Ate Gay, humihiling ng panalangin para sa matindi niyang laban kontra cancer

Ate Gay, humihiling ng panalangin para sa matindi niyang laban kontra cancer

  • Si Ate Gay ay naging sentro ng usap-usapan kamakailan lang
  • Ibinahagi kasi ng 'KMJS' team ang lagay ni Ate Gay sa Facebook
  • Sa kanilang post, ibinunyag ni Ate Gay ang pagkakaroon niya ng kanser
  • Aniya ng komedyante, dahil dito ay araw-araw daw siyang umiiyak at malungkot
[BABALA]: Ang artikulong ito ay naglalaman ng mga paksa tungkol sa kalusugan at ospital.

Si Ate Gay, isang kilalang Filipino comedian, ay muling naging sentro ng usapan sa social media matapos siyang ma-feature sa isang post ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa kanilang official Facebook page. Sa nasabing post, ibinahagi ng KMJS team ang kasalukuyang kalagayan ng komedyante, kalakip ang ilang larawan na nagpakita ng kanyang pinagdaraanan sa ngayon.

Ate Gay, humihiling ng panalangin para sa matindi niyang laban kontra cancer
Photos: @ategay08 on Instagram | Kapuso Mo, Jessica Soho on Facebook
Source: Facebook

Sa post, emosyonal na ibinahagi ni Ate Gay ang kondisyon niya, "Parang beke lang siya noon. Hindi pantay ang mukha ko. Sabi ng mga kasama ko sa work, ‘Hindi pantay ang mukha mo, pa-check mo yan.’ Nagpa-ultra sound ako at nagpa-CT scan. After CT scan, magpa-biopsy daw ako."

Read also

Senyora, may kwelang post kasama si Dominic Roque: "For 9 months nanahimik ako"

Bagaman sinabi ng unang findings na benign ang kanyang kondisyon, unti-unti umano itong lumala. "Ang findings nung una, benign. Nagpa-second opinion ako. May show ako sa Canada, medyo lumalaki na siya. At tsaka nagbi-bleed nang nagbi-bleed," dagdag pa ng komedyante.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa huli, ibinahagi ni Ate Gay ang mabigat na balitang natanggap niya mula sa mga doktor. "Mahirap ngayon ang lagay ko. May kanser ako, stage 4 daw," aniya, sabay linaw na hindi na siya maaaring sumailalim sa operasyon pa, bagay na ikinalungkot ng kanyang mga tagahanga.

Hindi rin itinago ng komedyante ang kanyang pangamba tungkol sa kanyang kinabukasan. "Magtatagal ba ang buhay ko? Ang sabi, hindi na raw ako aabutin ng 2026. Kaya ang sakit-sakit sa akin. Hindi na rin daw ako pwedeng operahan. Wala raw lunas. Masakit sa akin," aniya Ate Gay.

Ayon kay Ate Gay, halos araw-araw ay dinadalaw siya ng matinding lungkot at takot, lalo na't wala siyang kasiguraduhan kung gaano pa siya katagal mamumuhay. "Halos araw-araw umiiyak ako. Hindi naman ako nagkulang kay Lord. Although lagi kong sinasabi na walang himala. Kailangan ko po ng dasal. Kailangan ko po ng lakas at sana po makayanan ko ang araw-araw kong buhay sa ngayon," hiling niya, kung kaya't inulan ang post ng pagdadasal para sa kanya.

Read also

Claudine Barretto, may mensahe sa mga anak ng late director na si Wenn Deramas

Sa kabila ng ito, marami sa kanyang mga tagasuporta ang nagpaabot ng kanilang mensahe ng pagmamahal, dasal, at suporta para kay Ate Gay. Patunay lamang ito na sa likod ng kanyang pagpapatawa at pagbibigay ng saya sa mga tao, siya rin ay labis na minamahal ng publiko.

Si Ate Gay, na ang tunay na pangalan ay Gil Morales, ay isang kilalang Filipino comedian at impersonator. Sumikat siya dahil sa kanyang mahusay na paggaya kay Nora Aunor. Madalas siyang makitang nagpe-perform sa iba't ibang comedy bars kung saan pinagsasama niya ang pagpapatawa, pagkanta, at pagbibigay-aliw sa mga manonood. Dahil sa kanyang kakaibang talento sa impersonation at pagiging natural na entertainer, naging paborito siya ng maraming Pilipino. Bukod sa kanyang career sa comedy bars, lumabas din si Ate Gay sa telebisyon at pelikula, kung saan mas lalo pang nakilala ang kanyang personalidad. Kilala rin siya sa pagiging prangka, totoo sa sarili, at sa pagbabahagi ng kanyang personal na karanasan sa buhay pati.

Read also

Pokwang, sumang-ayon sa pahayag ni Lino Cayetano ukol sa korupsiyon

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong April ay nagbigay-pugay si Ate Gay kay Nora Aunor sa burol nito sa Heritage Park, Taguig City. Ibinahagi ni Ate Gay ang malaking impluwensya ni Nora Aunor sa kanyang karera bilang komedyante at impersonator. Inalala ni Ate Gay ang kabutihan at suporta ng Superstar sa kanya sa loob ng tatlong dekada.

Samantalang noong 2022 ay pumanaw ang ina ni Ate Gay at dumulog ang komedyante sa Facebook upang magluksa. Aniya, palagi raw siyang sinasamahan ng kanyang nanay tuwing siya ay nagpe-perform. Naalala rin ni Ate Gay na palagi umanong iniiba ng kanyang ina ang istasyon kapag siya ay nakikinig dito. Ikininalungkot ng komedyante na ngayong wala na ang kanyang ina, wala nang magpapalit ng istasyon ng radyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco