Stand-up comedians, nag-iyakan sa tribute concert para kay Ate Gay

Stand-up comedians, nag-iyakan sa tribute concert para kay Ate Gay

  • Nagkaisa ang mga stand-up comedians sa isang tribute at benefit concert para kay Ate Gay na may Stage 4 cancer
  • Si Allan K ang nanguna sa proyekto at ibinahagi na matibay ngunit ayaw makaistorbo ng tao si Ate Gay
  • Ayon sa doktor, hindi na magtatagal ang buhay ng komedyante at hindi na rin siya maaaring operahan
  • Ibinahagi ni Ate Gay sa KMJS na halos araw-araw siyang umiiyak at humihingi ng dasal at lakas para makayanan ang laban

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mula sa halakhak ay nauwi sa luha ang naging tribute at benefit concert para kay Ate Gay o Gil Morales sa tunay na buhay. Sa pangunguna ni Allan K, nagtipon-tipon ang mga stand-up comedians—mula sa mga baguhan hanggang sa mga beterano—upang magbigay ng suporta sa kapwa nilang komedyante na kasalukuyang nakikipaglaban sa Stage 4 cancer.

Stand-up comedians, nag-iyakan sa tribute concert para kay Ate Gay
Stand-up comedians, nag-iyakan sa tribute concert para kay Ate Gay (📷Gil Aducal Morales/Facebook)
Source: Facebook

Sa entablado ng Clowns, isa-isang nagbigay ng mensahe ang mga malalapit kay Ate Gay. Hindi naiwasan ang pag-iyak ng ilan, lalo na’t matagal na silang magkakasama sa mundo ng pagpapatawa. “Noon pa man, ginusto ko nang magpa-benefit show, siya lang ang ayaw. Ayaw niyang makaistorbo ng tao. Ayaw niyang nanghihingi sa tao, ganyan si Ate Gay, matibay siya, matatag yan,” pagbabahagi ni Allan K.

Read also

Angeline Quinto, idinaan sa biro ang matinding mensahe laban sa korapsyon

Ayon sa kanya, ang sakit na kinakaharap ni Ate Gay ay tinatawag na pallid tumor mucoepidermoid cancer versus squamous cell carcinoma. Batay sa mga eksperto, ito ay isang uri ng cancer na nagsisimula sa salivary glands o mga glandula ng laway.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang panayam na inilabas ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ikinuwento ni Ate Gay kung paano nagsimula ang lahat. “Hindi pantay ang mukha ko. Sabi ng mga kasama ko sa work, ‘Hindi pantay ang mukha mo, pa-check mo ‘yan,’” pagbabalik-tanaw niya.

Dumaan siya sa ultrasound, CT scan, at biopsy. Sa una, benign ang resulta, ngunit matapos ang ikalawang opinyon, lumabas na cancer nga ang tumama sa kanya. “Mahirap ngayon ang lagay ko. May cancer ako, stage 4 daw. Magtatagal ba ang buhay ko? Ang sabi, hindi na daw ako aabutin ng 2026. Kaya ang sakit-sakit sa akin. Hindi na rin daw ako puwedeng operahan. Wala raw lunas. Masakit sa akin,” emosyonal na pahayag ni Ate Gay.

Read also

Ogie Diaz sa hiwalayan nina Julia at Gerald: "Noon ko pa nalaman 'yan"

Hindi rin niya itinago ang bigat ng emosyon na dinadala araw-araw. “Halos araw-araw umiiyak ako. Hindi naman ako nagkulang kay Lord. Although lagi kong sinasabi na walang himala. Kailangan ko po ng dasal. Kailangan ko po ng lakas at sana po makayanan ko ang araw-araw kong buhay sa ngayon,” dagdag pa niya.

Sa gitna ng kanyang laban, nananatiling matatag si Ate Gay—hindi man niya kayang pigilin ang luha, nangingibabaw pa rin ang kanyang tapang at pananampalataya. Para kay Allan K at sa iba pang komedyante, oras na para ibalik ang saya na matagal na ring ibinahagi sa kanila ng Nora Aunor impersonator.

Si Ate Gay ay kilala bilang isa sa pinakakilalang impersonator ni Nora Aunor at komedyanteng nagbigay-saya sa loob ng maraming taon sa mga comedy bars at palabas. Kilala siya sa kanyang nakakaaliw na mga banat at mala-Superstar na mga awit na palaging nagbibigay ng halakhak sa audience. Ngunit sa likod ng mga tawa, isa siyang simpleng tao na ngayon ay humaharap sa pinakamalaking laban ng kanyang buhay. Sa kabila ng kanyang sakit, pinipili pa rin niyang magpakatatag at humiling ng panalangin mula sa publiko.

Read also

Ate Gay, humihiling ng panalangin para sa matindi niyang laban kontra cancer

Kamakailan lamang ay humiling ng panalangin si Ate Gay mula sa publiko para sa kanyang matinding laban kontra cancer. Sa ulat ng Kami.com.ph, ibinahagi niya na kahit halos araw-araw siyang umiiyak, patuloy pa rin siyang kumakapit sa pananampalataya. Dagdag niya, higit sa lahat ang kailangan niya ngayon ay lakas at panalangin mula sa mga nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Samantala, ipinahayag naman ni komedyante Boobay ang kanyang pagmamahal at dasal para kay Ate Gay. Sa hiwalay na ulat ng Kami.com.ph, sinabi niyang naniniwala siya sa tibay ng loob ni Ate Gay at kasama siya sa laban nito. Nagpaabot din siya ng mensahe ng pagkalinga at positibong enerhiya para sa kaibigang matagal nang nagbigay ng saya sa marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate