Vice Ganda, di napigilang mapamura sa rally: "Hindi ko kayang maging magalang sa kanila"

Vice Ganda, di napigilang mapamura sa rally: "Hindi ko kayang maging magalang sa kanila"

  • Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Vice Ganda sa pagsasalita sa harap ng mga raliyista sa People Power Monument ngayong September 21
  • Hindi niya napigilang mapamura habang nagbibigay mensahe sa mga umano'y "nagnakaw" na opisyal ng gobyerno sa pondo ng taumbayan
  • Aniya, hindi siya magbibigay galang sa mga ito at hindi niya sisimplehan lamang ang mensahe sa mga skusadong tiwali ng gobyerno
  • Isa lamang si Vice Ganda sa nakiisa sa mga raliyistang Pilipino laban sa mga korap na opisyal ng pamahalaan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nag-trending agad ang pagdalo ni Vice Ganda sa isinagawang rally laban sa korapsyon sa People Power Monument ngayong Setyembre 21.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang “Unkabogable Star” sa kanyang talumpati, kung saan deretsahang idinaan ang matinding poot sa mga umano’y tiwaling opisyal ng gobyerno.

Katatapos lang ng misa nang tawagin si Vice para magsalita, at agad niyang pinakawalan ang emosyon.

Hindi rin niya napigilan ang mapamura habang ibinubulalas ang galit para sa mga akusadong nagnakaw sa pondo ng bayan.

Read also

Ogie Diaz sa hiwalayan nina Julia at Gerald: "Noon ko pa nalaman 'yan"

“Isa lang ang gusto naming sabihin sa inyong lahat… patawad kay Father, pero P….. I… niyo!”

Sa harap ng mga raliyista, tumindig si Vice at walang takot na naglatag ng matapang na mensahe.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Ito ang wika ng mga Pilipinong ninakawan. Hindi ko sisimplehan, hindi ko babaitan ang mensahe ko ngayon dahil hindi naman sila mababait. Sa katunayan, mga hayop sila,” mariing pahayag ng comedian-host.

Hindi pa rito nagtapos ang kanyang pasabog. “Hindi natin kakalmahan ang mga kilos natin. Dahil deserve nila ang galit, ang pikon, at poot ng mga nanakawan nilang mga Pilipino. Hindi tayo pwedeng kumalma. Hindi ko kayang maging magalang sa kanila dahil mga bastos sila!” dagdag pa niya.

At sa huling bahagi ng kanyang talumpati, muling umarangkada ang matinding banat ng “It’s Showtime” host: “Hindi matatapos ang galit bukas. Hindi natatapos ang galit hangga’t hindi makulong ang mga P.I. magnanakaw.”

Isa si Vice Ganda sa mga artistang nakiisa at nakisigaw ng hustisya kasama ng libu-libong Pilipinong nagtipon upang kondenahin ang umano’y matinding korapsyon sa gobyerno.

Read also

11-anyos na estudyante, sinugod sa hospital matapos gumawa ng homework sa loob ng diretsong 14 oras

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag, kuha ng Inquirer. net na ibinahagi rin ni Vice Ganda sa kanyang Facebook page:

Si Vice Ganda ay kabilang sa mga pinakakilalang personalidad sa mundo ng showbiz sa Pilipinas, hindi lang dahil sa kanyang talento sa pagpapatawa kundi maging sa kanyang matapang na paninindigan sa iba’t ibang usaping panlipunan. Bagama’t ilang ulit nang inalok na pasukin ang politika, nananatili siyang bukas sa pagbabahagi ng kanyang saloobin hinggil sa mga isyung may kinalaman sa buhay ng karaniwang Pilipino.

Kaugnay ng naging pahayag ni Lav Diaz na dapat tumakbo si Vice Ganda laban kay VP Sara Duterte sa darating na 2028 elections, mabilis namang nagbigay ng reaksyon si Darryl Yap sa pamamagitan ng pag-post ng art card kung saan inihayag niya ang nominasyon kay BB Gandanghari bilang pangulo. Umani ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Bukod sa kanyang matapang na paninindigan laban sa korapsyon, ipinamalas din ni Vice Ganda ang kanyang kabutihan nang tuparin niya ang Christmas wish ng isang contestant sa It’s Showtime. Ang simpleng kilos ng pagtulong na ito ay patunay ng kanyang malasakit at pagmamahal sa kapwa, lalo na sa mga ordinaryong Pilipino.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica