Anne Curtis, makikiisa sa anti-corruption rally: "It's time we use our voices"

Anne Curtis, makikiisa sa anti-corruption rally: "It's time we use our voices"

  • Natanggap na sa wakas ni Anne Curtis ang award niya mula sa BIR
  • Ipinakita niya ito sa isang Instagram post na dated nitong September 20, Saturday
  • Kalakip ng post ay isang makabuluhang mensahe tungkol sa pagbabayad ng buwis
  • Aniya Anne, bilang taxpayer, tama lang daw na malaman kung saan napupunta ang taxes

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Anne Curtis, isang kilalang Filipina actress, ay natanggap na sa wakas ang kanyang award mula pa noong nakaraang taon kung saan kinilala siya ng Bureau of Internal Revenue, o BIR, bilang isa sa mga top celebrity taxpayers ng bansa. Sa Instagram page, proud na ibinahagi ng aktres ang larawan ng kanyang natanggap na award, kalakip ang isang makabuluhang mensahe tungkol sa pagbabayad ng buwis na aniya'y importanteng responsibilidad ng bawat Pilipino.

Anne Curtis, makikiisa sa anti-corruption rally: "It's time we use our voices"
Anne Curtis, makikiisa sa anti-corruption rally: "It's time we use our voices" (@annecurtissmith)
Source: Instagram

Ngunit higit pa sa kanyang karangalan, ginamit ni Anne ang pagkakataon upang bigyang-diin ang mas mahalagang usapin: ang karapatan ng mga taxpayers na malaman kung saan napupunta ang kanilang pinaghihirapang pera. "Bilang mga taxpayers it allows us to ask an important question: Saan ba talaga napupunta ung taxes natin lahat?" tanong ni Anne sa post.

Read also

Sikat na fashion influencer, pumanaw na sa edad na 23 matapos mawala ng 2 linggo

Sa kanyang post, pinahalagahan ng aktres ang sipag at tiyaga ng mga Pilipino na araw-araw nagtatrabaho upang maitaguyod ang pamilya. "We all work hard. Some spend late nights away from their families, endure long commutes, and sadly, many still suffer the consequences of flooding and other hardships," dagdag pa niya, sabay pahayag ng pagkadismaya na sa kabila ng buwis na ibinabayad ng mamamayan, marami pa ring Pilipino ang hirap sa pang-araw-araw.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bagama't iginiit ni Anne ang kahalagahan ng pagbabayad ng buwis, nilinaw din niya na dapat lamang itong gawin kung ang pondong nalilikom ay ginagamit nang wasto — para sa ikauunlad ng bansa at kapakanan ng Pilipino. "I DO BELIEVE in paying taxes — when they're used for the growth of our nation, the betterment of our communities, and most importantly, in support of our fellow Filipinos who need the extra hand. Specially, for the youth and children who don't have access to proper nutrition and education," aniya Anne sa post na sinang-ayunan ng iba pa.

Read also

Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”

Samantala, ikinatuwa naman ng kanyang mga fans nang kumpirmahin ni Anne na dadalo siya sa nalalapit na anti-corruption rally sa Luneta sa darating na September 21. Kasama niyang makikilahok ang kanyang mga kapwa Showtime hosts na sina Vice Ganda at Ogie Alcasid, bagay na mas nagbigay ng excitement sa mga tagahanga at mga Pilipino na tutol sa katiwalian.

Si Anne Curtis-Smith ay isang Filipino-Australian na aktres at TV host. Nakilala siya sa iba't ibang teleserye gaya ng Hiram, Maging Sino Ka Man, at Dyosa. Simula noong 2009, isa na siyang pangunahing host ng noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime. Ang kanyang nakababatang kapatid na si Jasmine ay isa ring aktres. Sa personal na buhay, ikinasal si Anne kay Erwan Heussaff. Noong 2020, isinilang nila ang kanilang unang anak na si Dahlia Amélie.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay gumawa ng ingay sa social media si Anne Curtis dahil sa kanyang komento. Kamakailan, nagbahagi si Jericho Rosales sa Instagram ng ilang lumang larawan niya noong kabataan. Naglagay din siya ng nakakatawang caption tungkol sa kanyang dating sarili at kung paano raw ito ang "extreme me." Ngunit ang lalong nagpa-viral sa post ay ang komento ni Anne sa post ng dating matinee idol.

Read also

Jessy Mendiola, ibinunyag ang kanyang "rule" bago bumili ng bagong bag

Samantalang sumang-ayon si Anne Curtis sa pahayag ni Vice Ganda laban sa korapsyon na agad nag-trending. Pinuri ng komedyante ang kasipagan ng mga mamamayan habang binabatikos ang mga lider na umaabuso sa pondo ng bayan. Binigyang-diin niya kung paano nananakawan ng korapsyon ang mga tao ng buhay, pangarap, at oportunidad. Ang pag-repost ni Anne sa X page niya ay nagbigay pa ng bigat sa usapin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco