Sarah Geronimo, may matapang na pahayag ukol sa "garapalang pagnanakaw"

Sarah Geronimo, may matapang na pahayag ukol sa "garapalang pagnanakaw"

  • Muling nagbigay ng kanyang tinig laban sa korapsyon si Sarah Geronimo
  • Sa Instagram ay nag-post siya ng makapangyarihang mensahe ukol dito
  • Aniya Sarah, nananawagan daw siya at ang taumbayan ng hustisya
  • Dagdag pa ng aktres, sana raw ay managot ang dapat managot

Sarah Geronimo, ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas, ay muling nagbigay ng kanyang tinig laban sa korapsyon sa bansa. Sa kanyang Instagram page, nagbahagi ang singer-actress ng isang makabuluhang mensahe na sumasalamin sa hinaing ng maraming mamamayang Pilipino.

Ayon kay Sarah, hindi siya nananatiling tahimik sa gitna ng mga panawagan ng mamamayan para sa hustisya at pananagutan. "Nakikiisa kami sa tinig at panalangin ng sambayanang Pilipino. Nananawagan kami ng hustisya laban sa talamak at garapalang pagnanakaw sa kaban ng bayan," ani ng Kapamilya star, bagay na hinangaan at pinuri ng kanyang mga tagasuporta.

Sarah Geronimo, may matapang na pahayag ukol sa "garapalang pagnanakaw"
Sarah Geronimo, may matapang na pahayag ukol sa "garapalang pagnanakaw" (@justsarahgph)
Source: Instagram

Dagdag pa niya, malinaw kung ano ang nais ng sambayanang Pilipino — ang managot ang mga tiwaling opisyal. "Panagutin ang mga tiwaling opisyal at igiit ang pananagutan. Ito ang aming paninindigan at sigaw ng pagkakaisa para sa Pilipinas," diin pa ni Sarah sa kanyang post.

Read also

Anne Curtis, makikiisa sa anti-corruption rally: "It's time we use our voices"

Sa kabila ng kanyang pagiging isa sa pinakamalaking pangalan sa industriya ng musika at telebisyon, nananatiling sensitibo at matapang ang Popstar Royalty sa paggamit ng kanyang impluwensya upang palakasin ang boses ng taumbayan sa gitna ng mga political issues.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mabilis na kumalat online ang post at umani ito ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizen. Marami ang nagpahayag ng kanilang pagsang-ayon at paghanga sa tapang ng singer, na sa kabila ng kanyang katayuan ay hindi nag-aatubiling makiisa sa panawagan para sa pagbabago.

Para sa ilang tagasubaybay, ang paninindigan ni Sarah ay patunay na ang laban kontra sa korapsyon ay hindi lamang dapat iwan sa mga nasa gobyerno o aktibista, kundi responsibilidad ng bawat Pilipino. Ang kanyang mga salita ay nagsilbing paalala na may kapangyarihan ang pagkakaisa, lalo na kung ito ay nagmumula sa taos-pusong pagmamalasakit sa bayan.

Sarah Geronimo, may matapang na pahayag ukol sa "garapalang pagnanakaw"
Screenshot mula sa Instagram ni @justsarahgph
Source: Instagram

Si Sarah Geronimo ay isang sikat na multi-awarded Filipina singer, actress, dancer, at TV personality na kilala rin bilang Asia’s Popstar Royalty sa industriya. Unang nakilala si Sarah nang magwagi sa singing competition na Star for a Night noong 2002. Bukod sa musika, nagwagi rin si Sarah sa larangan ng pelikula at telebisyon. Kabilang sa mga tanyag niyang pelikula ang A Very Special Love, You Changed My Life, Miss Granny, at Unforgettable. Sa telebisyon, naging bida siya sa seryeng Bituing Walang Ningning at Pangarap na Bituin, at naging host din siya sa mga programa tulad ng ASAP at The Voice of the Philippines, kung saan siya ay naging coach din.

Read also

“Hanggang kailan niyo ba ako lalaitin?” – Whamos Cruz, umalma sa pambabash sa kanya

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral kamakailan lang ang video ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Ibinihagi kasi ng aktor ang kanilang ganap sa St. Moritz sa Switzerland. Sapul kasi sa video ang mga natural at candid na reaksyon ni Sarah sa hike. Aniya tuloy ng ilang mga netizens, talagang napaka-relatable daw ng sikat na actress-singer.

Samantalang noong July ay nanood sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ng concert ni Billie Eilish sa O2 Arena sa London. Muntik nang hindi makapasok si Sarah matapos mapagkamalan ng security na alak ang bitbit niyang alcohol. Ipinaliwanag ni Matteo na hand sanitizer lamang ang laman ng lalagyan kaya pinayagan silang makapasok.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco