa niyang sinagot na “secret”

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sunod-sunod ang naging sorpresa ni Donnalyn Bartolome para sa boyfriend na si JM de Guzman. Matapos niya itong bigyan ng coffee business, isang mamahaling relo naman ang iniregalo niya para sa kaarawan ng aktor.

Read also

Ogie Diaz sa hiwalayan nina Julia at Gerald: "Noon ko pa nalaman 'yan"

JM de Guzman, pinagtanggol si Donnalyn Bartolome laban sa isyung “sugar mommy”
JM de Guzman, pinagtanggol si Donnalyn Bartolome laban sa isyung “sugar mommy” (📷@1migueldeguzman/IG)
Source: Instagram

Bagamat marami ang natuwa sa pagiging sweet at supportive ni Donnalyn, hindi rin naiwasang magkaroon ng ilang puna. May mga nagsasabing tila nagmumukha siyang “sugar mommy” ng aktor dahil sa sunod-sunod na bonggang regalo.

Ngunit agad itong nilinaw ni JM sa mediacon ng kanyang pelikulang “Selda Tres,” isa sa mga kalahok sa Sinag Maynila 2025.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa aktor:

“Hindi, ganoon lang po talaga siya. Kahit sinong taong malapit sa puso niya, kahit hindi mo hinihingi, ibibigay niya. Sobrang generous po talaga niya. And hindi po siya sugar mommy. Ganoon lang po talaga ‘yung personality niya.”

Dagdag pa ni JM, wala siyang duda na si Donnalyn na ang magiging “forever” niya.

“Siyempre!” sagot niya nang tanungin kung si Donnalyn na nga ang huling babae sa buhay niya.

Ngunit nang usisain kung kailan ang planong pagpapakasal, natatawang sagot ni JM:

“Secret!”

Bukod sa mga intriga, abala rin si JM sa kanyang bagong pelikula. Kasama siya sa “Selda Tres,” na itatampok sa Sinag Maynila film festival simula Setyembre 24. Para sa aktor, ang pagsabay ng proyekto at ng masayang relasyon nila ni Donnalyn ay nagbibigay inspirasyon at dagdag-lakas sa kanya.

Read also

Lalaking ililibing na sana, binalik sa hospital matapos ang isang hindi kapani-paniwalang pangyayari

Si Donnalyn ay kilala bilang isa sa pinaka-active na content creators at singer-actress sa bansa. Nakilala siya sa kanyang mga viral music videos, YouTube content, at social media presence na umaabot sa milyon-milyong followers. Maliban sa kanyang career, madalas ding usap-usapan ang pagiging mapagbigay at hands-on niya, lalo na sa mga taong malapit sa kanya.

Para kay JM, hindi na ito bago: aniya, kahit kaninong mahalaga kay Donnalyn ay kaya nitong maglaan ng effort at regalo, kahit hindi hinihingi.

Kamakailan lang ay nag-trending ang birthday post ni Donnalyn para kay JM de Guzman. Sa ulat ng Kami.com.ph, ipinakita ng vlogger-singer ang kanyang matamis na mensahe para sa aktor na sinabayan pa ng sweet photos nila. Marami ang kinilig at nagsabing bagay na bagay sila dahil halatang genuine ang pagmamahalan.

Bukod sa kanyang relasyon, naging laman din ng balita si Donnalyn nang siya ay pinarangalan sa Europe. Ayon sa Kami.com.ph, ginamit ng vlogger ang pagkakataon para magbigay ng matinding pahayag tungkol sa isyu ng pagbaha sa Pilipinas. Pinuri siya ng fans dahil ipinakita niyang handa siyang gamitin ang kanyang platform hindi lang para sa entertainment kundi para rin sa social awareness.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate